Chapter Eleven

2.5K 91 2
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas at unti-unti na nawala ang kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ng dating guro. Kasabay niyon ay ang lungkot at sakit na unti-unting kumakain sa loob niya dahil hindi na niya ito nakikita.

At ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ay dahil nabalitaan niya na nililigawan na nito ang dati nilang naging guro na si Ms. Cruz.

Kasalukuyan ay narinig niyang nagkukwento ito sa mga kapwa guro habang nasa loob siya ng faculty dahil tumutulong siya sa pagcheck ng ilang mga papers ng kanyang adviser na Ms. Diaz.

"Grabe ang sweet niya talaga at perfect gentleman pa. At siyempre ubod ng gwapo." Kinikilig na sabi nito.

"Ang swerte mo talaga girl at ikaw ang napiling ligawan. Ang daming magaganda doon sa college building pero yang ganda mo pa rin ang nakita niya." Sabi naman ng isang guro.

"Oo nga eh. Nakakainis lang kasi kailangan pa niya lumipat ng ibang department para lang makaiwas sa tsismis na kagagawan ng mga maarteng bata. Ang bata-bata pa lumalandi na kasi agad." Sabi nito na nakatingin sa kanya.

Alam niyang siya ang pinaparinggan nito, at gustuhin man niya na sagutin ito at ipagtanggol ang sarili ay alam niyang hindi siya mananalo. Kaya't mas pinili niyang manahimik at ituloy na lamang ang gingawa.

"O sige na, mauuna na ako kasi naghihintay na sakin si Russell sa cafeteria. Sabay daw kami maglunch." Nasisiyahang sabi nito at lumabas na ng faculty.

Maya-maya pa ay sinundo na siya ng mga kaibigan at inaya din siya na maglunch.

Pagdating nila sa cafeteria ay nakita niya ang dalawa na magkatabi habang masayang nagkukwentuhan. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagiging sweet ng dalawa.

Nasasaktan siya sa nakikita. Habang siya ay patuloy na nalulungkot dahil sa mga nangyayari ay heto sila, masayang masaya sa harapan niya. Kumbaga sa sugat, taktakan mo pa ng asin para mas lalong masakit. Bulong niya sa utak.

Nawalan siya ng gana at nagpaalam na lang sa mga kaibigan na pupunta na lamang siya sa music room. Gusto niyang mapag-isa. Naintindihan naman nila kung bakit.

Pero bago pa siya makaalis ay napatingin ito sa gawi nila. Huli na para bawiin ang tingin niya. Nararamdaman niya na naluluha na siya at bago pa tuluyang tumulo ang mga luha niya ay dali-dali na siyang umalis sa lugar.

Natagpuan niya ang sarili sa loob ng music room. Kinuha niya ang isang gitara doon at nagsimula siyang tumipa. Namalayan na lang niya na umiiyak na pala siya. Pinahid niya ang mga luha at nagsimula na lamang siyang tumugtog para mawala ang nararamdamang sakit.

Music therapy, good for broken hearted people. Sabi niya sa isip.

Ilang minuto pa ay narinig na lamang niya ang sarling boses na kumakanta.

You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Oh baby please don't get me wrong
'Cause I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning

Why can't it be?
Why can't it be the two of us?
Why can't we be lovers?
Only friends
You came along
at a wrong place, at a wrong time
Or was it me?

Patuloy sa pagluha ang kanyang mga mata. Kaya't pumikit na lamang siya at ninamnam ang pagkanta.

Baby I dream of you, every minute
You're in my dreams
You're always in it
That's the only place I know
Where you could be mine
And I'm yours, but only till I wake up

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon