Dear Ross 154,
Lumipas na ang isang linggo. Laking pasalamat ko dahil niresched ni Anderson ang date namin. Sana payagan na ako ni Papa. Isang linggo naman na, mula nang bawalan nya ako, baka pumayag na sya.
...........................................................
"Pa?"
Isang tawag ko lang ay alam na nya. Kahit na isang linggo ang lumipas, alam kong hindi nya iyon nakalimutan.
"Magpapaalam ka?"
Hindi na ako nagulat na alam nya ang pakay ko. Sya ang tanging nagpalaki sa akin kaya 'di ako nagtataka na kilalang kilala nya ko.
"Hindi po."
Alam ko ang tonong iyon. Alam kong ayaw nya kaya mas pinili ko ang bumalik nalang sa kwarto.
"Asan ang sundo mo?", tanong nya.
Napatingin ako sa narinig ko. Nung una, inakala kong guniguni ito kaya tumuloy ako sa pag-akyat. Pero inulit nya..
"Nasaan na ba daw yung sundo mo?"
"Po?", napatanong na din ako sa kanya.
"Babae ka. Wala ba siyang hiya? Susunduin ka ba?", tanong nya.
Natuwa ako sa sinabi nya. Totoo ba ang narinig ko? Oo. Kaso may problema.
Pero hindi. Ako nang bahala dun basta narinig ko na ang permiso ni papa, masaya na ako.
Umakyat ako sa kwarto ko para hanapan ng solusyon ang problema ko. Isa lang ang naisip kong paraan at ito ay sa tulong ng bestfriend ko.
calling Cyrus..
Hindi man maganda pakinggan pero ako ng unang nagyaya kay Anderson. Dahil doon, nahihiya akong magpasundo sa kanya.
Tutal hindi pa ni papa kilala ang bestfriend kong si Cyrus, hindi naman siguro masamang sya ang magpapanggap diba? Tagahatid at tagasundo lang naman.
'The number you've dialed is either unattended or out of coverage area.'
Pero malupit talaga ang oras sa akin. Mukhang wala akong aasahan ngayon. Ayaw sumagot ni Cyrus.
'The number you've dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.'
Hindi isa, hindi dalawa, maraming beses kong sinubukang tawagan si Cyrus pero hindi nya sinasagot ang tawag ko.
"Star. Kapag hindi pa dumating ang sundo mo, 'wag ka nang tutuloy!", narinig kong sigaw ni papa mula sa ibaba.
Ayoko talagang tawagan si Anderson. Nakakahiya. Baka mamaya lalong hindi matuloy ang date namin dahil tatamarin na sya.
"Cyrus, sumagot ka na please."
'The number you've dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.'
"Star."
Alam kong hindi na nakapaghintay si Papa. Alam kong hindi na sya papayag.
"Hindi ka na tutuloy.", sambit nya.
"Pero pa--"
"'Pag sinabing hindi na, hindi na.", saka sya lumabas ng kwarto.
Naasar ako kay Cyrus. Kung kailan kinailangan ko sya, saka sya wala. At siguradong naghintay na naman si Anderson doon at hindi na mauulit 'yun.
...........................................................
Dear Ross 154,
Mali na naman ba ang nahiling ko sa'yo? Pinayagan na ako ni papa pero naghanap sya ng sundo. Tinawagan ko si Cyrus pero hindi sya sumagot. Baka hindi ko na makita si Anderson dahil sa ilang beses nang hindi natutuloy ang date namin. Pero dapat Ross 154, may back-up ka eh. Magsama nalang kayo ni Ross 248, tutal parehas kayong palpak.

BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomanceI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.