CHAPTER FIVE
NAPANGITI si Nessah habang pinagmamasdan ang pag-aayos sa inupahan niyang lugar para sa pagtatayo niya ng bookstore. Mabuti na lamang at may available pang space roon. That place is a perfect location for competition. Handa siyang makipag-compete sa katapat na bookstore. Ganyan talaga sa negosyo. Natutunan niya iyon. Keep your enemies closer and know their weaknesses. Pinag-aralan niya ang lahat ng tungkol sa The Books. And she found their major weakness. Ngayon ay gagawin niyang strength niya ang weakness ng kalaban niya.
Pumapasok pa rin siya sa furniture shop pero kapag naayos na ang lahat ay sasabihin niya sa mama niya ang lahat. Alam niyang maiintindihan siya ng mga ito. Besides, they are one of the reasons why she's doing this.
Napakabilis lumipas ng mga araw. Nakabili na rin siya ng mga kakailanganing gamit gaya ng shelves at meron na rin siyang supplier ng mga paninda niya. Hindi naman gaanong malaki ang store. Tama lamang ang sukat niyon. May naisip na rin siyang pangalan para sa bookstore. Sigurado siya na sa grand opening 'non ay dadagsa ang mga tao.
Hindi siya nahirapang gawin ang lahat ng iyon dahil tinulungan siya ni Allen. Naninibago talaga siya sa mga kilos nito. Ang buong akala niya ay pagiging girlfriend lang nito ang iintindihin niya. Pero natuwa siya ng ito mismo ang tumulong sa kanya mula sa mga pagpili niya ng mga kagamitan na kakailanganin niya. Nagbago na ng tuluyan ang pakikitungo nito sa kanya. He really acted like her real boyfriend. Ang napag-usapan nila sa kanilang deal ay palagi silang magkikita. Magde-date daw sila kapag gusto nito. Sumang-ayon naman siya dahil wala siyang choice. Date lang naman. Kaya niya iyon.
Nagha-hire na rin siya ng mga empleyadong interesadong magtrabaho sa kanya. She knows she can do it. Si kuya Eidan niya at si Allen lamang ang nakaka-alam ng gagawin niyang iyon. Natuwa ang kuya niya ng ibalita niya iyon rito. Pero hindi niya sinabi rito ang tungkol sa kondisyon ni Allen. Nahihiya siya. Bagkus ay sinabi niya rito na huwag munang sabihin sa mga magulang niya ang tungkol doon dahil gusto niya na sa mismong opening niya sosorpresahin ang mga ito. Tiyak niyang matutuwa ang mga ito.
Tinignan niya ang relo sa kanyang bisig. Alas-kwatro na. Kailangan na niyang umuwi. Napagod rin siya sa dami ng orders sa furniture shop. Dumaan lang siya sa construction ng bookstore niya para personal na tignan iyon.
Paglabas niya ay sakto namang namataan niya ang paparating na motorsiklo. Kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari niyon.
Napangiti siya. Masasabi niya na nagbago ang pakikitunga ni Allen sa kanya simula ng magkaroon sila ng deal nito. Parang naging mabait ito sa kanya. Paminsan-minsan ay nagbabangayan pa rin sila pero naayos din iyon kaagad.
Naisip rin niya na mas maganda na iyon kaysa naman para silang mga aso at pusa na palaging nag-aaway. Malaking dahilan ng pagbabago ay ang deal nilang iyon.
Huminto ito sa harap niya. Tinanggal nito ang helmet at nginitian siya. He really looks adorable in his motorcycle.
"Sabi ko na nga ba nandito ka lang. Kanina pa kita tinatawagan sa phone mo," bungad nito sa kanya.
"Low battery ang cellphone ko. Bakit? May kailangan ka ba?"
"Nessah you're my girlfriend now. Natural alamin ko kung nasaan ka." Naramdaman niya ang pagtatampo sa tinig nito.
Oo nga pala. Simula ng maging girlfriend siya nito ay parang totoo nga lahat. Wala siyang alam sa relasyon pero sa tuwina ay nararamdaman niya ang mga pag-aaruga nito sa kanya. That's weird. He's just bored but why she found his careness for her?
BINABASA MO ANG
The Love Confessions (COMPLETED)
HumorSupermodel No. 2 Allen Hay, "Ang Model ng Gluta" ng TMA.