Madilim pa din. May mga bituin pa din. Gabi pa din. Pero ang sakit. Ang sakit sakit. Wala na akong makitang pag-asa. Sisikat na ang araw. Makikita na lang ako ng mga tao na ganito, isang madungis na tao.
Hindi ko maramdaman ang paligid. Wala akong maramdaman. Ang tanging alam ko lang. Pinatay ang pagkatao ko ng lalaking inakala kong minahal ako.
"S-star?"
Pero hindi ko akalain na darating sya. Paano nya ako nakita kung mismong ako ang nagtago sa sarili ko.
'Sorry Cyrus. Sorry.'
Ilang beses kong binanggit ang mga katagang iyan sa isip ko. Ilang beses kong pinagsisihan ang nangyari. Pero habang ilang beses kong sinasaktan ang sarili ko, dun ko din nalalaman na kasalanan ko 'to at ng mga bituing iyon.
"Sabi mo.. Ang mga bituin--", sabay turo sa langit.
Hindi nya ako pinatapos. Niyakap nya ako. Gusto kong umalis sa yakap nya dahil ayokong umiyak.
Pero bakit ko pa pipigilan ang pag-iyak ko. Ito na lang ang tanging nagawa ko. Ito lang naman ang kaya kong gawin.
...........................................................
Dear Barnard's Star
Gusto ko nang umuwi. please..
...........................................................
"Uuwi na tayo."
...........................................................
Dear Barnard's Star
Salamat..
...........................................................
Napangiti ako sa sinabi nya. Alam kong sa boses na iyon, sa mga katagang iyon, sa yakap na iyon, ligtas na ako.
...
"Pa!"
Nagising ako dahil sa isang malakas na suntok. Nakita kong nakaupo si Cyrus sa lapag habang hawak ang labi nyang dumudugo.
Hindi. Hindi sya. Isang kasinungalingan lang ang lahat. Hindi sya ang gumawa sa akin nito. Bagkus, sya pa ang tumulong.
"Pa!"
Hindi nila ako naririnig. Hindi nila ako pinapansin. Nahihiya ako kay Cyrus. Hindi dapat sya ang nasa kalagayan na yan. Wala syang kasalanan.
Sinubukan kong tumayo. Sinubukan kong awatin sila. Pero bago pa ako makaabot. Naramdaman ko na lang ang pagkahilo. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa lupa. Narinig ko nalang ang sigaw ng isang taong tinalikuran ko, si papa.
"Star!"
BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomantikI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.
