Chapter 3

10 2 0
                                    

Sabado ay pumunta kaming magkakapatid kasama si Tita Mabel sa bayan para mamili ng mga gagamitin namin sa school.

Katulad ko ay papasok na rin sila sa bago nilang eskwelahan. Nahihirapan pa kaming mag-adjust magkakapatid pero sana naman ay maging maayos ang lahat.

May maliit na parang mall sa bayan. Kumpleto naman sa loob. Pero hindi kagaya ng mga mall sa Maynila ay masyadong maliit ito at mainit din sa loob.

"Alam mo ba Via, madaming magaganda dito!" Ani Tita habang tinuturo na tindahan ng mga school supplies.

Ngumiti lamang ako bilang tugon. Lumingon ako sa mga kapatid ko at mukhang tamad na tamad sila sa ginagawa namin. Di ko mapigilang matawa. si Phoebe lang ata ang natutuwa.

"H'wag na kayo malungkot diyan! Hindi ba sabi naman nila mama na babalik tayo sa Maynila?" Sabi ko sabay hila sa kanilang lahat papasok sa Sita's General Merchandise. Pangalan ng stall sa loob ng mall.

Habang naghahanap kami ng maayos na gamit sa eskwelahan ay may nakita akong grupo ng mga kabataan na sa tingin ko ay mga kaedad ko na papasok din dito. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko naman sila kilala. Pinagpatuloy ko lang din ang ginagawa ko. Sinamahan ko pa si Phoebe na kumuha din ng mga gamit niya.

"Uy, Via!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Noong una ay hindi ko pa siya nakilala. Si Gracie pala.

"Uy, hi!" Tugon ko at ngumiti.

Lahat ng kasama niya ay nakatingin na din sa akin ngayon. Nahiya naman ako sa mga tingin nila kaya nagpaalam akong pupunta muna ako sa mga kapatid ko.

"Ahm, puntahan ko muna mga kapatid ko ah." Sabi ko at ngumiti bilang paalam.

"Via? Right? Sama ka samin mamayang hapon. Pupunta kami sa falls, dun sa may malapit sa university." Bago pa ako umalis ay humabol na nagsalita 'yong isang kasama ni Gracie na lalaking kulot at mahaba ang buhok. Matangkad at matipuno.

Umismid naman ang isa pa nilang kasama na lalaki na may malinis na gupit di kagaya ng nauna, may kayumangging balat pero kumpara sa lalaki kanina ay mas matalim ang mga tingin niya kahit na wala ka naman ginagawa sa kanya.

"Oo nga, Via!" Ani naman ni Gracie na ngayon ay nakangiti ng ubod ng tamis.

"Ah eh. Subukan ko muna magpaalam." Sabi ko, sa totoo lang parang gusto ko nga sumama dahil malapit na ang pasukan at mawawalan na kami ng oras para libutin ang San Ignacio.

"Sige daanan ka nalang namin sa inyo! Kila Buena 'di ba?" Sabi ulit ng kulot na lalaki na hindi ko pa din alam ang pangalan.

Ngumiti at tumango lang ako at sinenyas ang mga kapatid ko. Buti naman at hinayaan na nila akong lumapit sa kanila.

Madami din kami napili ng mga kapatid ko, nakauwe kami bago mananghalian. Pagkatapos mananghalian ay natulog lahat ng mga kapatid ko. Sayang at isasama ko sana sila sa paalam ko.

"Tita, kilala niyo po ba si Gracie? Nakilala ko po siya sa University." Sabi ko habang kasama si Tita dito sa likod bahay nakaupo sa ilalim ng puno.

"Kung si Gracie Fuentes, oo. Anak siya nung may malaking taniman ng mga mangga dito sa San Ignacio. Ang pagkakaalam ko nga ay sila ang pinakamalaking supplier ng mga mangga na makikita mo sa mga mall at palengke sa Maynila.

Nabigla ako sa nalaman ko, so ibig sabihin ay mayaman si Gracie. Naiilang pa naman ako sa mga mayayaman dahil may mga matatapobre pero hindi ko nilalahat.

"Niyayaya po kasi nila ako na sumama sa may falls daw po malapit sa University. Pwede po ba ako sumama?" Sabi ko ng nakangiti.

"Oo naman!" Ani Tita ng nakangiti din.

Pagkasabi noon ni tita ay pumunta na ako sa kwarto at inihanda ang mga gagamitin kong damit dahil malamang ay maliligo kami doon.

Mga ala-una ng hapon ay dumating na nga sila, nagulat ako dahil may dala silang mga kabayo. Mayroon din kaming mga kabayo pero hindi pa ako marunong sumakay at magpatakbo.

"Dito ka na sakin sumakay, Via." Ani ng lalaking kulot na sana ay malaman ko na ang pangalan.

Pagkasabi niya noon ay nagtawanan ang iba pa nilang kasama. Bale 2 kaming babae ni Gracie at 4 silang lalaki.

"Hindi na! Dito ka na sumakay! Di ka pa masyadong marunong Ron!" Ani naman ng lalaking may matalim na tingin.

Napatingin siya sa akin, ganun pa din parang galit na ewan. Parang kong hinahatak ng tingin niya. Ilang segundo pa kami nagtitigan at dumerecho ako sa kanya. Nakita kong may sumilay na ngiti na ewan sa kanyang labi.

Bago ako sumakay ay lumingon muna ako sa kanilang lahat. Kitang kita ko ang dismayadong mukha ni Ron, 'yong lalaking may kulot na buhok. Nakita ko din ang ngiti ni Gracie na hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin.

Iniabot niya ang kanyang kamay upang tulungan ako maka-akyat sa kabayo niya.

Pag-akyat ko ay agad kong naamoy ang pabangong panglalaki at pawis na pinagsama.

"Kumapit ka." Aniya sa malamig na tono at hindi man lang ako nilingon.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at ipinalupot ang aking braso sa kanyang beywang. Ramdam ko ang pagtigas ng kanyang katawan dahil sa ginawa ko. Marahil ay nagulat lang.

"Mag-iingat kayo mga bata!" Sigaw ni Tita Mabel sa bintana ng aming bahay.

Lahat kami ay kumaway lang bilang paalam. Nakatingin lamang ako sa bahay hanggang sa maging maliit na ito sa paningin ko.

Love And IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon