Chapter 7

7K 144 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"ALLEN, paangkas naman sa motor mo."

Nilingon ni Allen ang kaibigang si Josh habang pasakay siya sa kanyang motor doon sa parking lot ng TMA. Kasama rin niya si Phillip. Pauwi na sila galing sa photo shoot nila para sa araw na iyon. Sina Ben at Renjie ay nauna nang umuwi sa kanila.

"Hep!" awat niya rito ng akma itong sasakay sa motor niya.

Kunot noong tinignan siya nito. "Pasabay ako. Hindi ko dala ang kotse ko. Nasa talyer."

"Hindi pwede," giit niya. "Siya lang ang pwedeng umangkas sa motor ko." Mahinang hinawakan niya ang balikat nito at pinaalis sa motor niya.

"Pambihira naman. Ang damot mo. Para makisakay lang," reklamo pa nito. "Sino bang siya ang sinasabi mo ha? Si Nessah ba? Pinagpapalit mo na ako kay Nessah?" pag-arte pa nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ang daldal talaga ng kaibigan niyang ito. Pero tama ito sa tinuran. Si Nessah lang ang pinahihintulutan niyang umangkas sa kanyang motorsiklo. Pagka-alala rito ay napangiti siya. Masaya siya kapag kasama niya ito. Proud na proud siya na maayos ang takbo ng Booksmile. Kahit na medyo humina ang kita ng The Books ay ayos lang sa kanya. Basta masaya si Nessah. Masaya na rin siya. Pero may pangamba sa kanyang puso. Natatakot siya kapag nalaman ni Nessah ang lahat. Pero paninindigan niya ang pagsisinungaling kung iyon ang paraan para magtagumpay si Nessah. Nahihiling niyang sana ay walang sikretong nabubunyag.

Simula nang maging girlfriend niya ito ay pinaramdam niya rito ang lahat ng mga bagay na dapat ay ipinaparamdam sa isang babae. Sa tuwing kasama niya ito ay walang pagsidhan ang sayang nararamdaman niya. Hindi siya nagkamali na makipag-deal rito. Natatandaan pa niya ang sayang naramdaman niya ng pumayag ito sa gusto niya. He will show her how much he cares for her. He knows, no one will know about his real feeling for her. No one knows but him.

"Tama nga ako. Si Nessah nga. Narinig mo lang ang pangalan niya. Kuntodo na ang ngiti mo riyan na parang timang. Ano? In love ka na ba sa kanya?"

"Shut up," saway niya rito.

Sumimangot ito, "Ang sungit-sungit naman nito." Nakita niyang binalingan nito si Phillip.

"Papa Phi. Pakihatid naman ako sa bahay ko," todo pa ang pagkakangiti nito.

Matalim ang mga matang tinignan lang ito ni Phillip. "Stop calling me Papa Phi. Kinikilabutan ako."

"Iyon naman ang tawag sayo ng mga fans mo di ba? Papa Phi, kaya pwede kitang tawagin ng ganoon."

"Tumahimik ka!" sigaw ni Phillip rito. "Nakakadiri ka. Umalis ka nga riyan," saway pa nito nang mabilis na nakasakay na sa motor nito si Josh.

"Sige na. Parehas naman ang daan natin kaya ihatid mo na ako sa bahay ko. Hindi ba kayo naawa sa akin?" kuntodo pa ang drama nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Phillip.

"Hindi ako naaawa sayo Josh. Maglakad ka na lang," suhestiyon niya rito.

"Oo nga," sang-ayon ni Phillip. "May aangkas na rito kaya bumaba ka na riyan. Shoo!" pagtataboy pa nito.

Bumaba si Josh sa motorsikolo nito. "Sino?" tanong nito.

"Hayan o," tinignan niya rin ang nginuso ni Phillip.

"Hi, baby Zanny. Halika umaangkas ka na sa motor ko. Ihahatid kita saan mo man gustong magpunta. Kahit sa langit pa." Narinig niyang sabi ni Phillip.

The Love Confessions (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon