Wala silang imikan ng makarating na sila kung saan nakaparada ang mga bus na sasakyan nila pauwi. Halos lahat ng mga estudyante ay nakasakay na at tanging silang dalawa na lamang ang hinihintay.
Nang sumakay na sila ay hinanap niya ang mga kaibigan. Umupo siya sa katapat na upuan ng mga ito ng magisa.
Habang bumibiyahe ay patuloy pa rin sa pagtakbo ang isip nya sa mga kaganapan kanina lang sa pagitan ng guro. Nasasaktan pa din siya kaya't namalayan na lang niya na lumuluha na siya. Masakit lalo na dahil ikaw lamang ang nakakaalam na nasasaktan ka. Bulong niya sa isip.
Maya-maya pa ay unti unti siyang nakaramdam ng ginaw at pagsama ng pakiramdam. Bumibigat na din ang mga talukap niya at katawan kaya't ipinikit na lang niya ang mga mata at sinubukang matulog.
Napatingin si Yara kay Maple dahil narinig nito na umuungol ang kaibigan. At nang lapitan siya at hawakan ay saka nito nalaman na siya ay nilalagnat. Dali dali nitong tinawag ang kanilang guro.
"Sir, Maple's having a fever, will you please check her?" Paki-usap nito sa binata.He went to check Maple's condition and indeed she's having a fever and chills. He sit beside her and puts a towel around her to keep her more warm. Her teeth was chattering and her face is hot and flushed.
Pinagmasdan ni Russ si Maple habang natutulog ito sa tabi niya. Kitang kita niya sa mukha nito na hindi mabuti ang nararamdaman. Namumula ang ang mukha nito, marahil dahil sa lagnat at dahil din sa pag-iyak nito kanina. Nahihirapan siyang makita ito ng ganito. Malayo pa ang paroroonan nila kaya't wala siyang magawa kundi ang bantayan ito.
Kumuha siya ng malamig na tubig at binasa niya ang kanyang panyo at ipinatong ito sa noo nito. Pinainom din niya ito ng gamot para sa lagnat. Sana lang ay makatulong ang ginawa niya.
Tumayo siya saglit para hayaan ang mga kaibigan nito na palitan ang basa nitong damit. Nang matapos ang mga ito ay bumalik uli siya sa tabi nito para magbantay.
Nang hindi na siya makatiis sa nakikita ay dahan-dahan niyang hinila ito palapit sa katawan niya upang yakapin. I'm just doing this to keep her body warm. Bulong niya sa sarili. Alam niyang hindi magandang tingnan at maaari silang pag-iisipan ng masama ng ibang tao pero wala na siyang paki-alam doon. Fuck them!
Makalipas ang mga minuto ay naramdaman niya na nabawasan na kahit papano ang panginginig ng katawan nito ngunit mainit pa din ang katawan nito. Maaaring bumaba lamang ang lagnat nito pero hindi pa rin tuluyang nawawala.
Gumalaw ito upang sumiksik lalo sa kanya, kaya't hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito. Kahit nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon ay hinayaan na lang niya. Shit! This is torture! But I am willing to go through this just to ease her pain. Kahit ito man lang magawa ko para sa kanya. I'm sorry for I've hurt you. This the right thing to do. And It will be better for you If I walk away. Pagkausap niya sa sarili.
Hindi na niya napigilan ang sarili na hagkan ito sa ulo. Hindi na niya inalam kung may nakakita ba sa ginawa niya o wala. The hell I care! Bulong niya sa utak. Maya-maya pa ay nakatulog na din siya.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata habang inaaninag ang paligid. Nang sinubukan niyang gumalaw ay napansin niyang may nakapatong sa mga balikat niya at nakasandal siya sa isang matigas na bagay.
Nang sipatin niya ay nakita niyang nakasandal pala siya sa dibdib ng isang tao habang naka-akap sakanya. At nang tingalain niya ay ang maamo nitong mukha na natutulog ang nakita niya.
She was touched with the thought of he sits beside her to comfort her while having a fever. Sana pala lagi na lang ako nagkakasakit para lagi kang maging ganito sa akin. How I wish we can stay like this forever. It feels so good to be held by you. Feeling your warmth against mine. Kausap niya sa sarili.

BINABASA MO ANG
Why can't it be?
Aktuelle LiteraturAt the young age of sixteen, Maple fell in love. She's maybe young but she knows that what she feels is true. She learned that love can be unpredictable, uncontrollable and unexpected. But at the same time it can also give you an unbearable pain. ...