Heto ang araw na pinakahihintay ko. Heto ang araw na pinakapinaghandaan ko. Heto ang araw na pinagplanuhan ko...Noon.
Kahit na sabihin mong natupad na nga ang araw na ito, parang simpleng araw lang din ang turing ko.
Sa pinagdaanan ko, hindi ko masabing masaya ang nangyayari. May mga tao pa ding kumukutya at nanghahamak sa akin dahil sa nangyari.
Masaya sana kung hindi nangyari iyon. Pero tao lang ako, di ko kayang baguhin iyon. Kaya mahirap man pero kailangan kong tanggapin ang bunga ng lahat ng ito.
Bunga man sya ng kasalanan, pipilitin kong buhayin sya sa pagmamahal ng isang inang kahit kailan hindi ko naranasan.
"May I have your first dance anak?"
Napatingin ako kay papa. Sya ang first dance ko. Sya ang unang lalaki sa buhay ko. Sya ang unang true love ko.
"Salamat pa."
Natapos na ang first, second, hanggang seventeenth dance.
Alam kong titigil na ang tugtog...
Kahit walang nakalista sa last dance ko, umaasa pa din ako na may darating, ang true love ko.
...
Dear Sun,
Mukhang ikaw ang kakaiba sa lahat ng bituing hinilingan ko. Pero icoconsider kita dahil ikaw ang pinakamalapit na bituin mula dito.
Sabi sakin ni Cyrus, baka daw di natutupad ang mga hiling ko dahil matagal na itong sumabog. Parang humihiling lang sa wala. Totoo namang malayo ang distansya ng bituin sa mundo kaya magkalayo din ang oras sa pagitan nito.
Kaya Sun, ikaw lang ang tanging naiisip ko at sigurado akong di pa sumasabog. Alam naman siguro ng lahat yun. Ikaw ang huling bituing hihilingan ko.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Sana, makita ko ang bestfriend ko.
Sana, makita ko ang true love ko.
Sana, makita ko ang mahal ko.
Sana, makita ko si Cyrus.
...
"May I have your last dance?"
Napatingin ako sa nagsalita.
Napangiti at saka sinabing,
"Opo papa. Ikaw din naman ang true love ko."

BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomanceI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.