V

690 11 0
                                    


First game of the season! Nandito na kami ngayon sa bus papunta sa game. Hindi pa rin ako makapaniwala na part na ako ng lineup!!! Nung binalita ko nga kanila mama, tuwang tuwa sila para sa'kin. Alam daw nila na pinaghirapan ko 'to.

Hindi naman sure kung isasama ako ni Coach Tai sa first six. Pero kahit ano namang pagawa ni Coach, pipilitin ko gawin to prove my worth. Lagi lang ako magiging ready just in case tawagin niya ako, para makapag-deliver ako.

First game namin against NU. Last season, natalo nila kami sa elimination round pero nakabawi sa stepladder. Probably marami samin medyo kinakabahan pero sabi lang nila Ate Ly, play happy lang and enjoy lang namin yung game. Kung sino man daw ipapasok, bigay lang daw namin best namin, tas magiging okay ang result for sure.

---

And they did! We did it! First game and first win of the season! Thank you Lord! AMDG. Hindi ako nag laro today pero okay lang naman yun. Si Bei starter siya! Nakaka-proud! Parang di siya rookie, grabe puso niya pag naglalaro.

Naglalakad na kami papuntang dugout tapos nakita ko si Bei. Medyo tumakbo ako para maabutan ko siya tas kinalabit ko siya.

Lumingon naman siya agad tas pagkakita niya sa'kin, napangiti siya. Ngumiti rin ako pabalik tapos sinabayan ko siya.

"Nice game, Beh! Galing mo!" Sabi ko sa kanya.

"Thank you, Beh! Medyo kinakabahan pa nga ako kanina eh," sabi niya tas medyo napatungo siya. Nahiya yata siya. Ang cute, sarap pisilin sa cheeks.

"May pa-lunch or dinner ka ba diyan, beh?"

Natawa siya bago niya ginulo buhok ko tapos sinagot niya ako, "Dapat pag naging player of the game lang ako, pero sige na nga, malakas ka sa'kin eh. Tomorrow? After training?"

Tumalon talon naman ako tas niyakap ko siya saglit, "thanks, beh! You da best!" Hindi na siya nagsalita, pinisil lang niya pisngi ko. Kanina lang ako gusto pumisil sa cheeks niya eh.

---

Kakatapos lang ng afternoon training namin at kakatapos ko lang mag shower. Si Beatriz nandun lang sa may bleachers, kanina pa siya tapos, inaantay niya lang ako para sa promise niyang dinner.

Nung ma-satisfy na ako sa itsura ko, pumunta na ako sa kanya. Tinawag ko siya tapos pinuntahan niya lang ako tapos nag sabay na kami maglakad papunta sa sasakyan niya.

Noong nakapag settle na kami sa sasakyan, nag start na mag drive si Bei tapos tinanong niya ako kung saan ko gusto kumain.

"Mmmm. Wooden Spoon na lang? San mo gusto mag dinner?" Syempre tinanong ko rin siya, nakakahiya naman kung siya manlilibre tapos wala siyang say sa kakainan namin.

"Sige, sa wooden spoon na lang tayo. Never ko pa na-try dun eh," sabi niya habang naka-smile.

"Ay, di mo pa na-try dun? Ako rin eh. Hehe," sagot ko naman.

Natawa naman siya bago sumagot, "akala ko naman suki ka dun kasi mukhang kabisado mo na yung menu dun. Di naman pala."

"Eh nadadaanan ko lang lagi yun, beh. Parang nakita ko kumain dati sila Ate Ly and Ate Den dun. Try din natin, baka masarap naman," medyo natatawa ako sa sariling sagot ko, parang defensive na di ko malaman.

Saglit lang naman yung byahe kasi surprisingly, hindi traffic sa Katip today. Akala mo naman ang layo ng wooden spoon... Parang mas matagal pa pag pili ni Bea sa menu kesa sa naging byahe namin. Gutom na ako eh.

"Ano na beh? Tagal mo naman mag order, gutom na ako," naka pout pa ako pag sabi ko niyan.

"Ay sorry! I thought di ka pa nakakapili eh. Tara order na tayo" tapos tumawag na siya ng waiter.

"I'd have tostadong adobo and what's yours, Jhow?"

"Wooden Spoon Crispy Chicken lang," tapos ngumiti ako sa waiter.

Umalis naman agad yung waiter pagkakuha ng orders namin. Nag simula na kami magdaldalan ni Bea habang nag aantay.

Sobrang dami naming pinagusapan, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Parang first time nga yata na ganito kadami pinag usapan namin na medyo personal, dati kasi pag magkasama kami, usually ang napaguusapan lang naman namin yung mga kaklase namin, or yung mga class namin.

Sobrang RK yata neto ni Bea, sa mga kwento niya tungkol sa mga hobbies niya and ng family niya, parang pang yayamanin talaga. Tska mukha siyang galante. Dapat pala sa fine dining ako nag palibre.

Natapos kami mag dinner ng 9:30, nag insist ako na maglalakad na lang ako pero hinatid ako ni Bei sa dorm kasi baka abutan daw ako ng curfew pag nag lakad ako.

Na-realize ko medyo naging deep yung friendship namin after this night. Hindi naman ako nag re-reklamo, actually medyo gusto ko pa siya makilala, ang dami naming pinagkaiba pero parang nababalanse namin yung each other. Sana lang we'll be able to maintain this friendship, or if not, mas maging #FriendshipGoals pa kami.

-

Lame, I know sorry, I'll make bawi na lang sa next updates!!! Hopefully, soon! Na-pressure ako ng sarili ko kasi ang tagal bago ako nag update.

Reasons why:

nag re-research pa ako what happened nung mga nakaraang taon bc I want the "ganaps" here na nangyari in real life talaga ❤️

My laptop's been acting up lately. :(

Writer's block


I'll do good sa next, hopefully. Thank you for reading! Means a lot to me.

✌️ & ❤️

AlmostWhere stories live. Discover now