Chapter 7: This Is The Moment
(a/n: fast forward po yung ginagawa ko, yung most important na moment namin ni Crush. Iba pa kasi yung moment namin mag to-tropa)
Exam namin ngayon pero exempted dahil field trip na bukas :D
Nandito kami sa room puro daldalan lang absent si Micah at Jelyn. Nag past na rin kaming mga project kaya andito kami sa room kwentuhan, kasama ko sila Dianna Mae, Jean Mae at Ivy habang ang MCNB ay nasa LB-2 naman.
Naka upo kami sa may dulo.
"Franz tawag ka ni Camille." nanlaki mata ko sa sinabi ni Dianna Mae buti nalang naka talikod ako sa MCNB at sila Ivy and Jean mae tumatawa pa.
"Dianna Mae! Napano ka?!" I gritted my teeth pero nginitian nya lang ako ng nakaka loko.
"Franz! Franz! Franz tawag ka ni Camille haha" paulit ulit nya na sabi.
"Ayyyiiieh!!!!!!!!!" sigaw ng MCNB waaah tintukso nila kami kaya nag blush ako.
"Bakit Joshua Kyle, alam nyo ba?" pang hahamon na tanong ni Dianna Mae habang ako ee kinakabahan sa mga kalokohan ng babaeng to.
"Alin? Yung crush ni Camille si Franz? Haha oo" sagot ni Joshua.
"Kelan pa?"-dianna mae
"Matagal na" waaaah lupa kainin mo na ako T.T tinatawanan pa ako ng tropa ko.
"Franz kamukha mo pala si Justin Bieber ee" sigaw ni Joshua. Hindi ko makita mga mukha at expression nila dahil naka talikod ako sa kanila.
Sabay kanta ng MCNB take note SILANG LAHAT. 13 boys po sila -_-
"BABY, BABY, BABY OH! BABY, BABY, BABY NO! BABY,BABY BABY Oh!" grabe di ko na kaya yung kahihiyan na 'to BUKING NA AKO pero matagal na nilang alam? Kung ganun?bakit ang bait parin sakin ni Franz nun kahit nasaktan ako ng nalaman kong may GF na sya.
Lumabas ako ng room, tumungo ako sa TLE room. Sinundan pala ako ng mga kaibigan ko.