Nagising ako dahil sa ingay sa labas.Nagligo ako kaagad at nagbihis nang uniform.Pagkababa ko
bumungad sa akin ang kalat kalat na sala namin.
"Pa anong nangyari?"
"May itim na pusa kasing biglang pumunta rito at natakot ang mama mo,kaya pinaghahampas niya
ang mga gamit."
Anodaw!?Itim na pusa?
"Pa,asan na ang pusa?"
"Ayon umalis na."
"alis na din ako pa paki sabi nalang kay mama,sige pa,ilove you." At tuluyan na akong lumabas
nang bahay.Asan na kaya yung si Ming Ming pumunta.At saka ko pa naalala.Sa park,baka pumunta
yun don.Kaya pumunta agad ako dun.
O_______O
Anong ibig sabihin nito!?
"Steven?" Oo,nandito siya at kinakausap niya ang kuting,binigyan pa nga niya nang maliit
na kapiraso ng sandwitch na kinakain niya.
"Good morning Cha."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Susunduin sana kita sa inyo,pero nakita ko siya kaya kinausap ko muna."
"Ganon ba!!"
tapos tumakbo na palayo si Ming Ming,tumayo naman si Steven at hinarap ako,still wearing his
killer smile,kong di ko lang to kaibigan for sure kanina pa ako na inlove dito at kong di lang nauna
si kyle,siguro-----
"Anong ginuhit mo?"
"Hahahaha secret." sabi ko at nagsimula nang maglakad
"Ikaw ano bang naiguhit mo?"Tanong ko
"Secret din." ohh siya kami na ang may secret sa isa't isa.At kagaya nga kahapon,hindi parin siya
nawawalan nang salitang sasabihin.Ngayon mula Albert Einstein hanggang kay NoyNoy,ewan ko
ba kong asan niya napulot ang mga sinasabi niya.Hanggang sa makarating kami sa school,and
as expected dahil ang gwapo ng kasama ko.Dinumog siya ng mga babae.
Yes!! walang halong biro,dinumog talaga siya,kaya naisan tabi ako kaagad,ewan ko ba sa mga
babaeng toh hindi naman siya artista,pero kong maka hiyawan at makalapit sa kanya,kulang
nalang kainin nila nang buhay si Steven.
"Hoy!! ano ba hinay hinay nga kayo,nakakasakit na kayo ng tao ahh." sigaw ko.Hindi na kasi sila
magkamayaw,tapos may binibigay silang mga gift kay Steven,hindi naman nila eto hinaharas.