Umuwi ako sa bahay ng puno ng kasiyahan,syempre makakita ka naman ng angel diba!??
Grabehh,hindi na mawala ang mukha niya sa isip ko,ang gwapo niya talaga.Pagkauwi ko sa bahay
agad akong pumasok sa kwarto ko,at hindi na ako nag abala pang magbihis,dahil agad agad
akong sumalpak sa study table ko.
Kinuha ang sketch pad at nagsimula nang guhitin ang mukha niya.madali lang para sa aking
guhitin siya dahil na concentrate yung mukha niya sa isip ko,halos hindi na nga matanggal ehh,na
stock up na.Pagkatapos ko siyang e sketch tinitigan ko muna yung gawa ko.
Ang mga mata niya,parang nanunusok kapag nakatingin sayo,yung lips niya,gugustuhin mo
talagang mahalikan ka,tangine hindi pa naman ako nagkakaroon ng first kiss,hayyy sana siya.Yung
shape ng mukha niya,napaka well shape dinaig pa ang nagparetoke.All in all wagi na talaga .Alam
kong walang taong perfect pero sa paningin ko siya ay perfect.
Waaaa nakakabaliw na talaga siya.
*Knock,Knock*
"Pasok."
"Good evening anak." bati ni papa,Evening?Gabi na?
"Ahh goodevening din pa."
"Mukhang di mo alam na gabi na ahh."
"hahaha,mukha nga po." sabi ko,yung mata ni papa na nakatingin sa akin pumunta sa hawak ko.
"Anak sino yan?Ang----"
"Gwapo niya po diba?" sabi ko,totoo naman ehh at saka papa's girl naman ako kaya mas
magkasundo kami ni Papa,lalo nang iisang anak lang ako.
"Oo,pero sino yan?"
"Hindi ko po siya kilala,pero iniligtas niya ako."
"INILIGTAS?BAKIT ANONG NANGYARI SAYO?NASAKTAN KABA?NASUGUTAN KABA? ANO-----"
"Pa,iniligtas niya ako mula sa pagkakahulog ko sa fauntain dun sa park."
"Aii ganon ba." ang exage kasi
"Ganito po kasi ang nangyari,nasa isang bench lang ako nun,yung malapit sa fauntain,dahil
ginuguhit ko yung fauntain,tas may biglang itim na pusa ang tumalon dun at dahil mabait po etong
anak niyo kaya tinulungan ko,pero dahil may pagkatanga rin po etong anak niyo,kaya nadulas
ako,tapos dumating siya at iniligatas ang iyong anak."
-____- <----- reaction ng papa ko
"oii Pa,ba't ganyan ang reaction niyo?"
"Hindi naman totoo yung sinasabi mo ehh,kathang isip mo na naman yan."
"Pa totoo po yun."
"Halika ka na nga kumain na tayo."
"susunod lang po ako."
Mahilig kasi ako mag kwento ng aking imagination,na wala dito at wala doon,kaya kapag
nagsasabi na ako ng totoo hindi na nila ako paniniwalaan.
"Hayyy,ok lang,atleast para sa akin hindi ka imagination,para sa akin totoong totoo ka,sana magkita
pa tayo ulit,at kapag nagkita tayo sana malaman ko na ang pangalan ng angel na nagligtas sa
akin."