Dear Proxima Centauri,
Ikaw ang pangalawa sa pinakamalapit sa earth. Please, marinig ko sana ang gusto kong marinig.
...........................................................
"Star."
Hindi ko sya pinansin. Hindi ako galit sa kanya. Nahihiya ako dahil sa ginawa ko. Nadamay pa sya nang dahil sakin.
"Star. Galit ka ba?"
Tumingin ako sa kanya. Wala akong karapatang magalit sa kanya. Sya ang dapat magalit sa akin.
"Star. Sorry 'di kita nakita bago pa nya magawa yun."
Tinakpan ko ang dalawang tainga ko. Pero rinig ko pa din ang sakit. Habang nababanggit nila ang nangyayari, mas lalo akong naghihirap.
"Star. Aalis na ako next month. Mag-aaral na 'ko sa Canada..
..Kahit ayaw mo kong pakinggan, magsasalita pa din ako..
..Sorry. Sana nung una pa lang di na ako pumayag. Wala kasi akong tiwala sa kanya. Pero nang magpumilit ka, mas ginusto kong ako na lang para masubaybayan kita..
..Pero ang hina ko. Kung kailan kailangan mo ko, saka ako wala. Wala akong kwenta.."
Hindi ako nagsasalita. Nakahiga lang ako sa kama. Mas pinili ko na ding magtalukbong ng unan dahil ayokong makita nyang umiiyak ako.
"Star sorry din. Kung anu-ano pang pinaliwanag ko sa'yo tungkol sa mga bituin. Hindi ko alam na aabot dito ang lahat."
Hindi nya dapat pagsisihan yun. Hindi kasi nya alam na hanggang ngayon, naniniwala pa din ako dun.
"Star. Magdedebut ka na. Kaso hindi ako makakaabot dun pasensya, next month na kasi ang alis ko diba?..
..Naaalala ko pa ang sinabi mo, gusto mong ang last dance mo ay yung true love mo.."
Dun nagsimula ang lahat. Sa paniniwala sa true love. Dun din nasira ang lahat. Sa inakala kong true love.
"Sana malaman mo na ang true love mo kasi ako, matagal ko nang alam, ang hiling ko nga lang ngayon, sana malaman nyang mahal ko sya kahit ano pang nangyari sa kanya"
Natapos ang pagsasalita nya na di ako umiimik. Naramdaman ko na lang ang pagtayo nya at paglakad paalis ng kwarto.
"Mahal kita. Paalam.", sambit nya saka isinara ang pinto.
Doon na tumulo ang luha ko. Dapat pala noon pa lang naniwala na ako sa sarili ko. Dapat pinaniwalaan ko nang sya yun. Dapat hindi ko na pinilit ang sarili ko sa iba. Dapat sya na lang talaga...
"Mahal din kita. Paalam true love."
BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomantizmI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.