Lalande 21185

46 4 1
                                    

Dear Lalande 21185,

Kahit na ganyan ang pangalan mo, tinupad mo ang hiling ko. Mali. Sinobrahan mo pa. Kami na ni Anderson. Mag-iilang buwan na kami. Malayo pero malapit na sa birthday ko. Mukhang matutupad ang hiling kong true love ang maging last dance ko.

...........................................................

Ang saya saya ko ngayon alam mo ba yun. Ilang buwan na kami ni Xander. At inaalagaan nya ako. Di ako nagkakamali. Sya ang true love ko.

"Ano? Magtext ka na lang kung anong oras kita susunduin.", paalam ni Cyrus.

Pero kahit kami na ni Xander, hindi pa din alam ni Papa ang totoo. Ang alam nya, si Cyrus ang boyfriend ko. Ang alam nya si Cyrus ang minahal ko.

"Anderson."

Nakita ko na sya mula sa malayo. Natutuwa ako. Matagal na mula nang maging kami. Sya ang ginusto ko at sya ang gusto ko.

"Pwede bang ako magsabi kung saan tayo pupunta?", paalam nya.

Kagulatgulat para sa akin ang tanong na iyon. Unang beses nya akong sinabihan ng ganyan. Ako lagi ang nageeffort para sa mga date namin. Hindi ko man maintindihan pero pumayag ako. Iba ang saya na nadama ko.

Nagpunta kami sa isang theme park. Tinitingnan ko sya kung masaya sya pero hanggang ngayon, wala akong makita. Sadya nga bang walang emosyon ang mukha nya?

"Ang saya!"

'Yan ang palagi kong naisisigaw sa tuwing sumasakay kami ng mga rides. Pero kahit sandali, yan din ang hindi ko narinig sa kanya.

"May masaya pa dyan."

'Yan ang palagi nyang binabanggit sa tuwing natatapos ang isang ride. Pero ako, lagi kong iniintay kung ano ang tinutukoy nya.

Inabot na kami ng gabi. Ang ganda nga ng mga bituin lalo na kapag natupad ang hiniling. Nandito na kami sa isang parke. Wala ng tao dahil gabi na. Kami na lang dalawa.

Tumingin ako sa mukha nya. Yung mukha nya, walang kaemoemosyon. Walang saya, maski lungkot. Wala akong makita.

Pero isang bagay lang ang iniisip ko ngayon. Ayoko nang matulog, gusto ko ang ganito palagi. Di ko man makita sa maisip kung paano naging sya ang true love ko, nararamdaman ko naman iyon. Mas mahalaga naman ang puso hindi ba?

Nagvibrate ang phone ko. Siguradong si Cyrus 'yun. At pinapauwi na ako.

Di ko pinansin at nilagay na lang sa bag ko. Tumunog man o magvibrate, hindi nito mapipigil ang kinang ng bituin ngayong gabi. Salamat sa bituin mo Cyrus, nakita ko ang true love ko.

...........................................................

Dear Lalande 21185,

Hindi ko alam kung anong plano mo. Pero atlis, nararamdaman ko ang puso ko dahil sa paghiling ko sa iyo. Tinupad mo at tutuparin mo. At yun na ata ang magiging pinakamasayang birthday ko.

Starry Starry NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon