Chapter 8: This Day :">

63 1 0
                                    

Chapter 8: This Day :">

 

Natapos na ang Christmast vacation, kaya pumasok na kami. Buong january napaka hassle dahil puro quiz and exam tapos nag pa-practice din kami ng sayaw para sa foundation  at sa Prom namin.

 

 

Diba ang hassle gumagabi na nga kami umuuwi tapos nag re-review pa para sa exams and quizes. Ang bait nila -_-

 

 

--

Pumasok ako ng hapon. Walang ginagawa kasi busy para sa preparation. Bukas na kasi mag sisimula ang Foundation namin.

 

 

 

Pag pasok ko sa room. Si Ivy at Kane na nag aayusan ng buhok at si Franz na tahimik na naka upo.

 

 

Umupo ako sa chair ko. Lumapit sakin si Kane.

 

 

"Franz! Si Camille oh!" sigaw ni Kane. Tinignan ko nga ng masama at tumalikod ako.

 

 

"Franz, si Camille ayyiieeh! Alam mo ba --" di natuloy ni Kane.

 

 

"OO alam na ni Franz" dugtong ni Ivy.

 

 

Napatingin ako kay Franz. Napaka inosente ng mukha at mata nya. Mga tingin nya.

 

 

Dumating lahat ng classmates ko, nilagay lang yung mga bag at nag si-alisan din sila -_- syempre wala naman gagawin ee.

 

 

Natira kami ng tropa ko at si Franz LANG. Wala kasi tropa ni Franz? Baka dota na naman sa malapit na computer shop. Aba! Himala? Andito at di sumama si Franz?

 

 

"Pag malapit kamukha ni David. Kapag malayo kamukha ni Justin Bieber" malakas na sabi ni Ivy. Tinutukoy nya po si Franz. Tinipunan ko nga sya ng masama ng tingin. Tumawa sya. Biglang bumukas ang pintuan.

 

 

"Guys labas! may practice ng kutilyon" sabi ni Kane. Kaya nag si labasan kami dahil malilintikan kami pag na late.

 

 

Sino ka partner ko? Yung junior student at Junior din ang name nya :D si Franz? Yun ka partner si Katrina. Naalala ko tuloy nung nag bunutan kami. Si Katrina pa nga nun. Tinanong at pinag malaki na si Franz ang ka partner nya pero ok lang kaibigan ko rin naman yan. Mabait din kasi sya. Hinahanap at pinuntahan pa ako ni Kath sa harapan para lang sabihin yun haha. Ok lang pero may konting disappointment.

 

 

Si Ivy bwahaha si Raymond ang ka partner pinaka tahimik at walang energy na tao. Dati kasi lagi nya'ng sinasabi na 'baka si Raymond yung ka partner nya' haha ayun! Sya nga! natawa nalang kaming kaibigan nya.

 

 

 

Tinawag kami ni Ma'am Joy. Kami ni Karlo, kaya umakyat kami. Nakita ko si Franz? Parang nagseselos? Yun ang nakita ko sa mga mata nya. Ayoko mag assume pero yun ang nakita at naramdaman ko. IHH!! Basta!

 

 

Pagkatapos nun ay bumaba kami then nag umpisa ng mag practice then 10 minutes break..

 

 

 

After ng 10 minnutes break namin ay nag practice ulit.

 

 

 

"Yiiiieeeh! Mille!!!!" papalapit na kinikilig sila Dianna mae at Ivy

 

 

"Masasayaw ka ni Franz!!" sabi nila sakin

 

 

"Huh?"

 

 

"Mag pe-perform tayo ng pa circle at lahat ng boys ay sasayaw nila tayo" paliwanang nila.

 

 

"Umayos na kayo!" sabi ng choreo na bakla.

 

 

Umalis na sila at tinuro naman ng choreo ang sayaw. Grabe napa daan ako kay Matthew. Grabe sya kung maka hawak sa bewang kala mo wala ng bukas. Kay Khent naman ang sunod. Ang galing nyang sumayaw sabi pa nga nya sakin.

 

 

 

"Sundan at pakiramdaman mo lang ang musika" bulong nya sa may tenga ko, napatingin ako sakanya. Close na rin kasi kami nya'ng gwapo na yan. Diba nga katabi ko sya sa upuan?

 

 

Sunod naman kay Franz. Ang gentle ng pagka sayaw nya sakin, ang lambot ng kamay nya. Hindi kami nagkaka tinginan. Bilis ng kabog ng puso ko. Sunod naman kay Gino -_- pinag tripan ako inikot at bigla akong binitawan. Kinurot ko nga sya. Tapos sa iba iba namang lalaki ako napa daan sa mga third yrs grabe sila. Alam mo yung ang kulang nalang yakapan na ginagawa nila -_-

 

 

 

After ng practice namin.

 

 

"Pag kayo na ni Franz ang nag sasayaw nag iiba ang mukha mo? Yung expression mo" nabigla ako kay Jean, hindi ko maintindihan.

 

 

"Huh? Pano?"

 

 

"Basta nag iiba aura mo, pag sya na ka-sayaw mo" siguro nga kasi feel ko namumula at hindi ako maka hinga, parang kami lang ang tao. Nagiging blurd? Di ko maintindihan ang feeling na yun.

 

 

 

Pagka tapos nun nag spin the bottle kami. Bukingan  ng sikreto at inamin ni Arljen na lahat ng MCNB daw isasayaw kaming girls sa mismong PROM. Kinilig ako. SANA NGA. Lahat kami masaya na sana nga totoo yun dahil lahat ng crush namin nasa MCNB gwapo naman kasi ang iba sakanila ung iba may itsura lang.

My High School CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon