CHAPTER TWO
"HEY! Allen Hay! Heypi-birthday pare!"
Natawa si Allen sa sinabing iyon ng kaibigan niyang si Josh nang pagbuksan niya ito ng pinto. He's now celebrating his twenty-ninth birthday. Kasama pa nito sina Renjie, Phillip at Ben. Ang apat na matalik niyang kaibigan ay himalang sumugod sa bahay niya ngayon. Kasama rin niya sa pagmomodelo ang mga ito. Itinuring niyang mga kapatid ang apat na nakasama niya sa kanyang trabaho.
Wala namang magarang selebrasyon para sa birthday niya. Ayaw niya ng ganoon. Sapat na sa kanya na kasama ang mga kaibigan. Tinawagan din siya ng mga magulang niya kanina para batiin. Nasa America ang mga magulang niya. He's half-Filipino and half-American. Ang daddy niya ay Amerikano. Ang kwento sa kanya ng mommy niya noong bata pa siya ay nakilala nito ang daddy niya sa America kung saan ito nagtrabaho. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan ng mga magulang niya. Matagal na siyang kinukuha ng mga ito para doon na tumira kasama ng mga ito pero palagi ay tumatanggi siya. Ipinaliwanag niya sa mga magulang ang dahilan kung bakit ayaw niya. Naiintindihan siya ng mga ito. He can never leave his life here. Besides, he is still waiting for that something. That something he wished he could have right now.
One more thing is that he's famous and his friends in their modeling career. He is one of the most sought after supermodel bachelors in the country. He's also a product endorser. Now, his friends and him are the new assets of Twin's Modeling Agency o mas kilala sa tawag na TMA. Ang pinakasikat na modeling agency sa bansa. Hindi nila napahindian ang offer ng mga ito. Alam rin naman nila na maganda ang agency kaya pumayag sila sa alok ng mga ito na kunin silang lima bilang bagong modelo ng mga ito. Dati ay mga freelancers lang sila pero nagdesisyon silang magkakaibigan na sa TMA na pumirmi. Pumirma na silang lima ng kontrata sa agency. Natitiyak niyang lalo pa silang sisikat ngayon.
He can still remember how chubby his cheeks when he was nine years old. Kaya nga tabachoy ang pang-aasar sa kanya ni Nessah. Payataot naman ito kaya masarap din itong asarin. The result, they clashed everytime they'll meet. But Nessah is so cute. Natutuwa siya kapag nakikipag-asaran siya rito. But those baby fats are gone so fast. Habang unti-unti siyang lumalaki ay gumaganda ang pangangatawan niya. He always worked out... para lalong maging mas maganda ang katawan niya.
Kaya siya napunta sa pagmomodelo ay dahil sa isang talent manager na naka-discover sa kanya noon. Na hanggang ngayon ay tumatayong manager pa rin niya. He was glad that his profession gives him something that he can be proud of. Sikat na sikat siya. Lalong-lalo na sa mga babae. Those scream and fan-girling ang nagpapasikat sa kanya. He dated a lot of girls but no one will ever know his feelings. Marami na ring na-link sa kanya na mga sikat na personalidad. Some may think that he doesn't believe in love but definitely he does. He treasures love like a delicate crystal. He believes in love like her parents do. Maybe he needs more time for that love or love needs time.
"Ang aga-aga nanggugulo kayo sa bahay ko," kunwari ay reklamo niya sa mga kaibigan.
Pinaupo niya sa sofa sa sala ang mga ito.
"Siyempre hindi namin makakalimutan ang birthday mo," nakangiting sabi ni Renjie.
"Sus! Hindi mo nga maiwan si Maddi sa bahay niyo eh," kantiyaw ni Phillip rito. Si Maddi ang nag-iisang babaeng nagpatibok sa puso ng sikat na Japanese model na si Renjie. Saksi rin siya kung gaano ito ka-possessive sa fiancée nito.
"Tumahimik ka riyan Phi," saway ni Renjie rito. "Kanina mo pa ako inaasar," reklamo pa nito.
"Aba! Totoo naman ang sinasabi ko," pagtatanggol ni Phillip sa sarili. "Kung pwede nga lang isama si Maddi ay isinama mo na siya."
BINABASA MO ANG
The Love Confessions (COMPLETED)
HumorSupermodel No. 2 Allen Hay, "Ang Model ng Gluta" ng TMA.