Chapter 9: New

255 49 29
                                    

TUMUNOG ulit ang alarm bell.

Second warning na iyon. Tumingin ulit si Glazelyn sa kanyang gintong wristwatch habang naglalakad sa hallway papunta sa Humanities class niya.

It's already 1:00 pm.

There's nothing to worry. Hindi naman strict ang professor nila sa Humanities pagdating sa punctuality. Minsan nga ay ito pa ang nale-late sa klase.

Habang naglalakad ay pansin niya na pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng nakakasalubong niya. Ang iba ay rinig pa niyang pinag-uusapan siya.

Napabuntong-hininga siya. What's new?

"Hi, Glazelyn!" nakangiting bati ng isang lalaking estudyante na nadaanan niya. Hindi niya ito kilala pero pamilyar ang mukha nito.

Nakangiting tinanguan niya lang ito nang hindi tumitigil sa paglalakad.

"Hi, Glaze! Pwede na ba'ng manligaw?" pagpapacute ng isa pang estudyante na nadaanan niya.

Katulad ng nauna ay nginitian niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. May ilan pang lalaki ang nagpapansin sa kanya pero puro ngiti at tango lang ang naging tugon niya sa mga ito. Hindi niya sineseryoso ang mga pasaring ng mga ito. Sanay na kasi siya.

"Glazelyn, my love!"

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Ang tumawag sa kanya ay walang iba kung hindi ang mayabang at ultimate playboy ng university na si Larry. Nakasandal ito sa tabi ng bulletin board at kinakawayan siya. Kasama nito ang mga kaibigan nito na nakangiti rin sa kanya.

Gusto niyang iwasan ito pero hindi iyon maaari. Para makarating sa room na papasukan niya ay kailangan niyang dumaan sa pasilyo na malapit sa bulletin board.

"How are you, babe?" nakangising tanong nito sa kanya nang malapit na siya.

"Hey, Larry!" Binigyan niya ito ng pekeng ngiti nang makadaan. "I'm good. See 'ya!"

Binilisan niya nang konti ang lakad niya. Hindi siya kumportable sa tuwing nakikita o nakakasama si Larry. Kung makatingin kasi ito sa kanya ay parang hinuhubaran siya.

"I heard you're already single. Wanna hook up with me? Sisiguraduhin kong mag-e-enjoy ka," pahabol nito nang malampasan na niya. Sinundan pa iyon ng mahihinang tawa ng mga kaibigan nito.

Nakakunot-noong nilingon niya si Larry at inirapan nang hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. Wala siyang planong makasama ito kahit isang minuto lang. Kung meron pa siyang kinaiinisan na lalaki maliban kay Greg, si Larry iyon.

Itutuon na sana ni Glazelyn ang tingin sa nilalakaran nang may mabunggo siyang lalaki.

"Ooops! Sorry!" paghingi niya ng paumanhin. Tiningnan niya ang mukha ng lalaking nakabunggo niya at natulala siya.

Napakaguwapo nito. Mestizo, matangos ang ilong at may mga matang nang-aakit na kapag tinitigan mo ay parang hihigupin ka. Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang mga medyo maninipis na stubbles na parang mga maliliit na tuldok lang na nagkalat sa baba, sa magkabilang panga hanggang sa may bandang itaas ng leeg nito. She finds it very manly and attractive.

Oh my gosh! He's gorgeous!

Iyon nga lang ay medyo maangas ang dating nito. Mukhang bad boy. Bigla tuloy niyang naalala si Damon Salvatore ng The Vampire Diaries, ang pagkakaiba lang ay maikli ang maitim nitong buhok na medyo magulo ang pagkakaayos. Hindi yata nag-e-effort sa pagsusuklay ang lalaking ito. Hindi naman siya na-turn-off dahil parang mas bumagay naman sa itsura nito.

Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Medyo matangkad ito. Mga 5'10" ang height. Nakasuot ng black t-shirt na hapit na hapit sa lean and muscular nitong katawan with matching rugged pants and brown caterpillar boots. May nakasukbit pa na black and white headphone sa leeg nito.

The Heart of Laveris: The Rise of Laverians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon