CHAPTER EIGHT
"SINO ba ang ibibili natin ng damit?" usisa ni Nessah kay Allen habang naglalakad sila at tumitingin sa mga nadadaanang mga damit.
Sinundo siya nito sa store at nagpasama ito sa mall. Nag-alala siya ng wala man lang itong suot na kahit ano para mag-disguise. Alam naman niyang sikat ito at baka makilala ng ibang tao. Ang katwiran nito, hindi nito kailangang itago ang sarili sa iba. Sinabi pa niyang baka may makakita sa kanilang siya ang kasama. Nagalit lang ito sa kanya. Kung anu-ano daw ang naiisip niya. Sumaya ang kanyang puso ng sabihin nitong wala itong pakielam sa sasabihin at iisipin ng iba.
May reregaluhin daw ito at gusto na siya ang pumili ng ireregalo nito. Kanina pa niya ito inuusisa pero ayaw nitong sabihin sa kanya kung sino ang reregaluhin nito.
Magkahawak-kamay sila habang naglalakad. Parang ayaw nitong bitiwan ang kamay niya sa sobrang higpit niyon. Napakasaya niya sa araw-araw na kasama niya ito. Wala itong palya sa pagsundo sa kanya sa store. Parang totoong magkasintahan ang turingan nila. Nahahanap na lamang niya ang sariling ginagawa rin ang dapat ay ginagawa ng isang nobya sa nobyo nito. Madalas na naglalambing ito sa kanya. Nakilala na niya ng lubusan si Allen. Taliwas sa batang Allen na kilala niya noon. She is seeing him as a man. A caring man. Hindi man niya aminin ay alam niya sa kanyang puso ang kakaibang hatid sa kanya ni Allen. Ang mga ipinapakita nito sa kanya. Napakamaalalahanin nito. Gustong-gusto naman niya ang mga ginagawa nito para sa kanya. Sana ay totoo ang mga iyon. Dahil siya, lahat ng mga ipinakita niya rito ay totong-totoo.
Nilingon siya nito. "Para sa isang babaeng kilala ko," humarap ito sa kanya. "Singkit ang mga mata niya," tinuro nito ang mata niya. "Matangos ang ilong," pinadaan pa nito ang hintuturo sa ilong niya. "Maganda ang lips niya," nakita niyang dumako ang tingin nito sa labi niya at kinindatan siya. Napalunok siya sa ginawa nito. "Mahaba ang buhok niya," hinaplos naman nito ang mahabang buhok niya. "Mabait siya pero mapang-asar kung minsan. Nagagalit ako sa kanya kapag pasaway siya. Kapag may lumalapit na lalaki sa kanya, nagagalit din ako."
Napangiti siya ng lihim. She knows he's describing her. Siya lang naman ang kasa-kasama nito. Tumataba ang puso niya sa mga sinasabi nito.
"Thank you Allen." Hindi na niya napigilang ibulalas. Dahil dito ay natuto siyang maging malakas. Kundi dahil kay Allen wala ang Booksmile. Kahit na may kondisyon ang pagtulong nito. Masaya pa rin siya dahil nakilala niya ito ng lubusan. Higit sa lahat ay naramdaman niya ang mga bagay na na ngayon lang niya naramdaman.
"Hindi naman ikaw ang ibibili ko ha. Bakit ka nagte-thank you?" seryoso ang mukha nito.
Nabura ang ngiti niya sa sinabi nitong iyon. Assuming talaga siya. Hayan tuloy napahiya siya.
"Ganoon ba? 'Edi bumili kang mag-isa mo!" inis na sabi niya na may halong pagkapahiya.
"Teka lang," pigil nito sa kanya nang pilit na alisin niya ang kamay niyang nakahawak rito. Tinignan niya ito. May naglalarong ngiti sa mga labi nito. Ang sarap kutusin ng loko.
"Sige pagtawanan mo pa ako," asik niya rito.
"Hindi ka na mabiro. Joke lang iyon. Siyempre ikaw ang magandang babaeng sinasabi kong ibibili ko ng regalo," nakangiting sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Kung ganoon, siya nga. Ang haba ng buhok niya kung ganoon.
"Talaga?" di makapaniwalang tanong niya. Tumango ito. "Bakit? Hindi ko naman birthday ha," takang tanong niya.
"Oo nga pero gusto ko lang na bigyan ng regalo ang pinakamagandang girlfriend ko." Pinisil pa nito ang pisngi niya.
Seryoso ang mga matang tinignan niya ito. "Hindi ko naman kailangan ng regalo. Sobra-sobra na ang itinulong mo sa akin Allen. Ang Booksmile. Hindi ko naman maipapatayo iyon kung hindi mo ako tinulungan. Nagpapasalamat ako sayo dahil doon."
BINABASA MO ANG
The Love Confessions (COMPLETED)
HumorSupermodel No. 2 Allen Hay, "Ang Model ng Gluta" ng TMA.