We're on our way na to the airport. Punta kami Indonesia para sa AUG. Sobrang excited ako! Bale i re-represent namin yung Pilipinas. First time ko makakapunta dun tas first time ko i-represent yung country natin.
Who would've thought di ba? First playing year ko 'to sa UAAP pero nakasama na ako sa AUG. Sinama rin ako sa HK. When it rains, it pours talaga 'no? Not that I'm complaining, super thankful nga ako eh.
Anyways, kung nagtataka kayo bat nag e-english ako madalas, lol, nahahawa na kasi ako kay Bea. Hilig mangulit nun sa study hall eh. Lagi ko siya nakakasama sa lunch or dinner, minsan pati breakfast. Kaya nahahawa na ako. Lolsies.
Katulad ngayon, nagsisimula na naman siya mangulit.
"Ano ba, Beatriz ha! Wag ka makulit," sinimangutan ko siya kasi pisil siya ng pisil sa pisngi ko.
"Sungit mo ah, meron ka ba, beh?" Binatukan ko lang siya tapos natawa siya kasi alam na niya. Bahala siya diyan.
Iniwanan ko na siya kasi nandito na pala kami. Kinuha ko na gamit ko tapos sinabayan ko si Jia maglakad.
"Oh, bakit nakasimangot ka diyan, Jhow jhow?"
"Si Bea kasi kinukulit na naman ako," tapos napasimangot na naman ako.
"Sus. Napipikon ka ba talaga? Minsan nga di na kayo mapaghiwalay! Selos na nga ako di mo na ako sinasamahan," tapos siya naman sumimangot. Triny ko siya yakapin kaso lumalayo siya sa'kin.
"Ang drama mo naman, beh. Akala mo talaga di tayo nagkakasama eno? roommates po tayo, baka nakakalimutan mo," natawa ako kaya natawa na rin siya.
"Triny ko lang, baka manlibre ka pag feeling mo nagtatampo ako eh," tapos natawa siya ng malakas, pinagtinginan tuloy kami, "Kidding aside, wag na kayo mag away, baka mamaya maging aso't pusa pa kayo dun sa Indonesia ah?"
"Wag niya lang ako bwisitin, di ko naman siya aawayin eh, ang kulit niya kasi."
Napa-iling na lang si Jia tapos iniwan na niya ako dun. Ano ba naman yan, lahat na lang nangiiwan?
Pagtapos namin mag check in ng bagahe, naglalakad na kami papuntang gate. May iba sa'min na dumaan pa sa starbucks, bili lang daw kape. Yung iba naman nag iikot pa sa mga stores dito.
Nung nakita na namin yung gate, naupo lang kami sa may malapit na outlet para makapag charge ng laptop tapos tinabihan ako ni Bea.
"Wag ka na magalit, beh! Bati na tayo, please? Di ko na kukurutin pisngi mo, kiss ko na lang," tapos kiniss niya ako sa cheeks.
Eto yung pinagkaiba naming dalawa eh, siya, naturally malambing, ako, naturally walang feelings. HAHAHA. Totoo. Kaya we balance each other daw. Sabi niya.
"Wag mo na kasi kurutin pisngi ko, masakit kaya," tapos nag pout pa ako.
"Papa-cute ka pa eno? Oo na, hindi na, sorry na beh ha? Pagbalik na natin dito sa Pilipinas mag bangayan para ma-enjoy naman natin Indonesia," natawa naman ako pero nag agree na lang din ako.
***
Kakatapos lang ng awarding namin. Nag second runner up kami! Sobrang saya kasi hindi pala mga varsity ng university from different countries, yung iba national team nila! At least nakaabot kami dito. Podium finish pa!
Pero hindi pa kami uuwi, mag stay pa kami for three days dito kasi mag training na rin daw kami. Lubusin na daw namin. Nakakalungkot kasi miss na miss ko na Pinas. Pati pagkain. Hayz.
Nandito pala kami sa isang restaurant malapit sa venue. Gutom na kami eh. Treat daw nila sa'min. Di ko alam sinong mang treat. May iba kasing parents na sumunod dito para mag cheer eh.