Chapter 27: Worry

35 1 0
                                    

"You may question my actions, but never my love." -Arleigh

NILANGHAP ni Althea ang simoy ng hangin. Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang maganda at malawak na lupain sa ibaba. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng ikatlong palapag ng Clavis.

Ilang segundo na siyang nakatayo roon. Doon siya dinala ng kanyang mga paa nang magising tatlong minuto na ang nakakaraan.

Maaliwalas at napakatahimik ng paligid. At kahit saan siya tumingin, puti ang nakikita niya. Puti ang mga pader pati ang kanyang tinatapakan. Meron lamang iilang bagay na kulay asul, ginto o gawa sa kristal.

Nananaginip ba ako? O langit na ito?

"Huwag kang mag-alala. Wala ka pa sa langit," aniya ng boses sa kanyang likuran na para bang nabasa nito ang kanyang iniisip. "Or should I say, sa Andil."

Nilingon ni Althea ang pinanggalingan ng boses at tumambad sa kanya ang isang magandang babae. Napakaamo ng mukha nito at mahaba ang alun-alon nitong buhok. Kulay itim ang bandang itaas ng buhok nito pero sa gitna hanggang dulo ay kulay pilak na. Nakasuot ito ng mahabang bestida na kulay ginto habang kapansin-pansin ang suot nitong kwintas at mga pulseras na parehong gawa sa diamanté.

Halos magkasingganda ang babae at si Glazelyn. Humigit lamang nang kaunti ang babae sa harap niya dahil mas malakas ang dating nito. Ito ang tipo na imposibleng hindi mapapansin kahit nasa isang mataong lugar.

"Paano mo nalaman ang iniisip ko? Anghel ka ba?" tanong ni Althea.

Bahagyang natawa ang babae saka umiling. "No. Nahulaan ko lang na iyan ang iniisip mo. Ganyan naman talaga ang naiisip ng kahit na sino na bago sa lugar na ito."

"K-kung ganoon, sino ka?"

Matamis na ngumiti ang babae saka inilahad ang kanang kamay. "Arleigh."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

"It feels good to finally meet you, Althea," nakangiting sambit nito.

Bahagyang nasorpresa si Althea. Maliban sa matinding pagtataka kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan, hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito nang mahawakan ang kamay niya. Tila ba may nakatago sa likod ng matamis nitong ngiti at hindi niya iyon mawari.

Agad rin siyang nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan. Maaaring dulot lang iyon ng malamig na hangin na nanggagaling sa balkonahe na kinatatayuan nila pero tila iba ang gustong ipahiwatig ng utak niya. Malakas ang kutob niya na ang nararamdaman niya ay dulot ng presensiya ng babaeng nasa harap niya.

Napaisip siya. Ganito ba ang mga tao rito? Lahat ba katulad niya?

"Kilala mo ako?"

"Of course," nakangiti pa ring tugon nito.

"Paano? Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Althea na naguguluhan pa rin.

Napansin niya na saglit na natigilan si Arleigh bago ito sumagot ulit. "Well... Why not? Everyone here knows who you are, Althea."

"Here?" Nagpalinga-linga ulit siya sa paligid. Napakatahimik pa rin. Wala pa rin siyang nakikitang tao maliban kay Arleigh. "Teka... Nasaan ba tayo? Ano'ng lugar ito?"

"We're here in Clavis."

"Clavis?"

Tumango si Arleigh.

"Nasa mundong ibabaw pa ba tayo? O patay na ako?"

Doon na tuluyang tumawa si Arleigh saka umiling-iling. "Oh gosh... I didn't quite expect this," sambit nito na mas kinakausap yata ang sarili.

The Heart of Laveris: The Rise of Laverians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon