SC-4

4 0 0
                                    

"Mommy please! Wag nyo naman po itong gawin oh. Daddy!" Pagmamakaawa ko habang nakaluhod at luhaan ang mga mata. I never beg like this in my entire life. Maayos naman ang buhay namin dati ehh. Masaya kami. Ako, si Mommy at si Daddy. Isama pa ang mga grandparents ko. Ni minsan hindi ko naranasan na manikluhod at magmakaawa dahil isang sabi ko lang ibinibigay agad nila lahat ng gusto ko. Minsan pa nga kahit hindi ko hilingin. Dad told me I'm their princess and no one could ever hurt their princess! Pero bakit ngayon? Hindi ko na nga iniinda ang mga sampal na natamo ko kay Mommy. Alam nyo ba yung masakit? Yung mga tingin nila na para bang nagsisisi sila na ako yung naging anak nila. Ang gusto ko lang naman kasi tuparin yung pangarap ko. May sarili akong buhay kaya dapat hayaan nila akong piliin ang kursong gusto ko! Ayaw kong sumunod sa yapak nila! Gusto kong maging pintor! Pintor! Mahirap bang intindihin yun?!

"Here!" Sabi ni Mommy sabay hinagis ang isang puting sobre na alam kong pera ang laman! Napatitig na lang ako sa likod nila ni Daddy. Tinalikuran na ko ng mga magulang ko! Damm it hurts so bad! "Umuwi ka sa Cavite. Dun ka na manirahan and Samantha Leigh don't ever come back here! From now on you're no longer a De Leonor! You're no longer our child!" Her voice broke and I know she's hurting and crying too. While Dad, he's slightly shaking his shoulder. Umiiyak din sila. At yun ang pinakamasakit! I love my parents so much! Pero bakit ganito? Bakit nila ginagawa to? Bakit?! Ganon na ba ako kasamang anak para sa kanila? Ganon na ba ako kawalang kwenta? Nasasaktan ko na ba talaga sila sa mga ginagawa ko? Sa mga ginagawa ko para sa kinabukasan ko? Damm! I just want to have a good life like the others! Hindi ba pwede yun?

Samantha's Point of View

I dreamed of it again. It's been five years pero ang sakit sakit pa din. Napalinga ako sa paligid at puro puti ang nakikita ko. Dali dali akong napatayo nang maalala kong nasa ospital nga pala ako. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang bulto ng isang lalaki na nakatanaw sa bintana ng ospital. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Ehem." Tumikhim ako kunwari para maramdaman nya ang presensya ko ngunit bingi yata tong si----tsk! Si gago. Since malakas na siguro sya, gago na ulit sya. "Hoy!" Sigaw ko ngunit hindi pa rin talaga sya lumilingon. "Hoy gago!" Aww. Napatakip ako sa bibig ko nang lumingon sya at tapunan ako ng "gusto mo na bang mamatay? " look. Omg! Takot ako. Haha

"Sino?" Nakakunot ang noo nitong tanong sa akin.

"Ha? Anong sino?" Pinagsasabi nito?!

"Sinong gago. Sabi mo gago!" Pakiramdam ko nakikita ko yung imaginary usok sa ilong nya ayt! Katakot! Gumana naman ang pilya kong utak.

Second ChanceWhere stories live. Discover now