III

1K 18 0
                                    


Days passed at eto na naman, malapit na matapos yung sem. Konting push na lang tapos na so isa lang ibig sabihin nun- dapat na mag asikaso for Thailand training. Sobrang nakakatamad. Nakahiga lang ako dito sa dorm ngayon imbis na mag asikaso ng mga bagay bagay. Ano na?

Dahil tinatamad akong mag aral at mag ayos ng mga ibang kailangan ko for Thailand, naisipan ko na lang pumunta McDo. Kakain na lang ako kesa naman tumunganga lang ako. Kinuha ko wallet ko, phone ko tsaka konting readings. Baka lang sipagin ako.

Mga 5 minutes na akong nag aabang ng tricycle pero walang dumadating kaya nag decide na lang ako maglakad lakad. Medyo malapit lapit na ako sa gate nung may biglang bumusina sa'kin.

"Jho! San ka? Sabay ka na sa'kin?" sabi ni Bea.

Netong mga nakaraan lagi kami nagkakasama kasi halos sabay sched naming dalawa. Usually nagkikita kami lagi si lib or sa study hall. Minsan sabay kami nag l-lunch or nagpapalipas oras somewhere bago afternoon training.

"Jho! Sakay ka na!!! Nakaka-traffic ako dito," nagsalita ulit siya.

Sumakay na lang ako kasi na-realize ko nasa may pa-exit siya na gate kaya medyo nag cause na ng traffic, all because of me and my daydreaming.

"Hi Bei! San ka? Baba mo na lang ako somewhere, mag McDo lang kasi ako," sabi ko sa kanya pag sakay ko ng car.

In case you're wondering, nag 18 na si Bea nung August kaya siya na nag d-drive ng car niya. May driver siya before tho. Ngayon super saya niya kasi siya na nag d-drive, kung san san na siya pumupunta.

"Actually, di ko alam. Pero sama na lang ako sa'yo, please?" tapos medyo nag pout pa siya. Pa-cute pa.

"Papa-cute ka pa diyan. As if naman di ako papayag," tas tumawa ako ng slight.

"Malay ko ba! Baka mamaya nagsasawa ka na pala makita ako. Halos everyday tayo nagkakasama eh," tapos nag smile siya pero bigla rin siya nag serious.

Hindi na lang ako sumagot. Naalala ko tuloy yung HK trip namin last June kasama buong team.

Nandito na kami sa NAIA. Sobrang generous ng team manager ng team, iPhone 5C tapos ngayon, HK trip para sa lahat ng part ng team! Kahit yung mga rookies namin kasama! Pero ang pinaka magandang reward na nakuha namin ay... drum roll please... WALANG TRAINING!!! Isang month na pahinga, sobrang saya!

After ng ilang oras, boarding na kami sa wakas! Hindi pa sinasabi sino sino roommates namin pero balita ko, four daw per room? 2 king sized bed yata kasi per room, so ang alam ko tig-2 per bed.

Umupo na ako sa assigned seat at katabi ko si Kimmy! Di ako nakatulog sa buong flight kasi nag chi-chismisan lang kaming dalawa. I swear, Kim is one of (probably the only one) the nicest and genuine person I know! Sobrang cute niya and sarap kausap!

Pag dating namin sa hotel, binigay na yung key card namin, turns out, roommate ko si Kim! And si Bea and Gi. Habang nagpapahinga kami sa loob ng room, nag kkwentuhan na rin kami at naisip namin, ang name ng "squad" namin ay TEAM BEH!

 Habang nagpapahinga kami sa loob ng room, nag kkwentuhan na rin kami at naisip namin, ang name ng "squad" namin ay TEAM BEH!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naputol yung pag reminisce ko lol nung tinawag ako ni Bei.

"Beh! Ano na? Kanina pa kita tinatawag!"

"Ay! Sorry! Nandito na pala tayo, tara na beh, gutom na ako eh!" yun lang sinagot ko tapos lumabas na ako ng car tas naglakad papuntang McDo.

Hinabol niya ako tapos inakbayan niya ako. Clingy. Tapos nag tanong siya, "Did you just called me Beh?"

"Uhm, oo? Team Beh tayo nila Gi di ba?"

"Yes nga, but you never called me naman na ganyan," sabi niya na sobrang pinipilit niya wag mag smile!

"Oh, bakit? Ayaw pa? Kinikilig ka pa nga oh!" tapos ginulo ko buhok niya tapos iniwan ko siya dun. Haha, ang bagal niya kasi! Gutom na ako.

Pumila na ako sa counter tapos nilingon ko siya, ayun nakasimangot pa. Tinawanan ko lang siya tapos ginulo ko ulit buhok niya.

"Ay ano ba! Jho naman eh, not my hair!" sumimangot na naman siya pagkasabi niya niyan.

"Ok, ok, sorry na beh! Hanap ka na nga lang chair, ako na oorder. Libre kita para wag ka na sumimangot diyan. Ano gusto mo?"

"Chicken with spaghetti and large fries plus sundae please!"

"Ang dami naman," sumimangot ulit siya, "Ang dami naman, pero syempre bibilhin ko na, sabi ko nga di ba maghanap ka na ng pwesto," dagdag ko agad kasi baka ma badtrip na naman. Mukha naman siyang tuwang tuwa kaya hinayaan ko na lang siya.

Nung pag tapos ko mag order, hinanap ko na siya tapos nag start na kami kumain. Nag usap lang kami about sa mga bagay bagay.

"Ready ka na for Thailand?" tanong ko sa kaniya.

"Kinda. Kinda not. I heard... things kasi about it. Super hirap daw," tapos medyo na-sad siya.

"Okay lang yan! I know naman you can do it!" nginitian ko siya.

Nag smile rin siya tapos sabi niya, "Sana. Tska nandun naman kayo, for sure naman you guys will motivate me if I'm feeling down!"

"Oo naman, that's what friends are for kaya!"

"Thanks Jho! Means a lot to me having you around for the past few months! Let's eat na ulit, kasi malapit na afternoon training, bibihis ka pa di ba? Sama ako sa dorm," sabi niya.

Pag tapos namin kumain, di na ako nakabasa kasi dumiretso na kami ng dorm at nangulit lang siya dun bago kami pumunta ng training.

Pag tapos ng parang napakatagal na training, hinatid lang ako ni Bei sa dorm and nag ready na ako para matulog. Long day! Shoot! Di pa ako nag aaral! Patay. 

-

Friendly reminder: We're not yet out! Cheer up and we'll get it next game. For now, let's continue motivating the team!

Also, sorry super late na ng update na to. I'll try to update again later. Pambawi lang.

TY 4 reading, means a lot to me. Sorry I did not proofread this!

✌️ & ❤️

AlmostWhere stories live. Discover now