January na! Napaka daming ganap. Hayz. Well, sunod sunod lang naman games namin ngayon. Kasi umalis kami for AUG, naghahabol kami ngayon para sumakto kami sa timeframe ng first round. Kaya ayan, grabe nakakapagod kasi walang pahinga talaga.
First, UP kalaban namin ngayon tapos UE tapos DLSU. Back-to-back pa yung last two. Kaya parang yung class namin na lang yung pahinga namin. Buti na lang hindi pa kami nababaliw ngayon. Di pa kasi midterms. Hehe.
Anyways, nandito na kami sa SJA. Nag wa-warm up na. Medyo excited nga ako sa game, kapitbahay kasi namin UP hehe. Tska starter daw ako. For sure magandang laban 'to!
***
At naging maganda nga yung game! Five sets-- dito sa game na yun kami unang natalo ng set this season... At na-punish nga kami ni Coach Tai. Wag na natin yun pag usapan, kasi napagod ako ng grabe sa parusa na yun.
Naging maganda naman yung performance namin (feeling ko) kasi nag end yung first round na wala kaming talo. Kaya masaya kami.
Naglalakad pala ako ngayon papuntang Gesu. Dadaan lang ako para mag thank you kasi... Drum roll please... Birthday ko ngayon! Nineteen na ako.
Pero parang di nga naaalala ng teammates ko, wala kasing bumati sa'kin kanina kahit isa. Medyo na-sad nga ako kasi akala ko pa naman sila una babati sa'kin kasi ang aga aga namin magkakasama. Pero baka busy lang sila, kaya siguro di nila napansin yung date. Hinayaan ko na lang. Bawal mag demand.
Bago pa ako umabot sa Gesu, may tumawag naman sa'kin,
*OTP*
"Hi, Ma! Papunta ka na po?"
"Oo, Ate. Kaso di ko kasama si Jaja, may pasok kasi. Pero hayaan mo na, pupunta naman daw si Auds," sagot naman ni Mama. Nalungkot naman ako kasi wala si Ja, pero anong magagawa ko? Ayos buhay dapat, bawal mag absent.
"Sayang naman, Ma. Pero okay lang, naiintindihan ko. Sige po, nasa Gesu na ako, Ma. Pray lang ako tapos punta na ako diyan," magkikita kasi kami ngayon para sa birthday lunch ko.
Nagpaalam na si mama tapos binaba ko na yung tawag. Sakto naman nasa Gesu na ako kaya pumasok na ako at nag dasal na.
***
Naging maayos naman yung lunch namin. Hindi nga lang kami masyado nag tagal kasi may klase pa ako. Nalulungkot pa rin ako na hindi ko nakasama si Papa at Jaja ngayong birthday ko. Siguro sa next na lang. Si papa kasi di pa makakauwi, nasa ibang bansa kasi siya nag wo-work. Miss ko na sila. Hay.
Sa kakaisip ko ng pagka-miss ko sa kanila, di ko namalayan nasa BEG na ako para sa afternoon training. Nagtataka ako kasi medyo tahimik, napaaga ba punta ko? Parang late na nga ako eh.
Pagpasok ko, nagulat ako kasi sabay sabay sila na kumanta ng pasigaw ng happy birthday! Hala, ang cute ng teammates ko! May party hat pa sila. Nung natapos na sila, lumapit si Bei sa'kin kasi may hawak siyang cake.
Kaya pala di nila ako binati kanina. May pakulo pala kasi sila. Lumingon ako sa paligid tapos nakita ko may boxes ng pizza sa isang tabi.
Nabalik ako sa ulirat nung nagsalita si Bea, "Blow mo na, Jhow! Happy Birthday!"
"Make a wish bebe Jho," nagpahabol pa si Ate Ella.
Pumikit ako tapos nag wish bago ko hinipan yung kandila. Dumilat ako tapos nginitian ko sila, "nag abala pa kayo. Pero salamat po! Na-appreciate ko!"
Ngumiti sila tapos isa isa silang lumapit para bumati at mag kiss and hug. Nung natapos na sila, nagsialisan na sila para mag warm up. Baka dumating na daw kasi si coach.
"Happy Birthday, Jho! I'd hug you sana kaso may hawak akong cake," sabi ni Bea tapos nag pout.
Lumapit ako sa kanya tapos kiniss ko siya sa cheeks. Mukhang nagulat siya pero bago pa siya mag react, nagsalita na ako, "Thank you, Beh!" tapos nag side hug ako.
Nakita ko parang medyo namula siya, hala siya?
"Ang sweet mo pala pag birthday mo?" natawa siya kaya napangiti ako, "plans after training? Kain tayo? Libre naman diyan, birthday girl!"
"May dinner ako eh. Bukas na lang Bei? Breakfast tayo after training, you want?"
"Sino kasama mo? Family? Pero sure, sige! Sabi mo yan ah," ngumiti siya.
Ginulo ko buhok niya bago ko siya sinagot, "hindi family, boyfriend ko," nakita ko medyo nagulat siya, "di ko pa pala na k-kwento sa'yo, kwento ko bukas sa breakfast," ngumiti ako.
"Okay. You owe me! Tara na, lapag ko na tong cake, mamaya na natin to kainin sabi nila Ate Ly, stretching na tayo," tapos naglakad na siya papunta sa nilalagyan ng pizza, nandun pala yung box ng cake.
Habang nag t-training, na-realize ko gaano ako ka-swerte pa rin. Alam ni Lord na medyo sad ako pero binigyan niya ako ng teammates na nagpapa happy sa'kin.
Isa pa sa mga na-realize ko, close kami ni Bea pero hindi pa namin ganun ka kilala yung each other. Parang madami pa kaming secrets na di pa nasasabi. I mean, kilala naman namin yung isa't isa, pero parang hindi pa rin? Gets niyo ba? Naguguluhan din ako sa sinasabi ko. Pag magkasama kasi kami, puro kabaliwan lang napaguusapan. Hindi nga serious na bagay.
Pero siguro mas mag e-effort akong kilalanin siya on a deeper level. Para di lang siya yung laging mag effort. Tska mag s-share na lang siguro ako sa kanya pag may mga tanong siya sa'kin.
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan tapos na pala yung training. Sinamahan ko sila saglit para kumain nung pizza at cake bago ako nag shower at nakipag-meet kay Baham.
***
Naging maayos naman yung dinner ko kagabi kasama si Baham. Nag usap lang kami, nag catch up. Hindi na kasi kami madalas nagkikita, medyo malayo kasi yung school niya sa Katipunan.
Medyo na-surprise pa nga ako na nakipag-meet siya for dinner. Nasanay na kasi akong wala siyang oras para sa'kin.
"Uy, Jho! Kanina pa ako nagsasalita di mo ako pinapansin," sabi ni Bea. Nandito kami ngayon sa McDo, nag b-breakfast. Kinulit niya ako ng kinulit para lang matuloy 'tong breakfast na 'to. Parehas naman kami free hanggang 11, so kebs.
"Sorry, Bei. Ano sabi mo ulit?" Nag pout siya bago siya sumagot,
"Sabi ko kwento mo na yung sa boyfriend mo. Tagal na nating friends tapos di ko man lang alam na may jowa ka pala," natawa ako sa 'jowa' akalain mo yun, Bea saying jowa?
"Hahaha! Sorry naman, beh. Hindi ko na k-kwento kasi hindi ka naman nagtatanong," napasimangot siya, "joke lang! Complicated kasi, Bei eh," hindi ko alam paano ko mag s-start na mag kwento, pero parang naramdaman naman niya yun.
"Sige na nga, wag na. Kwento mo na lang pag ready ka na mag kwento, beh! Tandaan mo lang na i'm always here for you ah! I gotchu!"
Napangiti naman ako, "thank you, Bei!"
"You're welcome, beh! Kain na muna tayo!"
Tinuloy lang namin yung pag kain namin tska nag usap ng ibang bagay. Medyo nag kulitan pa kami sa mcdo bago siya nag decide na bumalik na ng Ateneo. Buti naman na-gets niya na ayaw ko pa pag usapan yung sa'min ni Baham. Plus points kay Bea yun-- malapit na siya sa bestfriend goals based sa friendship meter ko. Lol.
-
FINALLY MAY WIFI NA AKO ULIT -.-
I have a twitter account- ibpdl__
If you have an account and you're up for some daldalan, HMU!
✌️ & ❤️