Bakit ko ba siya pinahirapan ng ganon?Simple lang.Dahil galit ako sa kanya,e dagdag pa nating
siya pala ang babaeng sinasabi sa akin ni papa,pero syempre hindi ko muna sasabihin sa
kanya,baka sabihin niyang pakana ko din toh.Maaga akong nagising,dahil sa wala ring tamang tulog kakaisip kong paano pinagbibiruan ni
tadhana ang buhay ko,like what the hell,sa lahat ng babae ba't siya pa!?Ang duga naman pero sa lahat ng babae buti siya nga.Ang gulo ba?Eto kasi daw ang tinatawag nilang Love Disease,isang sakit na walang gamot isang sakit na kahit na kailan hindi malulutasan,ewan ko nga kong paano yan naimbento ehh,na kahit ngayon wala paring gamot,yan tuloy maraming nang namamatay.Anyway,dahil sa nagising ako ng maaga,maaga rin akong naligo,nang palabas na ako sa kwarto
ko,narinig ko siyang nagpaalam sa isa sa mga katulong namin rito sa bahay,may pupuntahan
siya!?Saan naman kaya?At dahil sa na curious ako,kong bakit maagang umalis si Charice,kaya
napagdesisyunan kong sundan nalang siya.Nakita ko siyang pumasok sa isang grocery store,anong bibilhin niya!?At para saan naman yang
ipinamili niya?Sa pagkaka alam ko,marami pa namang stock ng pagkain sa mansion ahh.Bumili
siya ng mga madali lang lutuin at ready to eat na pagkain medyo marami rami din yung mga
pinabili niya,gusto ko siyang tulungan,pero hindi nalang,baka magtaka siya sa akin kong bakit ako
nandito.Pagkatapos pumunta siya sa...Pinagkainan namin ni Angel?don siya kumain,naka
dalawang serve nga siya ng cheese cake ehh,so cheese cake favorite niya.Pagkatapos niyang kumain sumakay siya sa isang taxi,pero nakalimutan kong dalhin ang
sasakyan ko,kaya wala na akong nagawa kundi panoorin siyang sumakay at lumayo na,kasi
naman ang galing lang tumayming ni tadhana,walang ibang taxi ang napunta roon.Kaya naghintay
nalang ako,baka maawa sa akin si tadhana at may taxing dumaan.And after 5 minutes,bumalik
yung taxing sinakyan niya,ang galing talaga ni tadhana minsan.Well minsan lang naman.Huwag ma flattered.Agad ko eyong pinara at sumakay.
"Saan ka iho?" tanong niya
"Don po sa dinalhan niyo sa babae." binigyan niya ako ng curious look.Kaya
"Sh*t kasi yung girlfriend ko ehh,nakita kong may kahalikang ibang lalaki, hindi pa ba siya
nakuntinto sa ka gwapuhan ko? ang swerte pa nga niya at ako ang naging boyfriend niya.Pero
Puta*na humanap pa ng iba." pagaarte ko, wow,kailan pa ako natutung umarte? at gumawa ng
mga estorya?hindi naman ako awtor ahh."Kalma lang iho,pakinggan mo muna ang panig ng girlfriend mo,baka may malalim na dahilan siya sa mga nakita mo." Mas napa wow ako kay manong,hehehe nahahalatang may
pinaghuhugutan ahh.Kaya tumango nalang ako sa kanya.Tahimik lang si manong na nag dri-drive ng biglang tumunog ang radio niya.
See I can't wake up I'm living a nightmare
That keeps playing over again
Locked in a room so hung up on you
And you're cool with just being friendsI froze.
That song.
Left on the sidelines
Stuck at a red light
Waiting for my time
And I can't seeAng kantang eto,eto ang pinaka paborito ko,kasi sa pamamagitan ng kantang eto naipapahayag ko
ang gusto kong sabihin sa kanya,kabilang ang tanong na yun!Ang tanong na hanggang ngayon
wala paring sagot.