Alpha Centauri

38 4 0
                                        

Dear Alpha Centauri,

Ang sakit ng mga nangyayari sa akin ngayon. Isang simpleng hiling lang ang gusto ko ngayon. Pwede bang.. mayakap ko si papa?

...........................................................

Ilang linggo din akong hindi nakausap ninuman, maski si papa. Wala na din akong balita kay Cyrus. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako kay papa.

Lagi akong tulala. Lagi kong naalala ang nangyari. Paulit-ulit. Walang tigil.

Lalo na ang sinabi ng doktor sa akin. Nagbigay sya ng isang balita na naging dahilan para magalit ako sa sarili ko.

'Buntis ka iha.'

Aaminin kong noon, gusto ko magkapamilya. Naiimagine ko ang mga magiging prinsipe't prinsesa ko. Pero hindi ko ginustong mangyari agad sa buhay ko. Ang masama pa, sa taong kahit kailan hindi ako minahal.

"Star?"

Narinig ko ang pagpasok ni papa sa kwarto. Naluluha ako sa tuwing nakikita ko sya. Lagi syang umiinom kapag gabi at nagwawala. Ang mas masakit pa ay alam kong ako ang dahilan.

"Ayoko po kumain."

"Nangangayayat ka na."

Gusto ko nalang mamatay kaysa mabuhay sa ganitong sitwasyon. Mas gugustuhin kong mamatay ng isang beses kaysa patayin araw-araw.

"Ang baby."

Napatingin ako sa kanya. Paunti-unti na namang nagbabalik ang masakit na pangyayari sa buhay ko.

"Ipalaglag na lang po. Hindi ko sya kayang makita. Ayoko syang mahirapan paglaki nya."

Gusto kong mabuhay ang anak ko. Ngunit hangga't naiisip ko ang maaaring mangyari sa kanya, parang ayoko na. Ayokong tawagin sya sa kung anu-anong pangalan dahil sa pinagmulan nya. Ayokong ikahiya nya ako.

"Pero dugo mo yan.", sambit ni papa.

"At may dugo din ng demonyo.", sagot ko.

"Star. Kahit anong mangyari, anak mo yan. Hindi na importante ang nakaraan. Dapat lumaban tayo. Lalaban ka kasi marami pang bukas anak."

Naiiyak ako sa tuwing sinasabihan nya ako ng ganyan. Nahihirapan din ako dahil si Cyrus ang napagbintangan.

"Pa. May sasabihin ako."

Mukhang kailangan na nyang malaman ang pagsisinungaling ko. Mukhang dapat na nyang magalit sa akin. Dapat magalit sya sa'kin pero bakit hindi nya ginagawa. Gusto kong magalit sya.

"Pa. Hindi po si Cyrus ang.."

Nagulat sya. Nagtaka. Nagalit. Sana ganyan na lang ang reaksyon nya. Pero hindi. Isang ngiti ang isinagot nya sa akin.

"Mula pa nung una, alam ko na.", simula nya.

Napatingin ako sa kanya. Pero hindi sya nakatingin sa akin. At nakakakita ako ng mga luhang pumapatak sa mata nya.

"Sa simula pa lang, sinabi na nya sa akin. Nagpakilala sya bilang bestfriend mo. Naintindihan ko ang paliwanag nya kaya pinagkatiwalaan ko sya."

Ganun pala. Simula pa lang, inayos na ni Cyrus ang lahat. Ako pala ang nakasira.

"Bakit nyo sya binugbog?", tanong ko.

"Nang ibalita nya sa akin ang nangyari sa'yo, gumuho ang mundo ko. Gusto kong mapatay ang gumawa sa'yo nyan pero hindi ko alam kung saan sya makikita. Alam mo ba Star, tunay na kaibigan si Cyrus. Maski sya, galit na galit."

Nasasaktan ako sa naririnig ko. Nasasaktan ako dahil nasasaktan sila. Ako nga ang may kasalanan.

"Hindi ko makontrol ang sarili ko sa galit noon nang sabihin nyang sa kanya ibunton ang lahat. Sabi nya sa'kin, isipin ko daw na sya ang gumawa sa'yo nyan. Hanggang sa huli, pinanindigan nya ang kasinungalingan."

Sa bawat nalalaman ko, mas lalo kong sinisisi ang sarili ko. Bakit nya inako? Kahit alam ni papang hindi sya, pinanindigan nya pa din.

"Pa. Ayoko na."

"Walang aayaw Star. Hindi gusto ng mama mo na sumuko ka."

Naalala ko si mama. Kahit na sumuko sya, hindi nya ako sinukuan. Pero sabi ni papa, pinagsisihan daw yun ni mama. Sabi pa nya, kung sakaling darating ang panahon na may mangyari sa aking di ko kaya, wag daw ako susuko, dahil yun ang huling hiling ni mama bago sya mamatay.

"Mama."

Naalala ko si mama. Napaisip ako. Gugustuhin kaya nyang sumuko ako? Malamang hindi dahil wala dapat akong isuko. Dapat nga magpasalamat ako dahil buhay ako at ang baby. May nadagdag nga  ngunit walang namatay.

"Pa. Sorry."

Yan nalang ang nasagot ko sa lahat ng sinabi nya. Kakaunting salita pero ang mga yan ang nagpagaan ng loob ko.

"Ako ang magsosorry. Kasi hinayaan kitang umalis. Naging pabaya ako.", sambit nya.

"Pa. Naging mabuting ama ka sa'kin dahil kahit alam mong nagsinungaling ako, heto ka parin oh.", sagot ko.

"Kasi anak kita kaya mahal kita.", saad nya.

"I love you too papa.", sagot ko saka sya niyakap ng mahigpit.

Sa wakas, nagkausap kami ng ganito. Ang sarap sa feeling ng yakap ni papa. Alam mong masakit ang pinagdadaanan namin pero yung pagmamahal ng buong pamilya, nararamdaman ko.

Sya ang true love ko dahil bata pa ako. Pero wala na. Nangyari na ang mga nangyari, kailangan ko na lang maging matatag kasi nagpapakatatag si papa para sakin.

"Teka, may kailangan sabihin sa'yo si Cyrus."

"Andyan sya?"

Starry Starry NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon