Chapter 3

8.4K 155 0
                                    

CHAPTER THREE

PARANG pusang 'di maihi si Nessah mula sa kinalalagyan. Hindi niya malaman kung papasok ba siya sa loob ng malaking building na iyon o uuwi na lang at hindi na gagawin ang pakay niya.

Buo na ang kanyang isip. Napag-isip-isip niya kagabi na itutuloy niya ang balak na magtayo ng sarilng negosyo. Iyon ang gusto niyang gawin sa buhay. Gusto niyang magtagumpay sa gusto. Pero bago niya magawa iyon ay kailangan muna niya ng maraming hangin sa baga dahil sa tingin niya ay mauubusan siya ng hangin sa kabang nararamdaman.

Narooon ang isa sa mga kagustuhan niyang matuwa ang mga magulang niya sa kanya. Higit sa lahat ay gusto niyang tuparin ang pangarap. Pangako niya sa sarili na palalaguin niya ang negosyong gusto niyang itayo noon pa man.

Nagpasya siya na sundin ang kuya Eidan niya. Si Allen nga ang makakatulong sa kanya. Ito lang ang pag-asa niyang magpapahiram sa kanya ng halagang kailangan niya. Besides, Allen is rich enough to lend her some money. Sigurado naman siya na hindi siya nito tatanggihan sa hinihingi niyang tulong. Well, she's hoping kahit hindi maganda ang samahan nila.

Kaya pagkagising niya ay hinanap niya ang calling card na ibinulsa niya kahapon. Mabuti na lang at nandoon pa rin iyon. Handa na siyang humingi ng tulong kay Allen. Twin's Modeling Agency ang nakalagay sa calling card nito. May numero roon pero nagpasya siyang personal na sadyain ito para sa kanyang pakay. Pinuntahan niya ang address na nakalagay roon. Sana ay tulungan siya nito.

Nandoon na siya sa pintuan ng agency. Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob. May isang guard roon. Nilapitan niya ito ang nagtanong.

"Excuse me po manong. Saan po ba ang opisina ni Allen Hay?"

"Sa second floor po ma'am. Makikita niyo po may nakalagay na pangalan ni Mister Hay sa pintuan," magalang na sagot nito.

"Sige po. Salamat po manong," nakangiting sabi niya.

Tumuloy na siya at naglakad papunta sa second floor. Pagkarating niya roon ay maraming kawarto siyang nakita. Inisa-isa niya ang mga iyon at binasa ang mga pangalan na nakalagay sa bawat pintuan. Nang nasa dulo na siya ay nahanap niya rin ang pangalan ni Allen. Lima ang pangalang nakalagay roon. Nasa pangalawa ang kay Allen. Hindi na niya tiningnan ang iba pang pangalan. Basta makita niya ang hinahanap niya.

Kinakabahan siya. Nag-practice na siya ng sasabihin niya kanina. Hindi naman siguro siya nito ipapahiya sa kanyang pakay.

Huminga siya ng malalim at kumatok sa pintuan.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan. Napanganga siya ng isang lalaking matangkad at may kulay black na mga mata ang nabungaran niya. Napakaganda ng dimples nito sa kaliwang pisngi ng ngumiti sa kanya. Kulang ang salitang gwapo para i-describe ito. Parang nakita na niya ito na kasama ni Allen sa isang magazine.

"Hi, miss. I'm Josh. Anong kailangan mo?" todo ang pagkakangiti nito sa kanya.

Lumunok siya at hinarap ito. Totoo palang gwapo sa personal ang mga kasama ni Allen.

"Josh, sino yan?"

Nagulat siya ng sumulpot roon ang isa pang gwapong nilalang. Kulay brown naman ang mga mata nito. And there is growing little hair in his jawline. And she found that masculine. Dumako ang tingin nito sa kanya. Ano ba'ng mayroon at napakaraming gwapo sa lugar na iyon? Totoo pala ang bali-balita na maraming gwapo sa TMA.

"Hi. Ako si Phillip. You can call me Papa Phi." Nanlaki ang mga mata niya nang abutin nito ang kamay niya at halikan iyon. "You're so beautifuI." Namula yata ang pisngi niya sa sinabi nitong iyon. "Ikaw ba ang bagong model na sinasabi ni ma'am kanina?"

The Love Confessions (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon