Hindi ko na naririnig ang pagvibrate ng cellphone ko. Hindi ko na naririnig kung tumatawag ba si papa o si Cyrus.
Tahimik na ang paligid. Dumadampi nalang ang ihip ng hangin. Dumadampi na lang ito sa balat ko at parang niyayakap ako.
"Star."
Sa wakas, nagsalita na si Anderson. Pero parang may iba sa tono ng boses nya. Hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin na 'wag syang ganoon. Natatakot ako.
"Uhm. Ano Ander--"
"Diba may sinasabi ako sa 'yo kanina."
Hindi nya ako pinagsasalita. Nararamdaman ko ang paglapit nya kasabay ng pagdikit ng mga braso nya sa balikat ko.
"Hi-hindi eh."
Kinakabahan na ako sa tahimik na paligid. Kinakabahan na ako sa lawak ng langit. Kinakabahan na ako sa liit ng pagitan naming dalawa.
"Masaya ka ba kanina?", tanong nya sa akin.
Maganda pakinggan ang mga katagang iyon. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit iba ang dating nang pagkakasabi nya sa akin.
"Ah oo. Kaya uuwi na tayo."
Kinuha ko na ang bag ko saka umakmang tatayo. Pero bigla nya akong hinigit pabalik kaya natumba ako at tumalsik ang bag ko.
"Hindi pa kita tapos kausapin diba?!"
Nagulat ako sa pagsigaw nya. Hindi sya si Anderson na alam ko. Iba ang aura nya sa oras na ito. At higit sa lahat, natatakot ako.
Pinilit kong abutin ang bag ko. Tatawagan ko na si Cyrus. Mali. Tatawagan ko si Papa.
"Sinong may sabing aalis ka ah?!"
Hindi ko na nagawang abutin ang bag ko. Hinila nya ako kaya napahiga ako sa may damuhan.
"Anderson please.. H'wag.."
"Heto ang mas masaya."
Hindi ako makapalag. Hindi ako makagalaw. Kahit anong hampas ko, nahahawakan nya lang ang kamay ko.
"Bakit?"
Paulit ulit kong tinatanong sa kanya kung bakit. Pero sa tuwing sinasagot nya ito, tinutusok ang puso ko sa sakit.
"Mahal kita.", sambit ko.
Ang alam ko, ang mga katagang iyan ang pinakamakapangyarihang kataga sa buhay ng tao. Pero bakit hindi nya maramdaman ang lungkot ko, ang galit ko?
"Hindi kita mahal Star. Maganda ka kasi kaya pinatulan kita. Maganda din ang katawan mo. Sayang naman kung papalagpasin ko lang hindi ba?"
Masakit. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Ano bang pagkukulang ko? Minahal ko sya. Pero hindi nya ako minahal.
"Bakit?"
Hindi na ako makapalag. Nanghihina na din ako. Wala na akong magawa sa karahasan na ginagawa nya. Ang tanging kaya kong gawin ay umiyak, magsisi. Bakit sya pa?
Ang ganda ng bituin. Ang ganda ng langit. Pero sa ilalim ng mga iyon, nagaganap ang hindi magandang pangyayari.
Cyrus. Tulungan mo ko. Hanapin mo ko. Sorry.
Papa. Tulungan mo ko. Hanapin mo ko. Sorry Pa. Sorry.
Naramdaman ko nalang ang pag-alis nya sa manhid kong katawan. Naiwan akong nakatingin sa mga bituin.
Malabo ang paningin ko dahil sa luha at namumugtong mata. Bakit ganito ang ginawa nyo sa'kin?
...........................................................
Dear Wolf 359
Pwede na ba akong mamatay?
BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomanceI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.