Fifth🌹

1.4K 17 15
                                        

NO! NO WAY IN HELL! Erase! Erase! Erase!

What the fuck, Isla? Kinokonsider mo pa talaga ang ideya na 'yun?! Ang galing mo ring mag-justify no? Dinamay mo pa ang kainosentehan mo!

All my life I have always been a follower of my parents decisions, I have always been dependent on them when it comes to my future. I have always been that good daughter who never breaks the rules, and I actually don't mind being ignorant about certain things just because they don't allow me to.

I am pretty much thankful nga na may mga bagay na hindi nila pinayagang maranasan ko kasi hindi pa naman ito ang tamang panahon para diyan.

Nakalatag na ang lahat ng plano ko para sa future ko, I won't just let any man become the hindrance of my stable runway.

Kailangan muna akong mag-focus sa pagpapatupad ng lahat ng plano namin para sa kinabukasan ko bago ko simulang mag-explore sa kung anu-ano.

"Hoy! Tulala ka na naman diyan." I was taken away from my thoughts when a piece of tissue paper was thrown at my face.

"What the hell was that for?"

"Tulala ka na naman kasi! Aalis na tayo." Napatingin ako sa kanila at ako nalang pala ang naka-upo.

Tumayo na rin agad ako at sabay kaming nagtungo sa H&M para sa shopping spree ni Abby.

"Mabuti naman at hinyaan ka nina tita na mag-isa ngayon." Wika ni Abby habang nakatuon ang pansin sa mga racks, pero kahit hindi niya ako lingunin, alam ko namang ako ang sinasabihan niya.

"Kuya Santi is just a call away. Naka tambay lang 'yun, naghihintay sa'kin." Akala nila papayagan na ako ni Mom na mag-drive? Huh! As if.

"Hindi nga lang sumusunod, which is an improvement." Aileen pointed out sabay palabas ng hintuturo niya.

"Baka dahil malapit na siyang mag-eighteen kaya nagpapractice na si tita na mag-let go." Sabat ni Jamie na nasa kabilang rack, tumitingin ng mga jeans.

"Let go ka diyan, do you even know Isabella Hidalgo?" My mother is the epitome of strict and protective.

Hindi naman 'yung strict na nakakasakal, 'yung tama lang para maintindihan ko tuwing may pinupunto siya sa mga kilos ko. And protective that she always has kuya Santi around me 24/7 just to make sure I get to places and come home safe.

"Kung hindi lang ako nag-apply ng dorm in campus baka nga makikitira pa 'yun sa'kin."

"Kung ako ang nasa posisyon mo girl, matagal na akong nasasakal diyan." Siguro dahil sanay si Ari na palaging carefree at walang humahadlang sa mga desisyon niya sa buhay kaya naisip niyang hindi niya kakayanin.

I don't blame her for that dahil kahit ako, kapag tinitingnan ko ang sitwasyon ko, diminishing my personal overview, I know it's not easy to have people control your life for you. Pero iba kasi ako, dahil ginusto ko na may nagdedesisyon para sa'kin.

I don't trust my decisions, kahit na pinipilit kong maging makatuwiran ito. Kanina nga lang naisip ko na bumigay kay Arch na alam kong hindi tama. That's why I want my parents' decisions to back me up all the time.

I know I shouldn't keep this up, alam ko na hindi healthy kapag palagi akong dumidepende lang sa kanila, but I'd rather have them back me up than regret the decisions I made and not get the future I've dreamt of.

"Maybe that's because we're living different lives. There are instances that the things that are hard for you are easy for me and what's easy for you is hard for me." We are served with different platters, we don't walk on the same platform as everyone else kaya diskarte na natin 'yun kung paano natin 'yun ilalakad.

At Her 18th | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon