Iginala ko ang mata ko sa malawak na hektarya ng lupain nila lola.
Naikwento ni lola na talaga daw mataas ang pride ni tatay dahil kahit nahihirapan na ay pinipilit niyang itaguyod kaming lahat. Ayun naman daw ang nagpabilib kay lola.
Kung titignan ay medyo malayo na ang kasunod na bahay. May kabayo, kambing, baka, kalabaw, manok, at pato na pagala-gala sa buong lupain.
Napangiti ako ng makita na hinahabol ng inahing manok ang mga lalapit sa sisiw nya.
Preskong hangin at berdeng tanawin. Ibang-iba sa Maynila.
"Halika na, Via. Para makauwi tayo bago makapananghalian." Napalingon ako kay Tita Mabel na nakaayos na.
Wala akong naisalba sa mga damit ko. Namili lamang kami ng kaunti bago kami umuwi ng San Ignacio.
Isinuot ko ang floral dress at beige flats at itinaas ang kulot kong buhok sa isang bun.
"Ang ganda mo, Via. Mana ka sa akin." Ani Tita Mabel at nagtawanan kaming dalawa.
"Paano po ang mga kapatid ko? May mapapasukan po ba silang malapit lang dito?“ Tanong ko.
"Oo, malapit lang 'yon dito. Bukas sila naman ang sasamahan ko." Ani tita habang naghihintay kami ng tricycle.
Malapit lang naman pala ang Ignacio State University. Pagbaba ko ng tricycle ay bumungad kaagad sa akin ang kulay gintong gate ng buong unibersidad. Nakasulat din sa taas nito ang pangalan ng unibersidad.
Labas palang ay mukhang malawak na ito, at mukha ngang maganda dito. Kumpara sa Maynila, mas malaki ang mga facilities dito. Tatlo ang basketball court, may oval, at open grounds.
May sarili din itong swimming pool, at mga building na hanggang limang palapag.
Pagpasok mo sa loob ay bubungad kaagad sayo ang mga larawan ng mga nagdaang dean ng eskwelahan at mga ambag nila sa paglago ng unibersidad.
Sa gawing kaliwa naman ay ang faculty at ang lahat ng office. Sa pathway naman sa gawing kanan ay derecho sa mga room at iba pa.
"Dito tayo, Via. Kakausapin kong payagan ka na nilang pumasok at to follow nalang 'yong mga papers mo." ani Tita Mabel.
Tumango nalang ako at naghintay sa labas ng office. Saglit lang ay lumabas na si Tita at may dalang papel.
"Fill-up mo lang ito tapos punta ka sa registrar doon sa dulo, ibigay mo yan tapos hintayin mo lang daw 'yong letter na ibibigay nila. Dito lang ako saglit." Pagkasabi ni Tita ay umalis na siya papunta sa isa pang office.
Naiwan naman akong mag-isa kaya ginawa ko nalang 'yong sinabi niya.
Nag-fill up ako at ng matapos ay dumerecho na ako sa registrar. Palapit palang ako ay nakita ko na agad kung gaano kahaba ng pila.
Hindi ko alam kung anong meron, dahil hindi naman enrollment ngayon.
Nakipila nalang din ako, halatang pinagtitinginan ako ng mga tao.
Bagong mukha nga naman. Nahihiya na ako dahil halos mukhang matutunaw na ko sa mga tingin at bulong-bulungan nila.
"Hi, bago ka dito? I'm Gracie." Wow, ume-english si ate. Not that ina-underestimate ko siya. Sanay naman ako sa ganun dahil sa mga classmates ko sa Maynila.
"Yvia Eliz. Via for short." Sabi ko at ngumiti.
"Mag-eenroll ka?" Aniya na mukhang namamangha. Sabagay, matagal na kasing nagsimula ang klase.
"Yes. Transfery ako." I said, still smiling.
"Good luck!" Sabi niya at umalis. Bakit parang may ibang kahulugan?
Sinunod ko lang ang tita ko at may ibinigay ngang letter sa akin.
Ayon daw muna ang magsisilbing Certificate of Registration ko. Pag kumpleto na ang papers ko papalitan nila 'yon ng tunay.
Ipapakita ko lang daw iyon sa lahat ng klaseng papasukan ko para payagan akong pumasok ng mga professor dito.
Hindi na ako nakagala sa loob ng eskwelahan pero sa lunes daw ay pwede na akong pumasok.
I am hoping for a good begining in my new school and classmates.
Sana ay maging maayos lahat.
