Ano nga ba ang true love? 'Yan ang tanong na bumabagabag sa isip ko bata pa lang ako. Sabi ko sa sarili ko, hahanapin ko 'yan, papatunayan ko 'yan.
Alam nyo kung anong nangyari? Ganito kasi yun...
...........................................................
Dear Ross 248,
Ngayong araw, makikita ko ang true love ko. Mag-dadate kami ngayon alam mo ba yun. Sabi ng bestfriend ko, ikaw ang tenth closest star mula sa earth kaya nagtitiwala ako sa'yo. Sana, maging successful ang date namin ni Anderson.
...........................................................
"Pa. Pwede po bang magpaalam?"
Bilang nag-iisang anak na babae, nahihirapan akong magpaalam sa kanya. Ito ang unang beses na ginawa ko ito kaya hindi ko alam kung anong sasabihin nya.
"Pa. Pwede po bang umalis?"
Inakala niyang simpleng lakad lang ang lahat. Ang tingin nya noon, mamamasyal lang kami ng mga kaibigan ko.
"Pa. Pwede pong maki-pagdate?"
"Himala, nagpaalam ka. Bakit 'di ka na tumatakas tulad ng dati.", sagot nya.
Maski ako hindi ko alam kung bakit naisip kong magpaalam. Baka siguro maganda ang mood ko kaya nagawa ko 'yun.
Pero may isa akong paliwanag na napagtanto. Inakala kong papayag sya 'pag sinabi ko iyon.
"Pa. I think.. this is true love?"
Tinawanan nya lang ako sa sagot ko. Hinanda ko na ang sarili ko dahil alam kong hindi sya maniniwala.
"True love? Totoo ba ang narinig ko anak? 17 ka pa lang iha. Hindi mo alam 'yan."
Palagi nyang inuulit ulit sa akin na bata pa ako. Pero ang naisip ko? Kaya ko naman na siguro ang sarili ko.
"Pa. May promise ako sa sarili ko.."
"Ano yun? Tell me."
Isang bagay lang naman ang matagal ko nang hinihiling. Sana, bago ang debut ko, mahanap ko na ang true love ko. Gusto kong sya ang maging last dance ko sa 18th birthday ko.
"'Wag kang magpatawa anak. Hindi mo alam kung ano 'yang sinasabi mo."
Hindi talaga sya naniniwala sa akin. Pero kahit na ilan man ang pumigil, 'yun pa din ang wish kong sana magkatotoo.
"Ano papa? Payag ka na?"
"Hindi."
Hindi sya pumayag sa pagpapaalam ko. Inisip ko tuloy, paano kaya kung hindi ako nagpaalam?
"Tatakas ka? Sige lang. Alam mo naman ang ibig sabihin ko."
Ilang beses na ako nakatakas kay papa, kaso mga walang paalam ang mga iyon. Ang ibig sabihin nya lagi ay 'kung tatakas ka, 'wag kang magpapahuli'.
"Pa. Ayaw mo talaga?"
Kung tatakas ako ngayon, siguradong mahuhuli nya ako. Bakit ba kasi nagpaalam pa ako?
...........................................................
Dear Ross 248,
Akala ko naman makaalis ako. Baka naghintay si Anderson dun. Kawawa naman sya. Dapat pala, ang hiniling ko, payagan ako ni papa. Kaso kahit ano pa man ang hilingin ko, kung totoo ka, tatalab ka. Sumabog ka na siguro. Kawawa ka naman.

BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomantizmI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.