Chapter 4: Vacant! Kasama sila! SIYA!

75 1 0
                                    

Chapter 4: Vacant! Kasama sila! SIYA!

Kaka alis lang ng teacher namin. Konti nalang kami nasa room. Nasa tabi ako ni Jean ngayon. Badtrip ako sa isa kong kaibigan. Sinusubsob ko yung mukha ko sa table ko >.< tapos inano ko yung panyo sa mukha ko tinakpan ko. Napapaiyak kasi ako ee.

Nung bahagyang humupa na pagka badtrip ko. Inalisko yung panyo sa mukha ko.

"Alam mo si Franz---" I cut

"Wag mong ituloy" sabi ko kay Jean. Gusto ko na sya'ng kalimutan. Nasasaktan lang kasi ako sakanya.

Makalipas ng ilang minuto.

"Ano yung sinasabi mo kay Franz?" tumawa si Jean -__- pero sinagot nya.

"Kasi kanina na badtrip ka dyan napatingin ako sa likod. Nakita ko si Franz nakatitig sayo, ng makita nya na tinitignan ko sya. Umiwas sya ng tingin. Nung inub-ub mo naman mukha mo sa table na yan! Dumaan si Franz at bago lumabas tinignan ka mu na nya"   di ko maiwasan mapangiti at kiligin pero? Umiiwas na ako sakanya diba? Kasi pina paasa ko lang ang sarili ko.

--

Nag vacant kami ni Micah. Bumili kami ng goto. Biglang may sumusundot sa bewang ko. Si Arljen pala. Nilibre nya si Micah ng vacant. Crush kasi nyahaha. Ako? I have my own money :D

Umupo kami at kumain and geez! Kasama ko tropa ni Franz at sya! Katabi ko si Micah at Kennedy sa harapan ko si Jericho at Arljen. Yung iba wag ko na imention haha.

Hinaharot ako ni Kennedy kaya di ako makakain ng maayos.

"Ano ba?!" sigaw ko.

"Kung gusto mong dumiskarte. Sabihin mo , hindi dinadaan mo sa ganayan" sabi ni Arljen kay Kennedy. Natawa naman si Micah.

"Maka alis na nga rito" oo umalis ka ng payatot ka.

Si Jericho. Nakow! Kadiri! Yung pgakain nya anu ano nilagay may toyo,paminta at patis. Kinain nya. Ang tropa pa nya tawa ng tawa. Si Franz lumapit di bale katabi ko sya. Nilagyan nya ng Ketchup yung pagkain ni Jericho at kinain. Yikes!tawa pa ng tawa si Franz na katabi ko.

"Kain lang ng kain, wag mahiya sa crush mo" pabulong na sabi ni Micah sakin.

"Ano?" naka ngiting tanong ni Arljen kay Micah. Si Micah tinignan nya lang si Franz. Tumawa sila na gets nya -__-

Pagkatapos ng vacant namin ay pumunta na kami sa room. Knuwento ni Micah yung nangyari kanina. Sya na. Sya na excited mag kwento. Kiniklig naman sila sakin. Haays!

---

Nilipat ako ni ma'am sa likod. Pinaka dulo ng Lb-1 means row 5 kami ni Jane. Ewan ko bakit ako nilipat. Tanong nyo kay ma'am Annie. Sa San antonio guagua pampanga.Paroba lang naman bahay nila.XD

Naka tabi ko ruon ay si Khent. Gwapo , dancer at hearttrob. At si Louise Allen na Pogay,dancer din. Close kami ng mga nyan. Lagi akong inaayusan ni Louise ng buhok. Gentleman yan haha nung wala akong ballpen kahit di sya nakapag sulat basta makapag sulat ako, pinahiram nya. Madalas ko rin silang turuan nila khent sa mga lesson na ndi nila gets. Minsan pina pakopya ko pa. Magkasundo rin kami ni Louise sa kalokohan nung pinagtripan namin si Micah. Kinuha nya yung number ni Micah, lumabas sya at tinawagan si Micah. Naglalaki pa sya ng boses haha. Ang epic nun ee na buking sya dahil sa linya nya na 'CHAKA!'

---

Lumipat ako ng upuan. Umupo ako sa tabi ni Jean para maka sulat ako ng maayos.Hindi ko makita. Sa liit ko ba naman to nasa likod ako.

Nag susulat ako.

"Umalis ka dyan."

"Bakit sayo ba 'tong upuan?" sabi ko na pagmamataray kay Karlo. Hindi naman kasi sya dito nakaupo tapos paalisin ako. Ano yun? Lokohan?!

"Alis!" di ko nga sya pinapapansin. Nagsusulat lang ako.

"Camille! Pabayaan mo sya.Wag kang aalis dyan" sabi ni Khent. Di naman talaga ako aalis ee.

"Wala ka pala Karlo" dagdag ni Patrick. Sanggang dikit ni Karlo.

"Jean, paalisin mo nga sya." sumbong ni Karlo sa tropa ko.

"Haay! Bahala kayo, nagsusulat ako" sabi ni Jean haha buti nga :D

"Di ka aalis ha" sabi niya at tumabi sakin sa chair. Seriously?!nakisiksik sya sa chair at table ko sa taba nya'ng yan.

Bahala sya.Wala akong paki hahaha, sya rin sa huli ang susuko.

"AAHAH si Justin Bieber, nag mamarijuanna na kulong pa" pang aasar nya. Idol ko kasi si Bieber.

"HAHA Nakakulong pala si Bieber e" sabi ni Patrick, kaibigan nitong nakikisiksikan sakin.

"Na pano ka MANOK?! Police andyan na ang police!" pang aasar ko. Kaya manok ang pang aasar ko dahil sumasabong sya sa manok, one day! Yun hinabol sila ng police haha.

"Ee si Bieber kasi nag mamarijuanna" paulit ulit kaming nag bangayan. Mga ilang minuto ay umalis sya haha TALO!

"Wala ka pala ee!" sigaw nila. Si Patrick, Jean at Louise tumawa kasi walang panama si Karlo sakin.

Nanghiram sya ng note book sa una ayoko kasi inaasar nya lang ako. Naawa ako kasi mabait ako haha yun pinahiram ko. Pagkatapos binato nya sakin.

"HAHA sorry" sabi nya

"Pinahiram na nga kita ee" pinagbabato ko lahat ng makita ko na note book sa kanya kahit sa katabi ko pa yung note book.

Kinahapunan nasa likod na ako. Terror kasi ang English subject namin. Nag pa seat work sya sa libro namin samga antonyms. After nun exchange samga katapat na LB-2

Pagkatapos mag check ibibigay na sa may ari ang note book nila. Chineck ko yung note book ni Franz hihi :">

Binigay ko yung note book sakanya. Ang lakas ng kabog ng puso ko, kinakabahan at hindi ako makahinga. Hinahanap ko kung sino yung nag check sa note book ko. Kinuha nya yung note book ko kay Gino, he gave it to me then smile. Tumalikod agad ako, baka makita nya na namumula ako.

Bumalik na ako sa upuan ko. Umalis na si ma'am kaya agad akong pumunta sa tabi ng tropa ko at kinuwento ko ahaha sarrey kinikilig lang ee. Nung dumating yung teacher namin na isa. Nag si-balikan sa upuan.

Nag d-discuss si ma'am ng dumating si Matthews. Late sya, ayun pinagsabihan. Umupo sya sa tabi ko. Absent kasi si Khent kaya may lugar duon.

Habang pinagsasabihan sya, napatingin ako sa direksyon ni Franz. Nakatingin sya sakin? At naka ngiti ng tinignan ko sya, sya naman ang umiwas ng tingin sakin. Bakit kaya? Ayoko mag assume. Baka masaktan ako.

My High School CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon