Sobraaaang bilis ng panahon. Natapos yung season na champions kami!!!! Waaaaah!!! Ngayon, back to training at sadly... back to school na naman. Sobrang aga pa, actually. Pero nag re-ready na ako pumunta sa oval.
Nakasalubong ko pa sila Ate Ly pababa kaya nag sabay sabay na kami papuntang oval. Ngayon pala makiki-training na sa'min yung tatlong recruit- si Maddie, Bea at Trey. Si Kat, di pa yata tapos school kaya hindi pa makakasama.
Isa isa nang dumadating yung teammates ko. Medyo lumiliwanag na rin. Nakikinig lang ako ng music tapos nagsisimula na ako mag stretch. Tumabi sa'kin si Bea tapos nag hi siya. Nag nod lang naman ako tapos bumalik na ulit sa ginagawa ko.
Dumating na sila coach tapos pinatakbo na kami. 5 laps daw... Iyak. Pero wala namang choice kaya tumakbo na lang kami.
Nasa pangatlo pa lang ako kaso sobrang napapagod na ako. Naiwanan na ako ng ibang teammates ko pero hinayaan ko na lang sila. Ano magagawa ko, eh ang bagal ko tumakbo? Lolsies.
Di ko namalayan sumabay na pala sa'kin si Bea.
"Pang-ilan mo na?"
Sumagot naman ako, "Pang apat pa lang 'to."
"Bagal mo naman. Last ko na nga 'to eh." Inirapan ko siya. Tinanong ko ba???
"Sungit naman," dagdag niya while laughing. Di ko na sana siya papansinin kaso na-realize ko lagpas na siya sa mark! Ibig sabihin pang 6 niya na 'to.
Tinignan ko siya tapos sabi ko, "uy, lagpas ka na! Pang anim mo na!"
"Oh? Yaan mo na. Sabayan na lang kita. Last mo naman na 'to eh, di ba?" tapos nag smile siya.
After ng pagtakbo namin sa oval, nag focus kami sa serving and receiving sa continuation ng training sa gym. Ngayon, tapos na kami. Nag co-cool down lang kami saglit bago shower.
"You go back, here, 5 PM," sabi ni Coach Tai. Nakakagulat din siya minsan akala ko umalis na siya eh. Buti na lang last class ko today hanggang 3 PM lang. May time ako mag pahinga. Yey!
---
3:30 PM na!!! Naisip ko tatambay na lang ako sa study hall bago mag training. Papunta na ako dun actually. Pag sa dorm kasi ako tumambay makakatulog lang ako, baka di pa ako magising in time for afternoon training. Deliks.
Pag dating ko sa study hall, wala naman masyadong tao kaya nakahanap ako ng pwesto. Naglalagay pa lang ako ng earphones nung nakita ko si Gi, kasama si Bea. Pumunta sila dito sa pwesto ko.
"Uy, Jow! What time natapos class mo?" Tanong ni Gi.
"Hmmm, 3 PM. Wala kayong class?"
"Wala akong class today eh. Ewan ko si Bea, nakita ko lang siya sa labas eh," nag kibit balikat si Gi.
Tinaasan ko ng kilay si Bea, mukha namang na-gets niya na tinatanong ko siya kung may class siya or wala hahaha
"3 PM din natapos class ko, ayaw ko na umuwi eh kaya naisip ko dito na lang ako tambay," sabi niya.
Tumango na lang ako tapos si Gi nag simula na mag kwento ng kung ano-ano. Ang gulo nila parehas! Pero natatawa naman ako sa kabaliwan nila kaya hinayaan ko na lang.
Di namin namalayan yung oras, 4:30 na pala. Lumabas na kami para pumunta ng gym kasi mag set up pa si bea (and sila maddie and trey) rookie duties hahaha.
Pag dating namin sa gym, nandun na sila Jia, tumabi kami ni Gi sa kanya tapos si Bea nag simula na mag set up. Iniwan niya phone niya kaya to si Gi may naisip na kabaliwan.
"Punuin natin camera roll niya! Haha!"
So nag picture picture pa kami. Kung swine-swerte nga naman si Gi at minamalas si Bea, LOL, walang password phone niya hahaha! Nag twitter si Gi tapos finallow niya kaming tatlo tapos twineet niya yung photo.
Nai-imagine ko palang reaction niya pag nakita niyang na-hack siya natatawa na ako. Hahaha!
---
Hay sa wakas! Natapos na rin ang training. Nung inayos na nila Bea yung mga gamit, kulang ng isang bola.
Ayun, may parusa sila. Extra push-ups. Grabe, gandang pambungad sa kanila neto no? Tapos yung nawawalang bola tinago lang naman pala ni Coach Tai sa damit niya sa likod! Nakatalikod kasi siya nung pinapagalitan niya sila.
Hindi ko na nga naantay matapos yung "punishment" nila kasi super duper pagod na ako! Hindi na ako nakapag-paalam. Hayaan na. Sumabay na kasi ako kanila Ate Ella pabalik ng dorm.
Nag hilamos ako saglit, sobrang ayaw ko nga kasi gusto ko na matulog! Sobrang nakakapagod pero for sure para naman 'to sa team. Tska sana masama na ako sa lineup this upcoming season kaya work hard talaga. Heartstrong lang!
-
✌️ & ❤️
HBD Jho!
sorry if I'm mabagal sa update. I'm aiming for a certain number of reads kasi before I write a new chapter hehe