IV

893 17 0
                                    


...and just like that, we're in Thailand! After daw ng training namin dito, tska ia-announce yung final lineup. Hindi ko naman masyado pine-pressure yung sarili ko. Kung hindi pa rin 'to para sa'kin, okay lang. Alam ko naman darating yung time ko- time na makakatulong ako sa team, when that time comes, I'll make sure I'll deliver.

Anyways, excited na ako mag training grabe! Note the sarcasm. Kakalapag lang ng eroplano pero nag sabi na agad sila na may training kami mamayang hapon. Conditioning lang naman yata, bukas pa yata yung ibang level.

Roommate ko pala ngayon si Ate Ayel and Ana. Tapos na kami mag ready, pababa na kami kasi dun kami magkikita kita ng team sa lobby, sabay sabay na kami lalakad papunta sa venue ng training.

Tama nga ako. Puro kami conditioning drills ngayon— sprints, shuttles, obstacle course, name it. Nakakapagod! Pero kasi we do this naman to improve our strength, power and speed. Naks, english. Kidding aside, nakakapagod talaga. Gagapang na siguro ako pabalik ng hotel.

Habang naglalakad kami, nandito ako sa likuran kasi di ko na talaga kaya, may sumabay sa'kin. Sino pa nga ba? Syempre si clingy Beatriz.

"Kumusta, Jhow jhow?" tanong niya.

"Pagod beh, tulog na tayo dito sa kalsada di ko na kaya," tumawa siya ng malakas kaya napalingon ibang teammates namin dito.Nag peace sign lang siya sa kanila. Nung tumalikod na silang lahat, binatukan ko siya.

"Aray ko naman! What's your problem ba?" sumimangot siya.

"Ang ingay mo kasi! Seryoso kaya ako, parang ayoko na bumalik ng hotel. Dito na ako matutulog," sabi ko sakanya.

"Parang baliw to! Gusto mo night market tayo? Libre kita food para mag cheer up ka naman diyan! Smile ka na!" sagot niya.

Natigilan ako- ganun ba ka obvious na wala ako sa sarili? Bakit niya napansin na malungkot ako or something? Hayaan ko na nga lang! As long as hindi siya magtatanong sa'kin, okay na yun. Pero sasama ba ako? Gutom na ako kaso pagod na ako.

Bumuntong hininga ako bago ako sumagot, "Gusto ko... kaso pagod ako. The struggle is real, beh," medyo malungkot pa pagkakasabi ko nun para madama niya.

Natawa siya tapos ginulo niya buhok ko, "Malapit lang naman. Tsaka saglit lang tayo, promise! Tara na, free food oh, ayaw mo pa?"

"Sige na nga, baba muna natin gamit natin sa room ah?" nag smile lang siya tapos tumango.

---

Katulad nung pinagusapan namin, binaba muna namin yung gamit namin, tapos nag punta na kami ng night market. Bumili lang kami ng mga traditional Thai street food bago kami humanap ng pwesto. Nung naka settle na kami, nag simula na kami kumain and mag kwentuhan.

Ang dami na namin napag-usapan nung bigla niya ako tinanong,

"What's bothering you? You look disoriented kasi? I don't know pero you're not your usual self eh, that's why I invited you ngayon, kasi dapat focused tayo in the next few days, baka parusahan ka ni Coach sa training if you're gonna be like that. I figured, I'd ask you what's wrong, baka I can help you."

Sobrang nagulat ako, haba ng sinabi niya. Pero mas nagulat ako kasi nahahalata niya pala talaga. Sobrang swerte naman ng friends neto, parang sobrang sweet niya at sure na hindi ka hahayaan malungkot. Imagine, di naman kami ganun ka-close na as in alam namin secrets ng isa't isa, nagkakasama nga kami for the past few months madalas pero di naman ganun ka-deep yung friendship namin tapos grabe siya mag care for me.

Nakatingin lang siya sa'kin the whole time, parang sobrang patient niya sa pag aantay if sasagot ako or not. Nakailang buntong hininga ako bago ako nag salita ulit,

"Things lang... pero una na sa list yung makakasali kaya ako sa final line up? I know I shouldn't think about it pero kasi di ko mapigilan. Kanina nga sabi ko pa sa sarili ko dapat patient lang ako hanggang sa dumating yung time ko, pero natatakot kasi ako, what if kulang pa rin pala? What if kahit sobra na ibigay ko kulang pa rin pala?"

Natigilan siya bago siya sumagot, "Alam mo, Jho, do not ever doubt yourself. Kasi it won't help you-- it will be a hindrance sa growth mo not just as a volleyball player and also as a person," may sasabihin pa yata siya pero naunahan ko siya magsalita.

"Hindi ko kasi mapigilan, parang all this time, I'm giving my best naman, in sports and in academics, to prove na I can balance both. Nag wo-work hard naman ako para makita ng coaching staff na kaya ko, na makakatulong ako sa team."

Ngumiti siya sa'kin bago siiya lumipat sa may tabi ko, "Alam kong you'll make it! I believe in you. Kaya maniwala ka rin sa sarili mo. Work hard and it will pay off. Trust me. Wag mo na isipin to, please? Kasi magaling ka, okay? Don't do this again ha, doubting yourself? Awayin kita, sige ka!" tapos niyakap niya ako. "Wag ka na malungkot, you'll make it. Sabay tayong papasok ng UAAP, sure ako diyan," dagdag niya pa.

Just like that... nawala lahat ng doubts ko sa sarili ko. Ibang klase si Beatriz.

---

Hindi na kami masyado nakapagusap ni Bea after ng night market na yun. Pero kahit na ganun, lagi ko pa rin naiisip lahat ng sinabi niya. Sa buong duration ng training namin sa Thailand, tuwing napapagod ako, iniisip ko lang yung mga motivational words niya that night. Parang kasi, siya nga naniniwala sa'kin, dapat ako rin maniwala sa sarili ko. Mapapagod lang, pero di ako susuko.

Hindi ko na rin inisip kung makakasama ba ako sa lineup. Nakalimutan ko na nga actually. Nagulat ako nung biglang tumawag sa'kin si Bea tapos pinababa ako sa dorm, nasa sasakyan daw siya, may importante daw siyang sasabihin.

Nung nakita ko yung car niya, lumapit ako sa driver's seat tapos kinatok ko yung window. Binuksan niya yung door tapos may hawak siyang cupcake na may naka-stick na card na Congratulations yung nakalagay.

Kumunot naman yung noo ko kasi di ko maintindihan. DL ba ko last sem? Di naman ah? Nahalata niya siguro na naguguluhan ako kaya natawa siya bago niya ako niyakap.

"Sabi ko sa'yo, you'll make it eh. Congrats, Jho! Sabay tayong papasok ng UAAP! Let's continue working hard and prove natin kanila Coach na they made the right choice, shall we?" humiwalay siya sa yakap tapos nginitian niya ako.

Natulala ako saglit bago ako tumango sa kanya tapos nag thank you. Di ako makapaniwala! Finally! Niyakap ko siya ng sobrang higpit tapos nag thank you ng paulit ulit. Pero, grabe Lord, what did I do to deserve a friend like Beatriz? 

Thank you Lord for the answered prayer... and for Beatriz.

-

Yay! 1120 words!

Here's another one. Hope you guys like it. If it's not too much to ask, please let me know what you think.

I did not proofread this again. I'm sorry.

✌️ & ❤️

AlmostWhere stories live. Discover now