Chapter Two

3.6K 97 4
                                        

Maple felt inspired everyday. Kung noon excited siya pumasok para matuto, ngayon ay mas doble ang excitement na nararamdaman niya dahil sa isang tao.

She wanted to see her crush - Mr. Hayes. Kaya madalas ay hinahanap hanap ng mga mata niya ang binatang guro. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya simula ng makita ito.

Hindi siya madaling magkagusto sa isang lalaki lalo na sa isang teacher kaya bago sa pakiramdam niya ang nagyayari sakanya ngayon.

He was always on her mind to the point that she even dream about him almost every night. Which made her want to see him everyday.

Even during lunch breaks and dismissals, she always find ways to follow him and watch him from afar.

Gaya na lang ng mga oras na ito. Lunch break na nila at nagmamadali na siyang pumunta sa cafeteria ng school, habang hila-hila ang mga kaibigan.

"Konting bilis naman mga ateng, gutom na ako at sayang ang oras ng break natin o'! Turan niya sa mga kaibigan.

"Asus, gusto mo lang ata makita si Sir Russ eh. Kunwari ka pa eh halatang halata ka na naman!" Pang-aasar sa kanya ni Nikki.

"Oo nga! Dati di ka naman madalas bumili ng food sa cafeteria eh kasi palagi kang may baon. Tapos ngayon araw-araw ka nang bumibili. Ang lakas talaga ng tama mo kay sir no?" Dagdag naman ni Yara.

"Will you two please shut up?! Baka may makarinig sa mga pinagsasabi ninyo at machismis pa ako. Eh sa totoo naman na nagugutom na ako at kaya hindi na ako nagbabaon kasi sawa na ako sa mga pinapabaon sakin ni mama. At kapag nagsawa naman ako sa pagkain dito eh di babalik naman ako sa pagbabaon ulit. Kaya please bilisan na natin pwede?" Sagot niya habang pilit tinutulak ang dalawa para kumilos ng mabilis.

"Whatever you say girl!" They answered while grinning.

Pagdating nila sa cafeteria ay agad naman niyang nakita ang taong kanina pa niya gustong makita. Matutuwa na sana siya ngunit napalis ang ngiti niya nang makitang tumabi  dito ang ubod ng landi nilang classmate na si Queenie. Mukhang napansin din ito ng mga kasama niya at di napigilang magkomento.

"Mukhang naunahan  ka na naman babaeng higad na yun o' at gumagawa talaga ng mga moves makapaglandi lang. Tsk!" Komento ni Yara.

"Truelaloo! Feeling beauty queen ang peg ng bruha. Gandang ganda sa sarili si ate kaya halos lahat ng lalaki dito sa SIU ay nilalandi. Pati si sir di pinatawad! Ibang klase talaga!"  Segunda naman ni Nikki habang iiling iling.

"Tingnan mu nga at mukha naman di gusto ni sir yung ginagawa niya. Siguro nahihiya lang siyang paalisin kahit naaalibadbaran na sakanya yung tao." Si Yara.

"Sadyang mabait lang siguro tlga si Mr. Hayes kaya okay lang siguro sakanya yung ginagawa ni Queenie." sagot niya na piniling dumirecho sa pila upang makapamili ng kakainin kahit ang totoo ay gusto niyang sumugod at hilahin ang buhok ng malanding si Queenie at kaladkarin palayo sa lugat na yun.

Nang mabayaran ang pagkaing inorder ay naghanap na sila ng bakanteng mesa  at saka nagsimulang kumain.

"Make your move  na kasi girl, bagal mo eh! Di na uso si Maria Clara ngayon, kaya nauunahan ka na ng iba eh." Sabi ni Nikki habang sumusubo ng pagkain.

"What do you mean? She asked confusedly.

"Make your move to get his attention. Remember hindi lang si Queenie ang may gusto dyan kay sir kundi halos lahat ng babae dito sa campus no'! Isa na ako dun pero since were best friends ipauubaya ko na lang siya sayo. So if I were you, better start moving your ass  girl! Go get him!" Sagot nito sakanya.

"Nikki's right, clock is ticking! Better make a move now! Baka maunahan ka pa ng iba." Yara added.

Her friends has a point, but what will she do? She doesn't  even know where to start?

"Ahmm, okay I get it! But.. But what do i need to do?? You know very well that i don't have any slightest idea in getting a man's attention."

"It's plain and simple! First, be visible. Hindi yung palagi ka na lang nagtatago or yumuyuko pag nagkikita kayo or kapag malapit lang siya sa tabi mo. Held your head high and meet his gaze." Pangaral sakanya ni Nikki. Second, just smile, it's an attention stealer. So effortless! Third try to have some small conversation. Then everything will follow. Yun muna ang dapat mong malaman. That's the basics. Saka na yung mga ibang "moves" pag nagawa mu na to."

"Be ready and be aggressive. But not too aggressive like Queenie. Dapat may pa-mysterious effect pa din ng konti para may thrill. Man loves thrill." Payo naman sakanya ni Yara.

"Well wish me luck girls. Sana magawa ko lahat o kahit isa man lang sa mga payo niyo sa akin." Sabi niya habang nakatingin sa gawi ng binata na kausap pa din ang napakalandi niyang kaklase.

Kakayanin kaya niya ang mga pinapagawa sakanya? Pano ba niya uumpisahan ang gagawin? Nasa ganoon pagiisip siya ng bigla itong napatingin sa kinaroroonan nila at nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi na naman niya maiwasang makaramdaman ng hiya, dahilan para bigla na naman siyang magyuko ng ulo.

"Goodluck nga talaga sayo friend! Hay! Ganitong tingin pa lang eh ganyan na agad ang reaksyon mo. Pano mo pa magagawa yung mga sinabi namin? Kahit smile lang di mo pa magawa! Tsk!" Iiling iling na sabi ni Nikki habang tinatapik tapik naman siya sa braso ni Yara.

Maple let out a deep sigh. She really needed to make a move fast before it's too late.

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon