Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog tulog. Samantalang yung kasama ko sa kwarto tulog na tulog na.
Nandito kami ngayon sa hotel. Dito kami mag s-stay hanggang sa matapos yung U23 competition. Yung roomate ko nga pala, si Risa. Sobrang cute niyaaaa! Kaya lang, medyo di kami magkaintindihan eh. Hehe.
Anyways, tinignan ko yung oras sa phone ko. 12 AM na pala. Ang daya. Inaantok naman ako kanina eh. Tapos nung nahiga na ako di na ako inantok.
Hindi ko napansin na hawak ko pa rin yung phone ko kaya nung nag vibrate, nahagis ko siya sa sahig. Buti di nagising si Risa.
Pinulot ko naman yung phone ko para tignan kung anong notification yun,
Beatriz
Text Message
Swinipe ko yung message para mabasa ko. Ano na naman kaya problema netong batang 'to?
Beatriz:
Gising ka pa?
To: Beatriz
Tulog na.
Beatriz:
Ah. K.
To: Beatriz
Parang tanga. Nu problema mo
Beatriz:
Di ako makatulog huhu.
To: Beatriz
Bakit parang kasalanan ko?
Beatriz:
Alam mo ang epal mo!
To: Beatriz
Parang ikaw lang. Mwa
Beatriz:
May pang swimming ka? Swimming tayo! Pwde pa yata hanggang 2 AM.
To: Beatriz
Joke ba to? Di mo naman siguro nakakalimutan na may training pa tayo bukas?
Beatriz:
Nope. Not a joke. I'm here outside your room na. Hurry up and change
Parang tanga 'to si Bea. Ugh. Dahan dahan akong nag ayos para di magising si Risa. Pag labas ko ng room, nandun siya sa gilid, nakasandal.
"Hoy! Para kang baliw no?"
"Hehe. I know. Love mo naman. Tignan mo, di mo ako natiis?"
"Ay nako pasalamat ka talaga!!!"