CHAPTER FOUR
"HOW can I be so selfish?" inis na tanong ni Allen sa sarili habang mag-isang nakaupo sa sofa sa sala.
Ni wala siyang nagawa at hinayahan na lang si Nessah na umalis ng bahay na mag-isa. Hinabol niya ito sa labas pero hindi na niya ito naabutan at sinabi ng gwardya na nakasakay na ito ng taxi.
Kinutusan niya ang sarili. Pakiramdam niya ay maramot siya. Na pinagkaitan niya ng isang pagkakataon ang isang tao. God knows how much he wanted to help her. Nabigla lang siya sa mga sinabi nito sa kanya kanina. He wanted to say to her that he can help her. Kayang-kaya niya itong pahiramin ng halagang kailangan nito. Kahit na hindi na nito bayaran pa iyon ay payag siya. Ganoon ang pagnanais niyang tulungan si Nessah.
But there is a problem. How can he help her if helping her means his fall? Yes, The Books, a famous bookstore near the State University of Manila, na gustong kalabanin ni Nessah ay pag-aari niya. Gusto pa ni Nessah na sa tapat nito itayo ang bookstore na gusto nito. He own The Books but no one knows about that.
Walang kahit simo ang nakakaalam na pagmamay-ari niya ang sikretong negosyo niyang iyon. Maliban lang sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao na ngayon ay nagpapatakbo ng The Books. He always gets high sales in that bookstore. Malakas ang benta no'n sa mga estudyante. Maging sa mga magulang niya ay itinago niya ang tungkol doon. May dahilan siya kung bakit iyon ang itinayo niyang negosyo. Kapag tinulungan niya si Nessah ay siguradong hihina ang negosyo niya.
Alam niya na mahusay sa pagnenegosyo si Nessah. Isang patunay na lalong lumago ang furniture shop ng mommy nito simula nang tulungan nito sa paghawak ng shop ang ina nito. Natuwa siya nang marinig mula kay Nessah ang dahilan kung bakit gusto nitong magtayo ng sariling negosyo. Para sa sarili nitong pangarap sa buhay. Lalo siyang humanga rito sa naising iyon. Alam niya ang istorya ng buhay nito. Ikinwento iyon sa kanya ni Eidan. Hindi siya naawa kay Nessah bagkus ay humanga siya. She was a tough girl. Nakaya nito ang lahat ng dumating sa buhay. That's why he can never forgive himself if Nesah gets hurt.
Na nagawa na niya kanina. He wanted to run after her when he saw that hurt in her eyes. But his body can't move to follow her. Gusto niya itong tulungan at tuparin ang gusto nito. Pero kapag tinulungan niya ito ay siguradong babagsak siya. Magaling si Nessah at kayang-kaya nitong makuha ang atensiyon ng iba. Pero matatakot ba siya na kalabanin siya nito o mas matatakot siya dahil hindi niya ito matutulungan?
Hindi niya alam ang gagawin. Kapag sinabi niya kay Nessah na pag-aari niya ang The Books ay sigurado siyang hindi na nito itutuloy ang balak na magtayo ng sariling bookstore sa tapat ng The Books. Kapag naman hindi niya sinabi rito ang totoo at pinahiram niya ito ng halagang kailangan ay matutupad nito ang pangarap. Matutulungan niya ito na patunayan sa sarili na kaya nitong tumayo sa sariling mga paa.
Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Ano ba ang pipiliin niya? Hindi niya maatim na maging malungkot si Nessah. Hindi niya magagawang hindi tulungan ito. Bumuntong hininga siya. Tutulungan niya ito. Bahala na kung anuman ang mangyari. Kahit na kalabanin siya nito ay ayos lang sa kanya. He is more than willing to fall and make her rise. Ang mahalaga ay natulungan niya ito sa gusto. Masaya siyang magiging daan siya para magkatotoo ang mga pangarap nito. Kung anuman ang maging konsikwensya ng lahat ay handa siyang harapin ang mga iyon. Ang importante sa lahat ay makita niya itong masaya.
Kahit na hindi malaman ni Nessah ang mga hangarin niya para rito ay sapat na sa kanyang makita itong nakangiti.
May isang munting balak na biglang sumingit sa isipan niya. Maybe it's now time. Siguro tadhana na ang nagdala sa kanya sa pagkakataong ito. Time brought him into this. He wanted to show Nessah that he can help her without anything in return. But he wanted that one special thing. That special thing he longed for many years to become not just his dream but his real.
BINABASA MO ANG
The Love Confessions (COMPLETED)
HumorSupermodel No. 2 Allen Hay, "Ang Model ng Gluta" ng TMA.