Today is their Foundation Day Program. Everyone is busy and having fun at the same time.
May mga iba't ibang food stall at mga iba pang mga paninda sa loob ng campus ground. Marami ring mga game booths na naroon.
Nakita pa niya ang mga ilang kaklase na nagtatawanan habang papasok sa horror house na gawa ng mga college students.
Narinig din niya na may nag-announce kung sino na naman ang mga huhulihin sa jail booth. Mabuti na lang at hindi siya nakasuot ng kulay blue dahil iyon ang mga hinuhuli.
Nakita niya ang dalawang kaibigan na may kausap malapit sa kissing booth.
"Hey, anong ginagawa nyo?" Tanong niya nang makalapit sa mga ito.
"Eto kasi si Trisha, pinipilit ako na isali sa kissing booth. Para daw mas marami ang pumila at kumita sila." Sagot ni Nikki.
"Eh bakit di mo gawin? Para naman makatulong ka sa booth nila." Sabi naman niya na naka-ngiti dito.
Lalo naman nalukot ang mukha nito. "Ewww! Ayoko nga! And besides, si Deckard lang ang gusto ko makahalik sa akin no."
"Eh papano mangyayari yun?? He doesn't want to talk to you. He even can't stand to be with you in a same room. At nang dahil yun sa panghahalik mu din sa kanya noon. Not once but twice!" Pang-aasar niya dito.
"Huh! For sure he likes it. He just don't want to admit it. And besides, I was too young at that time. The first time was when I was ten and the other was a year ago. Siguro kailangan ko lang ulitin ngayon para matauhan na siya." Sagot nito.
Bilib din talaga siya sa fighting spirit ni Nikki. Di talaga sumusuko kahit ilang beses na itong narereject.
Maya maya pa ay napansin niya na parang wala sa sarili si Yara. Simula ng lumapit siya ay kanina pa ito palinga-linga na tila may hinahanap.
"Uy Yar!! Ano bang nangyayari sayo? Sino bang hinahanap mo at kanina ka pa lingon ng lingon. Ni hindi ka sumasali sa usapan namin ni Nikki." Agaw niya sa atensyon nito.
"Ahmm wala naman. May tinitingnan lang." Sagot ni nito na patuloy pa din sa pag-iikot ng paningin sa paligid.
"Sus! Ang sabihin mo hinahanap mo yung lalaki na nakausap mo kanina. Infairness hottie din ang isang yun." Sabi ni Nikki na ikinapula ng mukha ni Yarra.
"Sinong lalaki?" Tanong niya naman.
"Ahmm wala. Nagkabanggaan lang kasi kami kanina. Para kasi siyang may pinagtataguan kaya tumatakbo siya at hindi niya ako nakita na papalapit sa daraanan niya. Ayun nagkabanggan kami." Paliwanag naman nito.
"Tapos anong nangyari?" Tanong niya ulit.
Ngayon lang kasi niyang nakitang ganun ang kaibigan. May pagka-boyish kasi ito. Kung si Nikki ay mahilig sa short skirts at siya naman ay simple dresses, ito naman puro pantalon at shorts naman na hindi gaano kaiksi ang isinusuot.
Ni hindi din ito madaling magka-crush sa lalaki kaya may mga kaklase sila na ang tingin dito ay isang lesbyana. Na itinanggi naman nito. Wala lang daw talaga pa siyang nagugustuhan.
Well i guess she was hit by cupid right now. She silently said.
"Ahmm. He said sorry and helped me stand up from the ground. Then he whispered to my ear." She paused for a while.

BINABASA MO ANG
Why can't it be?
General FictionAt the young age of sixteen, Maple fell in love. She's maybe young but she knows that what she feels is true. She learned that love can be unpredictable, uncontrollable and unexpected. But at the same time it can also give you an unbearable pain. ...