Chapter 30: Instruction

40 2 0
                                    

"The only way to move forward to a better future is to embrace the past." — Ephilus

NAGPAPAHINGA si Theone sa silid nito sa Clavis kaya napagdesisyunan ni Ephilus na siya na lang muna ang kakausap at magpapaliwanag sa mga baguhang laverians na sina Althea, Nico, Glazelyn at Brent.

"Kumusta si Mang Tasyong?" nag-aalalang tanong ni Nico. "I mean...si Theone?"

Kasalukuyan silang nasa loob ng conference room na nasa ikalawang palapag ng Clavis. Katabi ni Glazelyn ang kanina pa walang imik na si Althea habang katapat naman nila sa parihabang mesa sina Brent at Nico. 

"He'll be fine," sagot ni Ephilus sabay upo sa bandang dulo ng mesa.  Kagagaling lang niya sa silid ni Theone. "The whole illusion took a toll on him. Pero kinailangan niyang gawin lahat ng iyon dahil naisip namin na mas maiintindihan ninyo ang lahat kapag nakita ninyo ang nakaraan. The only way to move forward to a better future is to embrace the past."

"So... we are laverians," sambit ni Brent.

"Alzerians," pagtatama ni Ephilus saka tumingin kay Nico. "Well, except for Nico."

"A-ako? B-bakit?" medyo gulat na tanong ni Nico sabay turo sa sarili.

"You're a Cilhean," sagot ni Ephilus. "Althea, Glazelyn and Brent are all Alzerians. And Arleigh, too."

"Sino si Arleigh?" tanong ulit ni Nico.

"I believe siya ang babaeng tumulong at nagligtas sa atin laban sa mga reficuls." Si Glazelyn ang sumagot pagkatapos ay binalingan si Ephilus. "Where is she? I haven't seen her since I woke up. Magpapasalamat sana ako."

Nagkibit-balikat lamang si Ephilus. "Kanina ko pa siya ipinatawag but she's still not here. Pagpasensiyahan niyo na. She is a bit complicated."

"I figured," nang-uuyam na sambit ni Brent saka bahagyang ngumisi.

Naningkit ang mga mata ni Ephilus. Kanina pa niya napapansin na kakaiba ang mga kilos at reaksiyon ni Brent sa mga nakikita at nalalaman. Tingin niya ay ito ang tipong hindi basta-basta nagtitiwala sa kahit na sino. Maaaring may alam na rin ito. Pero sa ngayon ay hahayaan na muna niya ang mga pasaring nito.

"Kung ganoon ay ako lang ang naiiba?" medyo may lungkot na tanong ni Nico.

Ngumiti si Ephilus saka umiling. "Ang totoo ay marami ang katulad mo rito. Nandiyan ang tatlong lider ng mga gardia, ang tawag sa ating mga bantay at hukbong-sandatahan, na sina Gabriel, Xander at Andrei. Silang tatlo ay mga Cilheans. Asul ang pangunahing kulay at pisikal ang pangunahing kapangyarihan."

"Isang malaking karangalan ang maging Cilhean, Nico," dagdag ni Ephilus habang mataman na nakatingin kay Nico. "Well, at least, iyon ang paniniwala ni Alexzus, ang ama ni Althea na siyang pinakamagiting na Cilhean na nakilala ko."

Ngumiti na nang malawak si Nico sabay baling kay Althea pero wala pa ring kibo ang huli. Nanatili lang itong bahagyang nakayuko at walang imik.

Nakaramdam ng awa si Nico para sa matalik na kaibigan. Hindi nga naman madali na makita at makilala ang ama sa una at huling pagkakataon.

"P-pero ano ang kapangyarihan ko?" tanong ni Nico sabay baling ulit kay Ephilus.

Bahagyang nagulat si Ephilus. "Hindi mo alam?"

Umiling si Nico. "Wala namang kakaiba sa akin."

"Sigurado ka?"

Tumango si Nico. Nakatingin na sina Brent at Glazelyn sa kanya nang may pagtataka.

Malawak na ngumiti si Ephilus saka sumandal sa kinauupuan. Mababakas sa mukha niya ang matinding kumpiyansa. "Kung ganoon, sige. Bibigyan ka namin ng sapat na panahon para madiskubre ang iyong kapangyarihan dahil nakakasiguro kami na ikaw ay isang Cilhean."

The Heart of Laveris: The Rise of Laverians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon