Chapter 6: Ang Sakit! :(

80 3 7
                                    

Chapter 6: Ang Sakit! :(

 

 

 

 

Hapon ng araw na ito nasa comfort room kami ni Micah. Nagpatulong sya, wala rin kaming teacher sa 1st subject namin dahil may meeting si Ma'am Joy.

 

 

 

"Mille, wala bang tagos?" tanong nya sakin at tumalikod.

 

 

"Meron" tinignan nya.

 

 

"Asan?"

 

 

"Wala naman ee! Kaw talaga" natawa nalang ako. Sabay kaming nag salamin ni Micah at nag ayosng buhok para represantable kaming tignan.

 

 

 

Bumukas ang pintuan. Si Ivy pala.

 

 

"Mel!"

 

 

"Oh? Bakit?" tanong ko sakanya.

 

 

"May sasabihin ako."

 

 

"V, pahingi ng pulbos." sabi ni Micah. Kinuha ni Ivy yung pulbos sa bulsa at binigay kay Micah.

 

 

"Ano yung sasabihin mo?" tanong ko.

 

 

"Kasi--" pa tense pa sya.

 

 

"Kasi?"

 

 

"V, ito oh. Salamat." sabi ni Micah sabay abot nung pulbos.

 

 

"Si Franz nakita ko kanina sa labas. Inutusan kasi ako ni Ma'am Batac. Kasama si Joshua at yung GF nya. May kasama din na Girl si Franz. Girl friend yata nya yun ee" paliwanag nya. Nasaktan ako sa mga oras na yun. Kumirot yung puso ko at naluluha na rin ako pero pinilit ko paring ngumiti sa harap ng mga kaibigan ko.

 

 

"Sure ka bang Gf nya yun? Baka hindi naman?" paninigurado ni Micah.

 

 

"Ewan? Ang saya nga ni Franz. Tawa pa silang tawa. Ang daldal pala ni Franz no? dito sa room di naman sya maingay pero kaninang kausap yung babae ang daldal"   paliwanang nya. Gusto ko sanang sabihin na TAMA NA.

 

 

"Ee ano ngayon kung may GF na sya? Tss tara na nga pasok na tayo sa room"  sa totoong lang nasasaktan ako ng SOBRA kahit wala naman akong karapatan ngunit, subalit, datapuwa't. MAY NARARAMDAMAN AKO.

My High School CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon