Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,parang nahilo ako bigla.Hindi ko alam ang dapat kong
gawin,parang nasa gitna ako ng kawalan,walang kahit na ano akong maisip,blanko ang utak
ko.Ganito ba?Ganito ba ang pakiramdam ng magtapat sayo ang taong mahal mo!?
kaibigan o Minamahal
Sa dalawa sino at ano ang pipiliin mo,asan ka mas liligaya,sa piling ng taong nagmamahal sayo o
sa taong minamahal mo.Dahil ganito ngayon ang nararamdaman ko,nalilito na talaga ako,hindi ko
alam kong dapat ba ako maging masaya sa mga narinig ko ngayong gabi.
"Mahal na kita." mga katagang binanggit ni Steven sa akin
"I love you." Sinabi ni kyle.
Pagkatapos sabihin ni Kyle ang mga katagang yun,natigilan ako,at kusang lumabas sa lugar na
yun,ngayon nandito ako sa rooftop,mag-isa.Gusto kong makapag-isip.Ayokong makasakit at
masaktan,tapos na akong masaktan ayoko ng maulit pa,si Steven siya ang very first naging
kaibigan ko,ang taong ginawang masaya ang boring kong buhay,pero si Kyle,siya ang taong
binigyan at binuhay ako,ang taong kahit puno ng pagka suplado ang genes minahal parin ng puso
ko.
Minahal.
Ibig sabihin ba nun,hindi ko na siya Crush kundi...
"Mahirap ba?" nagulat naman ako sa biglang nagsalita,kaya napalingon ako kaagad.
"Chastin?Anong ginagawa mo rito?"Gulat kong tanong
"Napansin ko kasing nawawala ang pinaka maganda babae sa ball,at nagbabakasakali akong
makita siya rito,and luckily here you are."
"So nakakalito ba?" ulit niyang tanong,binigyan ko siya ng confused look.
"Hindi ako tanga,alam kong playboy ako,pero alam ko kong ang isang babae ay..."
"Ohh siya ikaw na may alam."
[silence] no one dare to talk,ni namnam lang namin ang tanawin sa baba,medyo madilim kasi,at
ang mga lights mula sa ball room ang nagrereflect sa labas.
"Uulitin ko,nalilito ka ba?" tanong niya.
Tinignan ko siya at
"Oo." maikli kong sagot,ngumiti siya at
"Piliin mo ang taong alam mong magiging masaya ka kapag siya ang kasama mo."simpleng sabi niya na nagbigay ng maraming palaisipan sa akin,at saka siya umalis.
Piliin ko ang taong nagpapasaya sa akin?
Pero paano ko naman yun malalaman kong pareho silang nagpapasaya sa akin?
Hayyy,naku naman,ba't ba ako pinanganak ng may maraming problema?
Bumaba nalang ako,pero ang hindi ko inaasahan ay sa pagkababa ko makikita ko silang dalawa at