Dear Luyten 762-8 and Sirius,
So far Luyten 762-8, ikaw ang nakatupad ng current wish ko. Isang buwan na mula nang di kami magkausap ni Anderson. Pero alam mo ba? Sya na ang nangyaya sa'kin ngayon. At ang wish ko sana di nya ako makalimutan pero ang galing mo, niyaya nya pa ako ulit. Kaso yung issue sa sundo, hindi nya din magawa. Kaya naman sana, wish ko kay Sirius, maasahan ko sana si Cyrus bilang tagasundo ko please. Baka kasi 'di na pumayag si papa kapag hindi pa din natuloy ito.
...........................................................
"Di ba sabi ko sa'yo, papayag ako--"
"Talaga pa?", excited kong tanong.
"Kung.. may sundo ka Star."
Niyakap ko sya nang mahigpit. Inakala ko, hinding hindi na nya ako papayagan pero pumayag sya, may sundo nga lang.
Tumakbo ako sa kwarto ko. Sinubukan ko ulit tawagan si Cyrus. Siguro naman, 'di na sya busy ngayon.
'Hello?'
Tuwang tuwa ako nang marinig ang boses nya. Sumagot si Cyrus. At pumayag sya. Siguro, ito na ang simula ng adventure ko sa paghahanap ng true love.
"Anderson, here I come. True love."
Heto na ata ang hinihiling ko matagal na. Mukhang mapapaaga ang pagtupad ng bituin sa hiling ko.
...
"Ikaw ba ang ka-date ni Star."
Mabuti at napag-usapan namin ni Cyrus ang gagawin nya. Akala ko, hindi nya papatulan ang alibi na naisip ko. Pero isa nga syang kaibigan, mali, bestfriend.
"Ako po Sir."
Di ko mapigilan ang matawa nung mga oras na iyon. Nakikita kong pinaninindigan nya ang role na ibinigay ko sa kanya.
"Ako ang tatay ni Star at--"
Iiral na naman ang pagiging protective ni papa. Ganyan sya sa tuwing nakikilala ang mga naghahatid sa akin pauwi ng bahay.
Unang beses na may nagsundo sa akin. Kaya pansin ko ang hindi kasanayan ni papa sa pakikipag-usap nya kay Cyrus.
"Umayos ka ah.", pananakot ni papa.
Mukhang mali nga ang ginagawa ko. Kay Cyrus nabubuntong ang lahat. Pero tinutulungan nya lang ako at sabi nya, bukal ito sa loob nya.
"Pa. Awat na po. Mauna na kami."
Pinili ko nang pigilan ang pag-uusap nila. Kinakabahan ako dahil pag nalaman ni papa ang ginawa ko, siguradong papagalitan nya ako.
"Siguraduhin mong makakauwi si Star kundi hindi ka na din makakauwi sa inyo."
Natakot ako sa sinabi ni papa. Pero kung iisipin ko ang nararamdaman ni Cyrus, alam kong ineenjoy na din nya ang nangyayari. Sabihin na lang natin na isa itong challenge para sa kanya.
"Bye pa."
Umalis na ako sa bahay. Nandyan na ako Anderson. Salamat at natiis mo ako. Hindi mo ito pagsisisihan.
"Ayan na sya Star. Susunduin kita mamaya. Text mo na lang ako."
"Salamat sa mga bituin Cyrus.", bulong ko habang naglalakad sya paalis.
Maraming salamat sa iyo. Alam kong mali pero nandyan ka. Sinusuportahan mo ako kahit di ka sigurado.
Nakita ko na si Anderson. Nakita na din nya ako. Napatingin ako sa langit. Maliwanag pa. Mamaya, magsisimula na ang pagkinang ng mga bituin.
...........................................................
Dear Luyten 726-8 and Sirius,
Ang galing nyo talaga. Sabi ko nga ba, kailangan kong humiling sa dalawang bituin. Alam kong tulad ko at ni Cyrus, may pagkakaibigan ding nagkokonekta sa inyo. Salamat kahit hindi ito ang eksaktong hiniling ko. Dahil better pa ang binigay ninyo.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomanceI am afraid of stars, because it never granted my wish. But because of him, I understand why it never did.