Chapter 9

8.2K 166 0
                                    

CHAPTER NINE

"ANG sabi ko magbasa ka at hindi titigan ako," saway ni Nessah kay Allen habang magkatabi silang nakaupo sa sofa sa sala ng bahay nito. Nakahawak ang kanang kamay niya sa libro samantalang ito naman ang nakahawak sa kaliwa.

Hindi siya makapag-concentrate sa binabasang historical book dahil nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya. Nako-conscious tuloy siya at baka may dumi siya mukha. Simula ng mangyari ang halik sa pagitan nila ay mas naging malambing pa si Allen sa kanya. Ipinararamdam nito sa kanya ang mga bagay na nagpapakilig sa kanya.

Nahihirapan siya sa sitwasyon nila. Isang deal lamang ang lahat. Darating ang araw na alam niyang matatapos na ang lahat. Kapag nakabayad na siya ng utang rito. Tapos na rin ang papel niya bilang girlfriend nito. Parang ayaw na niyang magbayad pa para hindi na matapos ang mga masasayang araw nila.

Walang sinasabi si Allen sa relasyon nila. Hindi dapat siya pumapayag na halikan at yakapin siya nito pero hindi niya mapigilan ang sarili at tugunin ang mga halik at yakap nito. Dahil aaminin niya sa kanyang sarili na mahal niya si Allen. Isang klase ng damdaming ang tanging dulot sa kanya ay saya. Sino ba ang hindi magmamahal sa isang tulad nito? Hindi lang gwapo ito kundi ipinaramdam nito sa kanya na espesyal siya. Isang araw habang nakatingin siya sa mga mata nito alam niya sa kanyang puso na mahal na mahal niya ito. Ang kaisa-isang lalaking dumating sa buhay niya at nagbigay ng saya sa puso niya. Hindi niya akalain na kay Allen lang niya mararamdaman ang mga bagay na iyon. Tanging kay Allen lamang niya naramdaman ang ganoon kalakas na damdamin. Na halos sumabog na siya sa nag-uumapaw na kaligayahan.

Pero natatakot siya. Alam niya sa kanyang sariling libangan lang siya ni Allen. Naghahanap lamang ito ng isang babaeng pupuno sa pagkabagot nito sa buhay. At siya ang babaeng iyon. Masakit man pero iyon ang totoo.

Ang mga halik at yakap nito ang tangi na lamang pinanghahawakan niya. Na sana ay may katugon ang kanyang damdamin para rito.

Itinutok niyang muli ang tingin sa libro. Kahit na wala na roon ang atensiyon niya.

"Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong titigan ang maganda mong mukha."

Natigilan siya sa sinabi nitong iyon. Nilingon niya ito at nagtama ang mga mata nila. Isang malakas na damdamin ang naramdaman ng puso niya. Alam niya na iyon ay ang nararamdaman niya para rito. Kaagad na nag-iwas siya ng tingin at baka hindi niya mapigilan ang sariling sabihin rito kung gaano niya ito kamahal.

Tumikhim siya at hinablot ang libro rito. "Bahala ka nga," kunwa'y saway niya. "Kung ayaw mong magbasa. Hala! Alis diyan," pagtataboy niya rito. "Ako magbabasa ako rito." Humalukipkip siya at itinuon ang pansin sa librong hawak.

"Ang damot naman nito," narinig niyang sabi nito. "Magbabasa na ako promise."

Tinignan niya ito. Natawa siya ng nakataas pa ang kanang kamay nito.

"Ititikom ko na ang bibig ko at magbabasa na ako," itinikom nga nito ang bibig.

"Sige payag na ako. Pero kapag dumaldal ka, paaalisin kita," banta niya rito.

"Yes ma'am." Masayang lumapit ito sa kanya at bumalik sa pwesto nila kanina.

Habang nagbabasa sila ay seryoso siya nang marinig niyang tumawa ito.

Inis na hinablot niyang muli ang libro rito at nilingon ito. "Ano ba Allen? Ang sabi huwag kang maingay di ba?"

Tumingin din ito sa kanya na may bakas ng tawa sa mukha. "Ang seryoso mo kasing nagbabasa riyan." Pinindot pa nito ang ilong niya. Sumimangot siya sa ginawa nito. "Ganito na lang. May challenge ako." Kuntodo pa ang ngiti nito na parang napakaganda ng naiisip.

The Love Confessions (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon