Part 21

22 2 1
                                    

Si Kyle ang bumungad sa akin,still wearing his cold aura,ano pa bang inaasahan ko!?si kyle yan,at sa

tingin ko hindi na talaga yan magbabago,pa iba iba palagi ang mood at aura,kainis lang.Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Walang tao rito lahat sila nasa court na." sabi niya at saka lumabas sa room at nilagpasan lang

ako.Huminga ako ng malalim,parang kailan lang napaka sweet niya sa akin napaka bait niya,tapos

naging suplado ulit,tapos naging sweet ulit,tapos suplado ulit.

Hayy naku malalagas lahat ng buhok ko nito sa kakaisip.Kainis lang talaga ka Kyle.Pero ang mas

nakakainis ay yung hindi ko kayang mainis sayo ng matagal,sa isang sulyap mo lang wala na lahat ng

galit ko,sa isang WWWWWAAAAAAA,nababaliw na talaga ako.Kaya minabuti ko nalang pumunta sa

court,pero bago ako nagtungo ron pumunta muna ako sa CR dahil tumatawag sa akin ang

kalikasan,kaya pagkarating ko ron agad ko etong ipinalabas.

Habang nag wee wee ako,may mga ibang students din na pumasok.Hindi lang ako naginggay dahil

pamilyar sa akin ang mga boses nila,parang si Lea at ang mga alipures niya.

"hahahaha,ang galing mo talaga Queen,siguradong maganda ang kalalabasan nung ginawa mo."

pagpupuri ng isa niyang kasama,at ano naman kaya ang ginawa nila!?

"Ako pa,kapag ako ang nagplano,palaging perfect talaga." nag-uupaw ang confedence ni Lea ahh.

"Pero paano kong hindi siya papasok ron?" sabi nong isa pa,at sino naman kayang 'Siya' ang ibig

niyang sabihin!?

"Tsk,yun pa!?like hello,si Charice yun,ang tanga nun,kaya for sure papasok siya sa room at dahil nga

tanga siya hindi niya malalaman na sa pagpasok niya matatapunan siya ng isang timba ng pintura na

nakalagay sa ibabaw ng pinto." pagpapaliwanag ni Lea,ahhh so ako pala ang pinag-uusapan nila,so

yun pala ang plano.

Natawa nalang ako sa isip ko,ako nga ba talaga ang tanga!?pano ba yan ehh,mukhang hindi na

matutuloy ang ohhh sooo perfect plan mo Lea.kawawa ka naman hahaha,ang tanga mo.Hindi ako

nagsalita,hindi ako gumalaw hanggang sa lumabas na sila.At saka ako lumabas at inayos ang damit

ko.

"Tignan natin ngayon kong sinong tanga." sabi ko at saka ako lumabas ng Cr at pumunta sa court.At

gaya nga ng sabi ni kyle,nandon na nga silang lahat at pati sila Lea,na kitang kita ko sa mga mata nila

ang pagka gulat.

Lumapit ako kay Steven na naka upo sa bench sa court.

"Hello Cha,ba't ba palagi kana ngayon late?pagod ka noh." nakangiting sabi nito.

"Pagod?Ako?hindi ahh."

"sush dinidenay pa,halata namang napagod ka ehh,napagod ka,kasi palagi kang tumatakbo sa isip

ko."

The Greatest Gift I haveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon