"Don't forget your take home quiz, class. See you on Thursday!"
And that's my cue. Inayos ko na yung gamit ko tapos nagpaalam na sa friends ko.
I glanced at my watch and muttered, "Shoot. 5:10 na pala! Late na naman ako!"
Lakad takbo ginawa ko para makarating agad sa gym. Yung prof ko naman kasi nag overtime na naman. Hindi na ako aabot sa stretching neto eh.
Pag dating ko sa gym, nagpalit ako agad ng damit tapos sumali na sa mga teammates ko. Kaso spiking drill na sila, di na naman ako nakapag stretch. Hay na'ko naman kasi si Ma'am!
Patapos na yung season tapos may pinaghandaan pang game yung team. Isang panalo na lang against NU balik finals kami. Di ako kasali sa lineup this year pero everyday nakiki-training pa rin ako. Alam ko dadating din yung time ko para makapaglaro sa UAAP. Napangiti na lang ako sa naisip ko.
May dalawang bago akong napansin pero di ko na muna triny kausapin sila, nag focus lang ako sa training. Late na nga ako chi-chika pa ako? Ayos buhay muna tayo.
Mabilis lang natapos yung training, kanya kanya kaming cool down pero gusto ko na mag shower agad para makapahinga na ako sa dorm. Naglakakad na ako papuntang shower room kaso may tumawag sa'kin bigla.
"Oh? Gi? Bakit? Dinner?"
Natawa siya tapos sumagot, "alam mo agad ah? Oo team dinner daw. Sama ka? Sa shakey's lang. Kasama yung nire-recruit na bago."
"Baka hindi na, parang gusto ko na mag rest," umiling pa ako para damang dama niya. Hahaha.
"Sumama ka na! Sabay ka na sa'kin. Minsan lang oh," tapos nag puppy eyes pa siya. Daming alam. Pero wala naman akong choice kaya ang ending, sumama na lang ako.
Dumaan pa kaming dalawa ng dorm para iwan yung gamit ko kaya kami yung huling dumating sa Shakey's. Umupo na ako sa tabi ni Marge tapos nakinig sa kwentuhan nila.
Napansin ko sobrang bilis mapakisamahan nung dalawang nire-recruit yung teammates ko. Nakikitawa na lang ako pag nagkukulitan sila, di naman kasi ako talaga pasalita. Mas gusto ko lang nag o-observe at nakikinig.
Natapos na yung dinner. Hay nako, sa wakas! Antok na antok na ako eh. Hahaha. Niyaya ko na si Gi na mauna na kami kasi may iba pang teammates kami na dadaan muna ng coffee shop. Nightcap daw.
Napalingon ako kay ate Aly nung nag salita siya, "Bye Bea and Trey! Sana nag enjoy kayo today kahit mahirap yung training," tapos natawa pa si ate Aly. Ang cute, "welcome kayo maki-training sa'min anytime na gusto niyo. Ingat kayo pag uwi," dagdag niya pa while smiling.
Ngayon ko lang actually nalaman yung name nung dalawa. Hahaha, hindi pa yata sila sure kung dito nila gusto sa Ateneo maglaro. Nagpaalam na sila saming lahat tapos umalis na.
---
Patapos na yung season pero yung apat na nire-recruit namin di pa nagkakasama sama. Ngayon, nandito si Maddie, from Davao siya, pinapanuod yung finals. Yung isa kasi yata from Canada. Di pa yata tapos yung school niya dun kaya di pa namin siya na me-meet.
Hindi ko alam kung makiki-training na sa'min si Maddie. Pero alam ko sure na siya na sa Ateneo siya mag aral. Pati rin yata si Bea at Trey. Pag pwde sila (lagi silang free actually) nakiki-training sila sa'min.
Nakakausap ko naman na sila, casual lang ganun. Hi, hello at bye lang madalas. Pero okay lang naman yun, sabog sabog pa ako dahil sa acads eh.
Nag iisip isip pa ako dito tapos parang naramdaman ko na may nakatingin sa'kin. Yun pala si Bea at Trey. Nanunuod pala sila! Nag smile lang ako tapos umiwas na ng tingin.
Minsan nahihiya ako kausapin sila eh. Parang sobrang conyo nila both! Lalo na si Bea! Tapos ang gulo gulo ng gamit niya lagi sa training. Sobrang OC ko pa naman! Sobrang hassle kasi minsan gusto ko na lang ayusin. Kaso di naman kami close. LOL.
Aynako. Next time nga di ko na titignan yung gamit niya para di na ako ma OC! Tapos medyo lalayo na lang din ako sa kanya, baka mahawa ako sa ka conyo-han niya eh.
-
super short lang po sorry
✌️ & ❤️