Chapter 5

9 1 0
                                    

Nakapagsimba si Felicity nang wala sa oras.
Sabi kasi nina Albert at Xian hindi daw pumapalya sa pagsimba ang pamilya Grecia. Madalas daw itong pumwesto sa ikatlong row sa harapan, malapit sa choir.

Nagmamadali siyang umupo sa katapat nitong pews.

"Buti hindi ka nasunog," angil ni Cassy. Sumama siya rito tutal naman lagi itong nagsisimba.

Mamula nang mamatay ang kanilang ina ay hindi na siya nagsimba liban na lang kung required sa school.

Ngayon lang uli.

Relihiyosa ang ina. Ito ang nagturo sa kanila magdasal ay magrosaryo. Pag sapit ng linggo kumpleto sila lagi para magsimba. Matapos yun ay mamamasyal sila at kakain sa labas. Typical family day.

Nang madiagnose ito ng cancer sa bituka, kumapit siya sa Diyos. Hiniling niyang pagalingin nito ang mama niya.

Pero madamot ito.

Kinuha nito ang kanyang mommy Winona, ang taong nagpapaniwala sa kanya na may Diyos. Nawalan siya ng ina. Nawalan siya ng pananampalataya.

Bigla na lang niya itinigil ang pagsimba. Ang daddy naman nila naging workaholic. So ang dating sunday habit nila ay natigil.

"Ano to?" Takang tanong niya sa kapatid.

"Mass program. Baka kasi hindi mo na alam kung anong nangyayari sa misa," mapanuya ang tono nito pero nakita niyang puno naman ng lungkot ang mga mata nito. Marahil ay naalala rin nito ang kanilang ina.

Naguilty siya bigla sa pagpunta na may iba namang pakay. Kung hindi lang niya minimaintain ang cold image niya sa kapatid baka nayakap niya na ito. Malamang ay nagluluksa pa rin ito tulad niya.

Nag-iwas siya ng tingin. Baka kasi maluha pa siya.

Malayo pa lang ay natanaw niya na ang mga Grecia. Hindi sila mahirap ispatan. Panay matatangkad ang mga ito at tanned ang balat. Idagdag pang walking factory ng mga bagay na kulay orange si Russell.

Pants lang nito ang hindi orange.

Halos kapusin siya ng hangin nang maupo ang mag-anak sa tabi nilang pews. Tama ang mga ugok ~ sa harap nga pumupwesto ang mga ito.
May nagsalita sa speakers. Hudyat na simula na ng misa.

Sinubukan niyang magconcentrate pero lumilipad talaga ang kanyang utak. Hindi niya maiwaksi sa isapang ilang dipa lang ang layo nila sa isa't isa.

Lihim siyang naghyperventilate nang magtama ang kanilang mga mata. Nakangiti ito habang binati siya ng, "Peace be with you."

"Peace be with you," ganti niya. Kung kapamilya niya lang ito ay nakipagbeso at yakapan din sana ito sa kanya habang nakikipag peace be with you.
Nanghinayang siya.

Ay tanga! Okay lang pala, kastigo niya sa sarili nang marealize na hindi niya ito pwedeng magustuhan kung magkamag-anak sila.

Dug. Dudgdug. Dugdug. Russell. Russell.

Tibok ng puso niya. Excited na siya lalo pa at parehas silang nakaupo malapit sa aisle.

Nangyari na nga ang moment na pinakahihintay niya ~ Our Father na! Ito talaga ang ipununta niya eh, ang makaholding hands lang ito pag Our Father na.

Ang walang kamalay-malay niyang kapatid ay tinulak pa siya para makalapit kay Russell. Mahahalikan niya talaga ang kapatid sa tuwa.

"Aray Cassy," ungot niya pero deep inside ay kinikilig. PBB teens kung PBB teens.

Bumaling sa kanya si Russell at magalang na nakipaghawak kamay sa kanya. Pinagdaop niya ang kanilang mga palad.

Sana lang hindi magpawis ang mga kamay niya sa nerbyos.

Dinama niya ang kamay nito. Ang daliri nitong malakandila. Mahahaba at slim. Walang-wala ang kamay niyang ke iikli. His strong hand dwarfed her hand.

Pansin niyang magaspang ang kamay nito taliwas sa kanyang malambot na kamay pero mainit iyon at masarap hawakan. Ayaw niya ngang bumitaw eh.

Sabi sa kanya ng kanyang yaya Zaida, magaspang daw ang kamay ng mga taong masisipag gumawa sa bahay. Siguro masipag din ito.

"Our Father in heaven..." sintunadong kanta ng binata.

Grabe dai! Boses palaka. Orange na palaka.

Ngunit balewala iyon sa kanya. Parang magandang musika pa nga iyon sa kanyang tenga. 

Pag-ibig nga naman.

Napakamakapangyarihan.

Ang pangit ay nagiging maganda para sa sinumang may sinisinta. Ano ba ang onting kapintasan kung bet mo naman ang kabuuan?

"Ate bitaw na. Kanina pa tapos. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh," reklamo ni Cassy. Binunot siya nito. Sayang. Nabitawan niya tuloy kamay ni Russell.

Hindi talaga siya maghuhugas ng kamay hanggat kaya niya. Pramis.

"Ha?" Sagot niya, lutang.

"Ang tagal mo nang hindi nagsisimba limot mo na yung parts. Nakakahiya ka." Nahintakutan ang kapatid nang ngumiti siya. "Namaligno ka nga. Pabless tayo mamaya. On the other hand huwag na, mas gusto ko kung sino mang sumapi sayo ngayon."

Ngumiti lang uli siya. Nothing's gonna ruin her happy bubble. Nakaholding hands niya si Russell. Si Russell beh!

Si Russell na nerd na sumasamba sa kulay orange.

Si Russell na paborito ata ang division sa sobrang gitna ng pagkakahati ng buhok.

Si Russell na baduy pumorma.

Si Russell na crush niya noon, mahal na ata niya ngayon.

Paano nangyari? Ewan. Hindi niya rin alam.

Basta in love siya kay Russell Grecia. Period.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Wanna CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon