Chapter 10 (ENDING)

13.5K 335 30
                                    

CHAPTER TEN

TULUY-TULOY na pumasok si Nessah sa pintuan ng The Books suot ang kanyang sumbrero at jacket. Hindi niya pinansin ang mga empleyadong bumabati sa kanya ng gabing iyon. Isinakto niyang isang oras bago magsara ang store bago siya pumunta roon.

Nagpasya siyang magpunta roon para alamin ang mga promos na nandoon. Wala naman sigurong makakilala sa kanya roon. Baka nga hindi talaga siya kilala ng mga tao doon dahil hindi nagpupunta ang mga ito sa kalaban. Siya lang itong matapang para pumunta sa teritoryo ng kalaban niya.

Patingin-tingin siya sa mga librong naroroon. At naghahanap siya ng kakaiba pang makikita roon. Paglipat niya sa kabilang shelves ay napaigtad siya ng may bumangga sa kanya.

"Aw," daing niya nang tumama ang ulo niya sa malapad na dibdib na iyon. Naramdaman niyang natanggal ang sumbrero niya sa lakas ng pagkakabangga sa kanya.

"I'm sorry Miss. Here."

Hindi niya alam kung bakit kumabog ang dibdib niya sa tinig na iyon. Hindi. Nagkakamali lamang siya.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang tingin. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang lalaking nakabangga niya. Kita rin niya ang pagkagulat sa mga mata nito. Sa malakas na tibok ng kanyang puso ay may munting bumubulong roon na may mali. Nakasuot lang ito ng isang simpleng t-shirt at kupas na maong.

"A-anong ginagawa mo rito?" magkapanabay na tanong nila.

Lalo siyang naguluhan ng may lumapit na isang lalaki rito at bumulong rito.

"Sir. Nandito na po iyong mga products na binebenta ng Booksmile."

Dinig na dinig niya ang sinabi ng lalaking iyon. Nagkakamali siya sa nadinig niya at ng naiisip niya. Mali ang nakikita niya at hindi totoo iyon. Anong gagawin nito sa mga listahan ng ibinebenta nila? Ang sabi nito sa kanya ay hindi pa ito nakakapunta sa The Books pero anong ginagawa nito roon? Gustong niyang isigaw rito ang mga tanong iyon.

"Nessah." Akmang hahawakan siya nito ng umiwas siya. Nakita niya na pinaalis nito ang lalaki.

Matapang na sinalubong niya ng tingin si Allen. Kita niya ang nagsusumamong titig nito Gusto niyang umiyak sa sakit na biglang naramdaman ng puso niya. Para siyang kinakapusan ng hininga sa nararamdamang iyon.

"Sabihin mo sa akin na mali ang iniisip ko," mariing sabi niya rito. Naghuhumiyaw sa kanyang isip ang isang bagay.

"Nagkakamali ka Nessah. Magpapapaliwanag ako."

"Anong kaugnayan mo sa The Books?" lakas na loob na tanong niya.

Nakita niyang sinalubong nito ang tingin niya.

"Ako ang may-ari ng The Books."

Kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagtulo ng mga luha niya. Dobleng sakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang pinaglaruan at pinaikot ni Allen. Paano nito nagawang lokohin siya? Nagagalit siya at nasasaktan. Ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay ang umalis roon. Isa lang ang malinaw sa kanya. Nagsinungaling ito sa kanya.

Puno ng sakit ang mga matang tinignan niya ito ng tuwid sa mga mata. Wala siyang ibang nakikita kundi ang mga mata niyang puno ng sakit.

"Sinungaling ka!" mariin at puno ng hinanakit na sabi niya bago siya tuluyang mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Tumatakbong pinalis niya ang mga luhang hindi maampat sa pagdaloy sa kanyang mukha. Nagmukha siyang tanga sa harapan ni Allen. Sa mga araw na lumipas ay ngayon lang niya nalaman kung gaano siya nito pinagmukhang walang kwenta. Nasasaktan siya sa mga nalaman.

The Love Confessions (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon