Prologue and Chapter 1

22.4K 247 9
                                    

NOTE: This is the raw and unedited version. 

Teaser:

"Be my girlfriend."

That was the most catastrophic condition Nessah have ever heard in her entire life. Lalo na at galing iyon sa pinaka-nakakainis at pinakamayabang na modelong kilala niya, si Allen Hay.

She had two options: First, say the big "No, I won't accept your offer!" Second, say, "Yes, it's a deal." Si Allen lang kasi ang pwedeng makatulong sa kanya at makakapagpahiram sa kanya ng perang kailangan niya para maipatayo niya ang pangarap niyang negosyo.

Buong tapang na pinili ni Nessah ang second option para sa kanyang pangarap. Malinaw na sinabi sa kanya ni Allen na bored lang ito sa buhay nito kaya gusto nito na maging girlfriend siya. Pero tila biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil iba ang ipinapakita at ipinadarama nito sa kanya bilang boyfriend niya. He suddenly turned into a caring and adorable person. And just like a rocket, she fell so fast for him.

But things turned out to be wrong, because she found out that behind that condition was a painful truth. She felt betrayed, weak and hurt. Sana ay pinili na lang niya ang unang option at hindi na lang tinanggap si Allen sa tahimik niyang mundo.


"THE LOVE CONFESSIONS"

By: Saab de Andrade

PROLOGUE

"NESSAH, simula ngayon ay dito ka na titira."

Nilingon ng pitong-taong gulang na si Nessah si tita Livia. Ang mabait na ginang na nakasagasa sa kanya sa kalye. Nakaakbay ito sa kanya habang naglalakad sila sa loob ng magarang bahay nito.

Natatandaan pa niya ang mga nangyari. Miserable siyang naglalakad sa kalye kagabi. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pakiramdam niya, sa kanyang batang edad ay pinagkaitan siya ng tadhana. Namatay sa isang malaking sunog sa kanilang lugar ang mga magulang niya. Isang naiwang kandila ng isa sa mga kapitbahay nila ang dahilan ng sunog. Wala siya sa bahay nang mangyari ang sunog dahil nasa paaralan siya. Nakita na lang niya sa lugar nila na hindi magkanda-ugaga ang mga tao sa malaking apoy. Hinanap niya ang kanyang mga magulang pero kasama ang mga ito sa mga namatay sa sunog.

Mahirap lang ang kanilang buhay pero sagana siya sa pangaral at pagmamahal ng mga magulang. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay nawala ang kanyang mga mahal sa buhay. Nag-iisang anak lang siya at nasa malayo pa ang kanilang mga kamag-anak kaya hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pare-parehas namang mahihirap ang mga kapitbahay nila. Sapat lang na nakakaraos sa isang araw kaya walang sinuman sa mga ito ang sigurado siyang kukupkop sa kanya.

Napakabata pa niya at hindi niya malaman ang gagawin. Ano'ng kayang gawin ng isang batang tulad niya? Pero kahit na bata siya ay alam niya ang tama at mali. Salamat sa mga magulang niya dahil pinalaki siya ng mabuti.

Ayaw niyang matulad sa mga batang kalye. Dalawang araw na siyang nagpalakad-lakad sa kalye. Palagi siyang umiiyak at hindi malaman kung saan pupunta. Kagabi ay natatandaan pa niya na gutom na gutom na siya. Nanghihina ang kanyang katawan at hindi niya nakita ang humaharurot na sasakyan sa harapan niya.

Nang magising siya ay nasa hospital na siya at nakatunghay sa kanya ang isang magandang ginang na nakilala niyang si tita Livia. Pinakain siya nito at ibinili ng mga damit. Tinanong siya nito kung saan siya nakatira. Wala siyang naisagot rito at doon ay ikinwento niya ang masakit na karanasan niya sa buhay. Kahit hindi niya ito kilala ay naramdaman kaagad niyang mabait ito. Nang mag-umaga ay dinala siya nito sa bahay nito.

The Love Confessions (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon