Ano nga ba ang true love? Mula sa puso, o mula sa isip?
Isa pala sa pinakamahirap gawin ay magmahal ka ng sapilitan. Masyado ko kasing minadali ang mga bagay bagay dahil sa sarili kong kagustuhan.
Noong bata ako, sabi ko gusto kong makahanap ng tulad ni papa. Gusto kong maramdaman yung pagmamahal na naramdaman ni Mama mula sa kanya. Kaya sabi ko sa sarili ko, ang true love ko ang last dance ko sa debut ko.
Nagmadali ako. Oo pinagsisihan ko iyon. Sobra. Pero may isa pa palang bagay na dapat kong gawin. Dapat kong tanggapin ang bunga ng nangyari. Dahil unang una, wala syang kasalanan.
Sinisi ko pa ang mga pinaniwalaan ko. Ilang beses kong nadamay ang mga bituin para lang maniwala ako. Ilang beses akong nawala sa sarili at nagpadala nalang sa agos hanggang narating ko ang kailaliman at nalunod.
Doon ko naappreciate ang tunay na nagmamahal sa akin. Unang una, si Papa. Bata pa ako kaya alam kong ganun na lamang ang epekto nito sa kanya. Kaya nga nagalit ako sa sarili ko dahil parang ang dating ay hindi sya naging mabuting ama. Kasalanan ko dahil hindi ako naghintay ng tamang oras.
Ikalawa, si Cyrus. Matagal ko nang nararamdaman pero pinigilan ko pa. Nagpumilit akong ilihis ang damdamin ko dahil nalilito ako. Pero ang kinalabasan? Mas nahilo ako sa huli. Dahil hindi ko tinanggap na sa bestfriend ko makikita ang tunay na pagmamahal di lang bilang kaibigan, kundi bilang true love ko.
Nandyan lang pala, tumingin pa ako sa malayo. Nagpakita na sya, pero pumikit ako. Sinabi na nya, nagbingi-bingihan pa ako.
Si Cyrus. He is a man of words. Bakit? Dahil sya ang nagparealize ng isang bagay na baon ko hanggang ngayon.
'Alin nga ba ang ginagamit sa true love? Puso o isip?', tanong ko sa kanya noon.
'You will not believe me I know. Taliwas ako sa sinasabi ng iba Star.', sagot nya
'Then tell me. Para dalawa na tayong taliwas sa kanila.', pagpupumilit ko.
'Mind. Alam mo kung bakit?', tanong nya.
'Bakit nga?', tanong ko din.
'Because your heart will only make you alive, but your mind will make you know that your alive...
that's the same thing when it comes to love...
Your mind will make you know that you're inlove.
...
Hinihintay na ako ng eroplano. Oras na ng pag-alis ko papuntang Canada.
I wished for true love upon a star.
I wished for true love upon my star.
Now I'm sure. Now it's true.
That star will give me my true love now.
Because Cyrus is my star and I found true love in him.
Because Cyrus is my true love and he is my new found star.
Magulo ba? Nagmamadali kasi ako. Baka maiwan ako ng eroplano.
Paalam sa inyo:)
...
He is the star I found
and the only star I will find.
He is the star I found...
Under the
STARRY STARRY NIGHT
FIN.

BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomanceI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.