December 6, 2014 5:10 AM
Napakaaga pa, kaso late na ako kaya kailangan ko na bumangon. May game kami later kaso syempre, di porket may game, ibig sabihin tunganga kami. Tumayo na ako at dumiretso ng banyo para mag brush ng teeth at mag wash ng face at magpalit ng pang training. May morning run kami today and conditioning lang.
Pag tapos ko mag sapatos, nagsimula na ako maglakad papuntang oval. Bangag bangag pa ako. Anyways, wag na kayo magtaka, di talaga ako naliligo bago mag training pa. After na lang. Ang aga kaya. Malamig tubig. Hindi naman nila alam yun... Or so I thought.
"Hi, Jhow jhow! Hindi ka na naman naligo no," hulaan niyo sino nagsabi. Sino pa ba? Si Ate Ella lang naman.
Inirapan ko siya bago ako sumagot, "kala mo siya naliligo eh." Nagtawanan naman teammates namin sa comeback ko. Akala mo diyan ha.
Nag stretch lang ako habang nag aantay kay Coach Tai. Ang tagal niya inaantok na ako.
...and just like that, tapos na ang aming session this morning. Wala naman ako ik-kwento kasi same same lang naman ginawa namin. Katamad. Anyways, naglalakad ako papunta sa gilid kasi papa-release ako bago ako maligo.
May inaasikaso pa PT namin kaya nahiga na lang ako sa sahig habang nag aantay. Sabi ko kung makatulog ako, gisingin na lang ako after ko ma-release.
Medyo di ako makatulog kasi napakaingay ni Ate Ella. Ang daldal daldal. Nararamdaman kong ako na pag tri-tripan niya any minute now.
"Hoy Maraguinot! Wag ka matulog diyan, may team breakfast tayo baka nakakalimutan mo. Maligo ka, nakakahiya naman sa makakaamoy sa'yo!"
Sabi ko sa inyo eh. Di ko siya pinansin. Nag tulog tulugan na lang ako. Ang ingay niya zzz
"Hoy Jhoana! Pansinin mo ko kundi dadaganan kita," dagdag pa niya. Kaso heartstrong ako kaya patay malisya lang ako here.
"Ats Ells, papa-release pa yata siya, una na kayo mag shower. Antayin ko siya tapos sunod kami," mukhang natakot 'to na dadaganan ako ni Ate Ella kaya nagsalita siya.
Naramdaman ko naman naglakad na papuntang shower room mga nandito. Tapos nung naramdaman kong ni re-release na ako, dumilat na ako. Tapos nakita ko si Bei, nakaupo sa tabi ko. Siya kasi yung inaasikaso ng PT kanina.
"Gotchu, beh!" Tapos kumindat siya sa'kin. Ngumiti lang ako tapos sinagot ko siya,
"Gotchu always din. Thank you!"
---
Naghanap na ako ng pwesto dito sa bus kasi papunta na kami sa arena para sa game. Nung nakapag settle na ako, nag earphones lang ako tapos pumikit. Maglalaro kaya ako today? Walang sinabi sa'kin eh. Naalala ko tuloy yung second game namin,
"Nandito kami ngayon sa San Juan Arena para sa second game namin against ADU. Nag s-start na kami mag warm up dito sa may loob bago kami pumunta sa court. Sobrang I feel weird today ha, di ko rin sure bakit.
Nag focus lang ako tapos maya maya pinalabas na kami sa court para dun na namin ituloy yung ginagawa namin. Partner ko ngayon si Maddie. Nag s-spike and receive lang kaming dalawa habang nag aantay ng official warm up.
Okay, tinawag na kami kasi mag start na daw "officialy" nag line up na kami dito sa may side namin ng court katapat namin ADU. Katabi ko si Bei kasi magkakasunod kasi number namin. Katabi niya si ate Den kaya humarap ako sa kanya tapos kinausap ko lang siya saglit, "good luck ate Den!" Ngumiti lang siya tapos nag thank you.
Kay Bei naman ako humarap na mukhang kanina pa nakatingin sa'kin, "good luck, beh!" Ngumiti lang naman siya sa'kin tapos medyo ginulo buhok ko. Weirdo. Wala man lang thank you.