Maaga akong pumasok,kasi ngayon na ang simula ng practice namin.Naglalakad lang ako ng may
biglang sumabog.Kaya agad akong tumakbo papunta sa pinanggalingan nong sabog at nakita ko
ang nabanggang sasakyan,wasak ang hood nito at naka bukas na lahat ng pinto nito.
Naalala ko tuloy ang Nangyari noon.
Buti nalang at meron nang tumutulung sa kanila.Ang Trahedyang nangyari sa amin noon.
[Throwback,NOON]
Papunta kami noong airport para sunduin sila lola,nasa harapan sila mama at papa,pero si papa
ang nag di-drive.Masaya kaming nagpapalitan ng mga jokes at mga nakakalokong usapan.Ng may
biglang isang brown na aso ang tumakbo sa daan,nakita naman kaagad eto ni papa kaya nailagan
niya eto,pero ang hindi niya nakita ay yung isa pang sasakyang katapat ng sa amin,kaya nabunggo
niya eyon,buti nalang at hindi yun nabunggo sa mga batong nasa tabi ng daan.
Pero wala sa amin ang swerte sa mga panahong yun,dahil hindi gumana ang preno ni papa kaya
kami tuloy ang nabunggo sa mga batong yun.Masakit.Yun agad ang unang naramdaman ko nung
sumalpok ang kotse namin,narinig ko ang iyak ni mama ang tawag ni papa ng pangalan ko.Hindi
ko sila makita,napaka blurred ng paningin ko,at pakiramdam ko may malaki at mabigat na bagay
ang nakadagan sa akin.
Hindi ko kayang e kilos ang mga kamay ko at pati mga benti ko,tapos naramdaman ko nalang na
parang may humahatak sa akin ng hinay hinay palayo ron sa mga nakadagan sa akin,pati siya
hindi ko nakita ng maayos,kasi nga napaka blurred na ng paningin ko,pero naramdaman ko ang
mga kamay niya,mainit eto at mararamdaman mo talaga rito ang pagiingat niya sayo.
Pero bago pa ako makapagsalita ng word na 'Salamat' bigla nalang na wala ng tuluyan ang lakas
ko,at tuluyan ng dumilim ang paligid.Wala akong nakita,wala akong narinig,wala akong
naramdaman.Iisa lang ang nasa isip ko sa mga oras na yun.
"Ayoko pang mamatay,gusto ko pang sabihin at ipakita sa mga magulang ko kong gaano ko sila ka
mahal,at higit sa lahat gusto kong mapasalamatan ang taong tumulong sa akin."
Kadiliman.Doon ako nakapunta,pero may isang maliit na liwanag kaya sinundan ko yun,at don,don
na ako nagising.Nagising ako sa isang kwartong walang buhay,puro eto kulay puti.At dun ko pa na
recognize na nasa hospital na ako.Tapos ilang minuto lang may pumasok sa kwarto ko at sila
mama at papa yun.
"Charice." sambit ni mama habang tumutulo ang mga luha niya sabay yakap sa akin.
"Anak,akala ko iniwan mo na kami." sabi naman ni papa
at pati siya niyakap ako
"Hindi ko kayo iiwan ng hindi ako namamaalam." sabi ko,alam kong nag-alala sila sa akin,kahit
nga ako ehh,nag-alala na baka mag-alala sila sa akin.
"Naligtas ka dahil sa batang yun." sabi ni mama
"Bata?"ibig sabihin bata ring kagaya ko ang nagligtas sa akin?
Ang mga kamay na yun.
"Oo,anak isang batang lalaki ang nagligtas sayo,ang batang din yun ay ang anak ng nabangga
natin,ang bait nga nila ehh." sabi pa ni mama
"Ganon po ba." sabi ko nalang
"Ohh siya magpa hinga ka muna,okay!!" sabi ni papa
"Okay po,i love you ma and pa."
[End of Throwback]
Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yun,hindi ko makakalimutan ang batang lalakeng
tumulong sa akin,paano ko kaya siya makikita at makikilala,kamay niya lang ang naramdaman
ko,hindi ko nga siya nakita ng maayos.Nan-dito na pala ako sa school,hindi ko tuloy napansin dahil
sa kakaisip ko,pumunta na ako sa classroom ko at bubuksan na sana ang pinto,ng bigla etong
bumukas at bumungad sa akin si...
Kyle.